@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, November 11, 2012

Judy Ann Santos compares past and present leading men to food; says Piolo Pascual is like risotto



http://www.pep.ph/news/36368/judy-ann-santos-compares-past-and-present-leading-men-to-food-says-piolo-pascual-is-like-a-risotto

Judy Ann Santos on her hosting career: "Ngayong ibinigay ulit sa akin itong season ng MasterChef, sobra akong na-happy kasi napatunayan ko sa sarili ko—at siguro sa iba ring tao—na there’s more to me than just being an actress. Hindi pag artista ka, acting lang ang puwede mong gawin."

Photo: Noel Orsal




Malaking bagay para kay Judy Ann Santos na siya ulit ang kinuha ng ABS-CBN para mag-host ngMasterChef Pinoy Edition, na mapapanood na simula Lunes ng umaga, Nobyembre 12.

Marami raw kasi siyang napatunayan sa kanyang sarili simula nang una siyang maging host ng Junior MasterChef Pinoy Edition noong isang taon.

Sabi ni Juday, “For some reason, uumuwi ako nang mas masaya, kasi parang may isang part ng buhay ko na nabuksan, which is cooking.Kakaibang satisfaction daw ang hatid sa kanya ng pagiging host ng naturang “kusinaserye” ng Kapamilya Network.

“Na hindi naman alam ng mga tao iyan before, e, na marunong po ako.

“Parang hindi ko naisip na puwede ko palang pasukin itong linyang ito.

“All this time, akala ko hanggang pag-arte lang ako.

“Noong pumasok yung Junior MasterChef, nandun yung kaba, nandun yung takot, na parang bago ko pa makita yung mga batang dumarating, halos masuka-suka ako sa nerbiyos.

“Hindi ko talaga alam kung kaya kong itawid yung hosting.

“Ngayong ibinigay ulit sa akin itong season ng MasterChef, sobra akong na-happy kasi napatunayan ko sa sarili ko—at siguro sa iba ring tao—na there’s more to me than just being an actress.

“Hindi pag artista ka, acting lang ang puwede mong gawin.

“Pag nabigyan ka ng pagkakataon, gawin mo yung isang bagay na gusto mong gawin—maybe hosting or iba pa na puwede mong gawin.

“Nagkakaroon ka ng ibang klaseng accomplishment, na parang meron pa pala akong puwedeng gawin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang press si Juday sa presscon ng MasterChef Pinoy Edition kahapon, Nobyembre 8, sa Renaissance Convention Center, Riverbanks Complex, Marikina City.

Masaya rin si Juday na makakasama ulit sa show ang chef-judges na sina Fernando “Ferns” Aracama, Rolando “Lau” Laudico, at JP “Jayps” Anglo.


Hindi lang daw kasi sila magkakaibigan kundi magkakapamilya pa, kasama ang buong staff ng show.
LEADING MEN AS FOOD. Nakatuwaan namang sabihan ng press si Juday na ikumpara nito sa pagkain ang kanyang mga naging leading men.

Narito ang ginawang paghahambing ng aktres:
Wowee de Guzman. “In fairness kay Wowee, puwede siyang lechong manok.
“E, kasi, di ba, yung loveteam namin before, yun ang pinakamasa?
“So, ang makikita mong pinakamasang pagkain is lechong manok, na affordable. At pagka may comfort food ka, lechong manok yung gusto mo.”

Rico Yan. “Si Rico, pizza. Maliban sa ma-texture, yung Pinoy na Pinoy.
“Pag una mong tingin, pizza siya, sosyal, di ba?
“Pero pag kinain mo, lalagyan mo ng Pinoy flavors na very Rico.
“Na pag unang tingin mo, akala mo hindi mo mari-reach, pero pag kinausap mo, aba, e, mas barubal pa pala sa iyo, yung ganun.
“Very down to earth, very humble, at saka yung masyado kang maraming matututunan.
“Parang pizza, marami kang matitikman kasi ang daming ingredients na kasama ng pizza.”
Pagkatapos ni Rico Yan, biniro ni Juday ang press na dalawa lang daw ang sasabihin niya.
Alam naman kasi niya na ang hinihintay ng lahat na banggitin niya ay ang pangalan ni Piolo Pascual.
Pabiro niya ring isiningit ang pangalan ni Mark Anthony Fernandez dahil naging leading man din naman daw niya ito.
Pero sa huli, napilit din siya ng press na ibigay ang food comparison niya para kay Piolo.

