Paano kaya ang maging isang Judy Ann Santos kapag walang nakatutuok na camera?
Isa ito sa mga tinalakay sa ikatlong bahagi ng panayam ng section editors ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na sina Monching Jaramillo at Demai Granali kay Judy Ann.
Kasama rin sa mga napag-usapan ang kanyang pagiging mabuting anak, paano siya magtampo, ang isa sa pinakamatinding kontrobersiya na hinarap niya, sino ang mga best friends niya sa showbiz, at ang kanyang sikreto sa patuloy niyang pagningning sa mundo ng showbiz.
Ngunit bago ang lahat, narito ang sagot ni Juday sa tanong tungkol sa pagpapatibay ng relasyon niya sa kanyang asawang si Ryan Agoncillo.
Juday: “Ano nga ba? Well, siguro yung mas maging patient sa isa’t isa and as time goes by kasi, you will learn to choose your battles, e. Before kasi konting kibot, konting ganyan, may issue kaagad.
“Ngayon parang mas na-appreciate na lang namin yung magkasama kami na walang issue, yung ganyan. Naniniwala kasi ako na ang pagiging mag-asawa is a work in progress.
“Hanggang maghiwalay kayo bilang as individuals... hindi naman maghiwalay, namatay na kayo ganyan, pinag-aaralan niyo pa rin ang isa’t isa hanggang sa siyempre yung proseso na nag-school na yung mga bata, yung nagtatrabaho kayo. Palagi kayo may learning na nangyayare every year, every month, every day, every week.
“Siguro, mas natuto na lang kami maging relaxed sa relationship namin. Yung wala na masyadong expectations. We just live for the moment, kung ano na lang yung nandiyan, bahala na lang si Lord, basta i-enjoyin na lang namin siya.”
Monching: “Kung dati, kung magtampo ka raw, parang nagpapaparlor ka na lang, lumalayas ka muna sa bahay, nagpapaganda. Ngayon, pa’no ka magtampo?”
Juday: “Ay, nag-go-grocery ako kasi matagal yung parlor, may five [or] three hours ka diyan.
"E, yung grocery, three hours lang, gtwo hours nga lang tapos, nagluluto na lang ako buong maghapon sa bahay so ang dami naming ulam.”
MOMMY CAROL. Ang pagiging ina at asawa ay isang learning process para kay Juday. At ang kanyang teacher...
Juday: “Alam mo, totoo yung kasabihan na ano… yung kapag, ma-appreciate mo yung nanay mo pag nag-asawa ka na.”
Demai: “Pag nanay ka na rin…”
Juday: “Oo, naaalala ko ‘yan si Mommy [Carol], tinatalakan ako niyan pag dalaga ako, ‘Hay nako, maiintindihan mo ako pag nanay ka na,’ and that was ten years ago.
“Gosh, ang tanda ko na.”
Tumawa ang lahat sa hirit na ito ni Juday.
Demai: “Hindi naman halata, in fairness.”
Juday: “Nung naisip ko, parang nalungkot ako, 10 years ago.”
Monching: “Bakit?”
Juday: “24 [years old] lang ako n’on.”
Monching: “Mukha ka namang 23 ngayon…”
Juday: “Yieeee… Susmaryosep, Merry Christmas…
“Hindi, sobra kong nava-value talaga yung pagiging disciplinarian ni Mommy sa amin. Yung times na she would tell us na, ‘Kayo, sana maintindihan niyo kung bakit ako ganito ka-istrikto sa inyo. Isipin niyo kung ano ginawa niyo sa Nanay niyo, ganyan ang gagawin ng mga anak niyo sa inyo.’
“Ay, kaya ingat na ingat ako sa mga issue namin ni Mommy lalo pa’t ang panganay ko, babae. Nakakaloka! So ano naman...
“Lalo na ngayon si Mommy, talagang maaasahan mo talaga siya pag halimbawa may piano lessons si Yohan, may voice lessons si Yohan, dadalhin si Lucho sa school, tapos wala kami ni [Ryan], ora-orada nasa bahay agad ‘yan.
“Or kaya may sakit yung dalawang bata, lahat agad ite-text niyan, ‘O anak, kamusta na sila? Pinainom mo na ba ng gamot?’
"Nakakatuwa, parang yung relationship namin ni Mommy ngayon, compared to before, para kaming magkabarkada kung pa’no kami mag-usap, kung pa’no kami lumabas. Mas ano kami, mas relaxed.”
Monching: “Tsaka balita nga namin kunyare may trip si Mommy Carol, parang ikaw pa yung nagbabayad nung makakasama niya, yung plane tickets ng makakasama, may makasama lang siya…”
Juday: “May mga moments naman na ganun pero actually, si Mommy, mas gusto nga niya na siya lang. Pero may mga times naman din na may mga kaibigan siyang nakakasama.
