Aminado ang aktres na si Judy Ann Santos-Agoncillo na na-miss niya ang paghu-host matapos ang weekly cooking show niya noon na Junior MasterChef.
Kaya naman natuwa raw siya nang malamang magkakaroon din ng Pinoy edition ang orihinal na MasterChefat siya pa rin ang napiling host nito.
“After Junior MasterChef, hinahanap mo rin yung susunod na hosting stint mo, bilang baguhan ka rin sa field na ‘to,” sabi ni Judy Ann nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang taga-media sa press conference ngMaster Chef kaninang tanghali, November 8.
Sa programang ito, mas matatanda na ang magiging kalahok, dahilan kung bakit kinakabahan si Judy Ann sa pagbabalik niya bilang host.
“Ito kasi, ibang take all in all,” ani Judy Ann.
“Sa Junior MasterChef kasi, parang nice ka.
"Ito, kailangan mo ng kaunti ang slightly pagiging impakta side mo para medyo matakot.
“Basta, iba dito.
"Excited ako, happy ako, pero kinakabahan pa rin.
“Kasi siyempre, makikita nga ng ibang tao yung ibang side ko when it comes to giving comments and tasting.
“Yung overall impact ng isang host, iba ‘to, e.”
Katulad ng sinabi niya sa kanyang unang hosting job, umaasa si Judy Ann na magugustuhan pa rin ng mga manonood ang anumang maipapapkita niya sa bagong programa.
“Iba ito kaysa sa Junior MasterChef, so hindi ko alam kung how they will take it, di ba?
“Pero I’m keeping my fingers crossed na mag-enjoy sila.
“Maliban sa pagpansin sa trabaho ko, sana ma-enjoy nila ang buong show kung gaano nag-e-enjoy ang mga contestants dito sa Master Chef.”
Sa Master Chef, tiniyak ni Judy Ann na makikita siya ng mga manonood na "mas magiging prangka, mas magiging istrikto."
Dagdag niya, “At saka mas maraming information yung makukuha ng mga tao habang pinapanood nila itongMasterChef.”
Ang MasterChef Pinoy Edition ay mapapanood araw-araw, bago ang Be Careful With My Heart, sa ABS-CBN, simula sa November 12.
TELESERYE WAS MOVED. Dahil sa muli niyang pagho-host ng MasterChef, naurong naman ang airing ng bago sanang teleserye ni Judy Ann sa ABS-CBN, angAgainst All Odds.
Nami-miss na rin daw ng aktres ang gumawa ng isang teleserye, pero ayaw niyang makumpromiso ang kanyang trabaho bilang artista kung isasabay ito sa paghu-host ng cooking reality show.
Ito ang dahilan kaya nahinto muna ang paggawa ng teleserye kasama sina KC Concepcion, Sam Milby, at Jericho Rosales.
Kuwento ni Judy Ann, “In-explain ko na rin naman sa kanila, kung ipapagawa n’yo sa akin yung MasterChef, hindi ko kayang pagsabayin ang MasterChef at teleserye at the same time, kasi paniguradong may magsa-suffer.
“Ayaw ko naman ng ganun.
“Siyempre, sa teleserye ako nakilala, ayaw ko namang mag-suffer yung performance ko sa teleserye.
“Ganun din dito sa paghu-host kasi bagong pasok lang ako dito, ‘tapos babarubalin ko na.
“So, naiintindihan naman nila.
“Kaya nga sabi ko, kung magma-MasterChef tayo, mag-stop muna tayo.
“We will resume next year.”
Paniniguro pa ni Judy Ann, “Tuloy pa rin.
“Wala namang nabago, wala namang natanggal, and wala rin namang nabawas.
“Nagdagdag kami, si Jericho [Rosales], pero tuloy pa rin siya, definitely.”

No comments:
Post a Comment