Piolo Pascual
. “O sige na, sige na… Si Piolo, ilagay natin sa… siguro risotto,” pagtukoy ng actress-TV host sa isang klase ng Italian rice dish.
“Sosyal siya, di ba?
“Yung risotto kasi, mahirap lutuin, kailangang bantayan. Kailangan mong tutukan.
“Pag tinutukan mo, makukuha mo yung tamang timpla.
“Pero pag pinabayaan mo, mahihilaw siya o malalata siya.
“In fairness naman sa loveteam namin ni Piolo noon, di ba, lahat ng mga pelikulang ginawa namin, sobra namang kumita.
“Ibig sabihin, nabantayan, ibig sabihin inalagaan.
“Dumating lang sa punto na napabayaan kaya kailangang mag-separate ng landas.
“Ibig sabihin, nalata. Okay.”
Nilinaw rin ni Juday na ang risotto ay hindi naman simpleng kanin lang.
Aniya, “May iba-ibang flavors ang risotto.
“Puwede mong lagyan ng mushrooms, puwede mong lagyan ng truffles… iba-iba.
“Parang si Piolo rin, iba-iba rin yung nagiging ka-loveteam.”

Hiniling din ng PEP na isama na sa listahan ang asawa niyang si Ryan Agoncillo na naging ka-loveteam rin sa pelikula at telebisyon.

Biglang nagtawanan ang press, kaya ipinagdiinan ni Juday na, “Yung adobo, ha! At saka, di ba, yun ang pagkain na nami-miss mo pag nasa ibang bansa ka, di ba?Ryan Agoncillo. “Si Ryan, adobo. Kasi yun ang all-time favorite mo. Puwede mo siyang kainin umaga, tanghali, gabi.”
“Pag halimbawa, pumunta ka ng ibang bansa, ‘Uy, gusto ko ng adobo.’ Siya yun. ”
Inihabol na rin ng press si Mark Anthony, na nabanggit na niya noong una. Nagkasama rin kasi sila sa isang pelikula noon—ang Ako Ba Ang Nasa Puso Mo?(2000).

Mark Anthony Fernandez. “Si Mark Anthony, pasta, yung spaghetti na Pinoy, all-time favorite sa party.
“Kasi ma-texture din, di ba, marami ka rin makikita, kahit saan mo puwedeng ilagay yung sauce.
“Para ring si Mark—puwedeng action, puwedeng comedy, puwedeng drama.”

SAM MILBY. Pati ang bagong leading man ni Juday sa upcoming ABS-CBN teleserye na Against All Odds, si Sam Milby, ay hiningan din ng food comparison.
Sabi ni Juday, “Siguro, steak. E, kasi parang ang mahal niyang tingnan, di ba? Tapos may abs.”
Ano klaseng steak si Sam?
“Dapat sizzling steak para malutong.”
Totoo ba yung sinabi ni Sam na nai-intimidate siyang kaeksena si Juday sa teleserye nila?
“Sabi niya. Pero feeling ko, nai-intimidate lang siya kasi nabubulol siya, yung ganun.
“Pero may effort kasi siya na mag-Tagalog.
“Gusto ko naman yung effort na yun sa kanya na mag-Tagalog siya, kaya nakakatuwa naman din.
“Pero siguro nga natatakot siya. Sabi ko nga, ‘Bakit ka natatakot?’”
Bilang magaling na aktres, kuntento ba siya sa acting ni Sam?
“Oy, in fairness, may acting si Sam, ha—in fairness, ha.
“Kasi kung wala naman siyang acting, siyempre malalaman naman din pag sinabihan siya ng director.
“May acting siya, yun nga lang, ang problema lang talaga ngayon is yung pagsasalita niya, nahihirapan talaga siya.
“Pero natutuwa ako doon sa effort na ipinapakita niyang gustung-gusto niya talagang mag-Tagalog, ayaw naman ng dila niya.
“At least, happy na ako doon.”


No comments:

Post a Comment