@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Wednesday, June 12, 2013

JUDY ANN SANTOS’ ROAD TO ROYALTY ON JEEPNEY TV

http://abscbnpr.com/?p=12862


Judy Ann Santos on Jeepney TV
Serving as an example and as inspiration to many in the entertainment industry, Jeepney TV celebrates the unique talents of Judy Ann Santos in the original Jeepney TV special, “Judy Ann Santos: Her Royal Journey on TV”—detailing her young beginnings all the way up to her much-anticipated return to the acting scene in her upcoming teleserye, “Huwag Ka Lang Mawawala”.
Judy Ann Santos began as a child actress, first making her professional television debut in “Kaming Mga Ulila” (1986). Her first leading role in a television series was in “Ula, Ang Batang Gubat” (1988), where she starred in the title role. She got her biggest break when she played the role of Mara in ABS-CBN’s “Mara Clara” in 1992. Over the years, Judy Ann has endeared herself to millions of TV viewers in a wide range of different characters such as Esperanza, Krystala, Ysabella, and many more. Her different roles in these favorite television shows eventually earned her the undisputed title of Teleserye Queen.
In “Judy Ann Santos: Her Royal Journey on TV”, Jeepney TV takes you along the path that the Teleserye Queen went through, retracing the journey of the girl who grew up before everyone’s eyes to become one of the most revered actresses in the industry. This is spiced up by interviews with people she has worked with. such as her former co-stars Piolo Pascual, Gladys Reyes and Wowie de Guzman, her long-time manager Alfie Lorenzo and her renowned directors Laurenti Dyogi and Jose Javier Reyes, who all had nothing but admiration for the actress.
“I wouln’t be where I am if not for Juday,” Piolo says. “If not for her, my showbiz career wouldn’t be what it is. She is the real soap opera queen.”
Wowie de Guzman also speaks of her commitment to her craft, “People can quickly relate to her. Her dedication and love for what she does is incomparable.”
“As an actress, she is professional,” as put by Gladys Reyes. “She is the most genuine actress.”
Get an insider’s look into the story behind the success of Judy Ann Santos and discover why she is considered to be TV royalty on Jeepney TV’s “Judy Ann Santos: Her Royal Journey on TV”, airing under the channel’s “Let’s Go, Linggo!” banner this Sunday (June 16) at 9:00 PM. Jeepney TV is available on SkyCable Channel 9 and in leading cable systems nationwide.
For programming schedules and updates, like Jeepney TV’s Facebook page atwww.facebook.com/JeepneyTV.
-30-

ANG PAGLALAKBAY NI JUDY ANN, IPAPALABAS SA “LET’S GO, LINGGO!”

Ngayong Linggo, babalikan ng Jeepney TV ang mga pinagdaanan ng isang babae na nagsisilbing inspirasyon sa nakararami, ang sikat na aktres na si Judy Ann Santos. Sa special feature ng “Let’s Go, Linggo!” na “Judy Ann Santos: Her Royal Journey on TV”, idedetalye ang kanyang mga unang role sa showbiz hanggang sa kanyang inaabangang pagbalik sa teleserye sa paparating na “Huwag Ka Lang Mawawala”.
Si Judy Ann ay nagsimulang humarap sa kamera noong siya ay bata pa. Una siyang lumabas sa “Kaming Mga Ulila” noong 1986, at pagkatapos ng dalawang taon ay gumanap na siya sa isang lead role sa “Ula, Ang Batang Gubat” noong 1988. Patuloy niyang napa-bilib ang mga manonood sa iba’t-iba pang mga leading role, lalo na sa kaniyang pagganap bilang Mara sa “Mara Clara” ng ABS-CBN noong 1992. Bukod dito ay gumanap din siya bilang Esperanza, Krystala, at Ysabella. Sa pagkakasunud-sunod ng mga pagganap niyang ito, siya ay nabinyagang “Reyna ng mga Pinoy Soap Opera”.
Sa special na “Judy Ann Santos: Her Royal Journey on TV”, sundan ang naging paglalakbay ng batang babae na naging isa sa mga most-loved na artista sa industriya. Punung-puno pa ito ng mga interbyu kasama ang mga taong nakasama niya sa trabaho, tulad nina Piolo Pascual, Gladys Reyes, at Wowie de Guzman; pati na rin ang kanyang manager na si Alfie Lorenzo at mga kilalang direktor tulad nina Laurenti Dyogi at Jose Javier Reyes.
“Hindi ako makakarating kung saan man ako ngayon bilang artista kundi dahil kay Juday,” ang sabi ni Piolo. “Siya talaga ang tunay na soap opera queen.”
Sabi naman ni Wowie de Guzman tungkol sa kanya, “Ang bilis makarelate ng tao sa kanya. Ang pagmamahal niya sa trabaho ay walang katulad.”
“Bilang isang artista, siya ay professional. Siya ay ang pinaka-genuine na aktres,” sabi ni Gladys.
Alamin ang kanyang istorya sa “Let’s Go, Linggo!” ng Jeepney TV na ipapalabas ngayong Linggo (Hunyo 16), 9:00 pm – 11:00pm . Ang Jeepney TV ay mapapanood sa SkyCable channel 9 at sa iba pang mga nangungunang cable system sa bansa.
Para sa mga schedule at update, i-like sa Facebook ang www.facebook.com/JeepneyTV.
-30-

No comments:

Post a Comment