“Yun naman yung prinomise ko sa kanya na ilang taon siyang nagtrabaho abroad, tapos nung kumikita na ako, sabi ko, ‘Retire ka [Mommy Carol] na, dito ka na lang sa amin and go see the world, you deserve it.’ Di ba? Pag-iipunan natin ‘yan paunti-unti, hindi nga lang every month, di ba? Siguro mga once a year, once in two years, basta kaya ko, ibibigay ko sa kanya kasi deserve niyang mag-relax, deserve niyang mag-enjoy.
“Deserve niya yun, e, kasi tatlo kaming anak na pinalaki niya at trinabaho niya talaga na maging maayos na magulang at tao habang nandiyan siya.
YOUNG SUPERSTAR. Hindi naging madali ang tinahak na daan ni Juday upang maabot kung saan man siya naroroon ngayon. Kaya naman, tinanong siya ng mga hosts kung ano ang sikreto ni Juday sa patuloy na pagtatag ng kaniyang career sa showbiz."So I feel sa bawat anak ano, you deserve to give your parents something. It’s pay back time, yun nga yung sinasabi nila, it’s pay back time, you give them, what they deserve.”
Demai: “Yung buhay celebrity, paano ba siya? Madali ba?”
Juday: “Hindi ko rin alam, paano ba?”
Monching: “Kasi parang ang ayus-ayos mo. Kung kelan ka nag-asawa 'tsaka parang nabalanse mo, mas gumanda ka, basta mas umayos lahat.”
Juday: “Monch, kilala mo naman ako simula’t sapul…”
Monching: “Oo naman…”
Juday: “Hindi naman ako naging artista na, I mean ibig kong sabihin, hindi naman ako umaarte sa harapan ng ibang tao. I mean, kung ano yung ipapakita ko, yun na talaga ako.
“Meron naman din akong ugali na kapag may nakita akong tao na hindi ko siya type, hindi ko talaga siya type, may ganun naman din akong ugali.”
Monching: “'Tsaka siya, usually kasi parang walang entourage. It’s either dalawa lang sila ni Nonong [Jeronaga] o tatlo sila nila Jane [Buencamino].”
Juday: “Ganun lang, e, at saka sila lang naman talaga yung core group ko. Wala na akong ibang barkada maliban sa mga staff ko and…
“Paano ba maging isang Judy Ann Santos? Sino ba yung Judy Ann Santos?”
Natawa ang lahat sa hirit na ito ni Juday.
Monching: “Judy Ann Santos-Agoncillo na kasi ngayon kaya hindi mo na kilala si Judy Ann…”
“Oo, maganda ang kita sa trabahong ito kaya mas inalagaan ko siya. Hindi naman ako magpapakaplastik sa pagsabing alangan namang sabihin kong konti lang ang kita dito, e, bakit nandito pa ako, di ba?Juday: “Siguro kapagka... hindi kasi naman nakaplano ‘tong ginawa ko, e. Nangyare lang siya, nagkataon na na-enjoy ko siya, inalagaan ko siya.
“In reality and practicality, kung may gusto kang isang trabaho na gusto mo makaipon kaagad, yes pag-aartista yun. Pero ang kapalit naman nun is you have to work have for it. Kailangan mo i-earn yung trust nung tao, kailangan mong makisama nang husto, ng totoong pakikisama hindi yung nakikipagplastikan ka.
“Umaarte ka sa harapan ng camera, hindi mo rin naman gugustuhin pag nasa likod ng camera, aarte ka pa rin. Nakakapagod naman yun parang arte ka nang arte, ang arte!
"Arte-arte mo na, di ba, [so] parang maghahanap ka ng tunay na buhay, maghahanap ka ng simplicity in life, and I just happen to have that simplicity with my friends.
“Yung I enjoy my time with them, I enjoy having a massage with my mom, my sister, and I enjoy being alone. Simple things make me happy. Ngayon na nga lang nagkaroon ng mga branded na bagay-bagay, dati naman wala. Cardam’s okay na, ngayon kailangan may Louboutin ka, yung ganung…”
Monching: “So, Louboutin ito?”
Juday: “Hindi ko alam, hindiram ko lang ‘yan.
“Sana simple na lang ang buhay, yung ganun.”
Demai: “Pero ano po yung mga bagay po na parang nakakapagpa-down sa ‘yo?”
