@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, December 9, 2012

14 MASTER CHEF KUSINERO’T KUSINERA, NAI-INTIMIDATE KAY CHEF FERNS




altSA Vermont Royale Executive Village sa Marcos Highway in Antipolo pala nananahan ang natitirang 14 kusinero at kusinera sa Master Chef Pinoy Edition ng ABS-CBN, na napapanood tuwing 10:00 a.m., Lunes hanggang Biyernes.

Dinalaw namin ang 14 na contender para sa tatanghaling kauna-unahang Pinoy Master Chef sa tahanan nila kapag kailangan nilang mag-taping. Kaya, most days eh, doon sila nagsasama-sama. Walo sa 14 ang nakausap namin sabay tikim na rin sa kanilang mga inihandang mga putahe. Iyakin ang tawag ng marami sa Kitchen Mac-Kulit na si Mac Serrano, na isang OFW na mula sa Tarlac. Sa tsikahan pa lang habang nilalantakan namin ang kanyang leche flan na pawang mga native na ingredients ang kanyang ginamit, hindi napigilan nito ang maiyak sa pagsasabing hinding-hindi na niya iiwan ang kanyang pamilya.

Ang pulis namang si Tolits Dulva, na tinatawag na Chief Cook of Police, na naghanda sa amin ng kanyang tuna cheese canapés na rati ring nag-OFW eh, magpapatuloy pa rin naman daw sa kanyang tungkulin bilang isang pulis sakaling siya ang tanghaling Master Chef pero on the side eh, malamang na magtayo rin ng restaurant sa kanilang bayan sa Sorsogon.

Pero nang si Ronnel Torres na tinatawag na Boy Labong na ang tsumika at nagpatikim sa amin ng kanyang pork liver sisig, na-upstage nito si Mac sa iyakan. Nasa abroad lahat ng mga kapatid ni Ronnel pero gusto raw nitong patunayan naman sa mga mahal niya sa buhay na hindi siya patuloy na aasa sa kanilang mga ipinadadala. Natabunan ng lahar ang tahanan nila sa Porac, Pampanga pero nagsisikap nga si Ronnel na maitaguyod ang kanyang pamilya. Bilib ang manonood kay Ronnel sa ipinakikita nitong gamit ng panggatong sa pagluluto, pagtatanim ng halaman at pag-aalaga ng mga hayop para siya nilang maging ulam.

Limang babae ang nakatsika namin. Una, sina Myra Santos na isang accountant na mango crepe ang inihain sa amin at si Ivory Yat na tinatawag na Kitchen Fashionista, na naghain naman sa amin ng nyoki. Parehong may mga kwentong magaganda sa buhay nila ang dalawa. Para sa magandang kinabukasan ng kanyang mga anak ang misyon ni Myra sa kanyang pagsali sa Master Chef. Si Ivory naman, gusto talagang makapagpatayo ng restaurant balang araw. Kaya nga more than the P1-M na premyo, mas interesado ito na ‘yung scholarship sa isang culinary school ang mapasakamay niya. Rati palang may rehabilitation center sa Las Pinas ang kanyang ama. Pero nagkasakit ito kaya isinara ang nasabing rehab center. Inusisa namin si Ivory kung may mga artistang nanahan sa kanilang rehab center. Mayroon daw pero siyempre, she can’t disclose kung sino-sino ang mga ito. At umayos naman na raw ang buhay nang matapos na ang kanilang treatment.

We also had the chance to meet ang negosyanteng kusinerang si Carla Marcaida, ang nanay-kasambahay na si Lilibeth Nicolas, at ang cooking Momma na si Melissa Gutierrez. Ang sasarap din ng mga inihanda nila para matikman naming—ang chicken pot roast ni Mama Melissa, ang squash soup with bacon ni Lilibeth, at ang triple choco moist cake ni Carla.

Sa iba’t ibang parte ng dalawang bahay kung saan sila nananahan namin kinausap ang mga kusinero’t kusinera.

Dumating ang ambulansiya ng St. Luke’s para kaunin ang loving nanay ng Kusinang si Maureen Angala. Dalawang araw na raw itong nilalagnat. At ayon nga kay Ivory na kumuha naman ng kursong Nursing, sa tingin nga niya eh, kailangan ng pumunta ng ospital ni Maureen dahil nga sa mga naglabasan ding rashes sa balat nito. Ayaw nilang isiping dengue ang tumama sa kanilang kasamahan kaya marapat lang daw na tingnan na ito mismo sa ospital.

Tinanong namin ang karamihan sa kanila kung sino sa tatlong chefs na nagja-judge sa kanila ang nai-intimidate sila. Nagkakaisa sila sa sagot na si Chef Ferns.

Marami nga raw silang natututuhan dito dahil may pagka-mabagsik nga ito sa kanyang napaka-seryosong look.

Pero ang love nila talaga eh, ang host na si Judy Ann Santos.

Sabi nga ni Mommy Melissa, “Si Juday kasi, she’s so kind. She’s learned from the strife that came to her life in the past. Kaya ‘pag nagsasalita siya, ‘pag may sinasabi, alam mong everything comes from the heart at napag-aralan o nadaanan na niya ito in her experiences.  Malumanay magsalita, maganda magsabi ng opinion o judgment niya, very gentle. Maa-accept mo ang anumang sabihin niya. Add to that pa na she’s so pretty. Lagi namin g inaabangan ang suot niyang damit and shoes.”

Mayroon na ba kayong bet sa kanila? Karamihan sa mga kakilala ko, talagang kinukuha ang recipes that these cooks share sa audience. Kaya, hindi na kami magtataka kung after the competition, may ilalabas na recipe book ang ABS-CBN na magtatampok sa naibahagi nilang mga luto sa madla.

Ang the best sa mga tinikman ko that day sa inihain sa amin—ang sisig ng mula sa Pampangang si Ronnel. To die for!    
                  

No comments:

Post a Comment