http://abscbnpr.com/?p=13413
JUDAY NILAYASAN SI SAM! Gigil ang TV viewers sa mga pinaggagagawa ni Sam Milby kay Teleserye Queen Judy Ann Santos sa mga latest episode ng fast-paced na kuwento ng top-rating ABS-CBN primetime series na “Huwag Ka Lang Mawawala.” Nag-alsa balutan na ang role ni Juday na si Anessa mula sa mansyon ng mga Diomedes dahil sa pagiging marahas sa kanya ng asawang si Eros (Sam). Ito ay matapos muling dinanas ni Anessa ang pananakit ni Eros na umabot pa sa sukdulang ginahasa siya nito. Paano bibigyang ‘hustisya’ ni Anessa ang impyernong pinadanas sa kanya ni Eros? Tuluyan na nga bang mawawasak ang relasyon ng mag-asawa? Ang paghihiwalay ba nina Anessa at Eros ang hudyat para muling angkinin ni Alexis (KC Concepcion) ang puso ng kababata? Huwag palampasin ang mas kapanapanabik na takbo ng kuwento ng “Huwag Ka Lang Mawawala,” gabi-gabi, pagkatapos ng “Juan Dela Cruz” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa iba pang updates kaugnay ng programa, mag-log on lang sa www.facebook.com/HKLM.TV at sundan ang @HKLM_TV sa Twitter.
No comments:
Post a Comment