Juday: “Meron, oo, kapag siyempre kapag nagkakaroon ka ng issues with friends. I mean, pag may itinuturing ka talaga na tunay na kaibigan at nagkaroon kayo ng slight misunderstanding na nakakalungkot kasi pag nagtrato ako ng kaibigan, kaibigan talaga ‘yan na I will fight for you ‘til death pero kapag nasira naman yung trust ko sa ‘yo, asahan mong hindi ko na maibabalik yun.
“Maibalik man, matagal na panahon, poprosesuhin ko siya, hihimayin ko siya isa’t isa kasi I invested too much emotion, e. Parang I invested my life on you already and then nagkakaroon tayo ng ganyang issue. I care for my friends truly deeply. Ganun talaga akong tao siguro.”
BEST FRIENDS FOREVER. Tungkol sa pagkakaibigan, tinanong ng mga hosts si Juday kung sinu-sino nga ba sa showbiz ang maituturing niyang mga tunay na kaibigan.
Monching: “... sino mako-consinder mo ngayon na top 5 na mga kaibigan mo?”
Demai: “Pinaka-close mo…”
Juday: “Showbiz?”
Monching: “Showbiz pero friends mo na hindi nagpapaka-showbiz…”
Juday: “Mylene [Dizon], Gladys [Reyes]. Andiyan si Iza Calzado, andiyan si Agot [Isidro].
“Sino pa ba?
“Jolina [Magdangal], once in a while, though hindi naman din kami masyado nagkikita at hindi naman nagkakatextan pero sila talaga yung masasabi mong di man kayo magkita, di man kayo mag-usap, alam mong pag nagkita kayo, mahaba, marami kayong mapag-uusapan pero walang issue kahit di kayo nagkikita, walang issue kung hindi kayo nakakapagtextan. Parang naiintindihan niyo na lang na, ‘O may sari-sarili na tayong buhay, wag na tayong magpaka-ano na noh. Wag na tayong magpakabagets ba dito.’”
Monching: “Ito rin ba yung mga top 5 friends na pag kailangan mo sila, e, nandiyan sila?”
Juday: “Oo, ang masasabi ko, ito yung mga tao na pag may tinanong ka, alam mong sa inyo lang yung mga pinag-uusapan niyo. Hindi siya lalabas, hindi siya mapapag-usapan nang wala ka. Of course kasama diyan si Ga [Dante Garcia], si Joy, si Jane [Buencamino], si Anna [Dasig]. Si Beth [Tamayo], tama ka ng sinulat…”
Monching: “Kasi narinig namin na ano, tinutulungan mo yung Mommy niya sa pagpapagamot, merong Lymphoma, ano yung kwento…”
Juday: “Actually, she’s [mom of Beth] okay na, she’s undergoing some therapies now and I think she [Beth] wants to be quiet about it kasi hindi naman lahat ng tao, e, welcome sa pakikipag-usap sa ano, nararamdaman nila di ba lalo pa’t recent ano mo lang na-discover kung ano talaga yung nangyayare.
"So I made naman a promise to Beth na even before she left, I told her na ‘Sige Ka Beth, habang wala ka dito, ako muna ang bahala sa kanila,’ kung ano yung hanggang kaya kong maitutulong sa kanila, itutulong ko.”
Sa bahaging ito nagsimula ang mga tanong tungkol sa matinding kontrobersiyang kinaharap ni Juday sa kanyang showbiz career.
Monching: “Meron ka bang hindi kinayang controversy ever? Although, nalampasan mo naman kasi nandito ka pa pero yung pinakamatinding….
Juday: “Pinakamatindi siguro…”
Demai: “Yung talaga iniyakan ninyo, ikinasama talaga ng loob niyo.”
“At saka batang bata pa ako nun, napaka-vulnerable ko, napaka-sensitive ko tapos araw-araw din ako nagtatrabaho so, alam mo yung parang gusto mo na lang mawala at ayaw mo na mag-artista para na lang matapos yung issue kasi you’re torn, e.Juday: “Siguro, matagal na yun yung kay Mommy 'tsaka kay tito Alfie [Lorenzo]. Matagal na matagal na matagal na matagal na matagal na yun. Para kasing ang hirap kapag naipit ka sa gitna ng dalawang taong mahal na mahal mo at dalawang taong napakalaki at ang tindi ng... lalo na si tito Alfie, ang tindi ng ano niya sa show business.
“Nanay ko ‘tong pinag-uusapan natin tapos manager tapos pera tapos ipit ka sa gitna. Ayaw mong may masaktan pero at the end of the day, si tito Alfie din yung nagsabi sa akin na, ‘Alam mo kung hindi mo kinampihan yung Nanay mo, magagalit ako sa ‘yo.’
"Siya naman yung nagsabi sa akin nun so at least naging okay na rin sila ni Mommy, naging civil na rin naman sila.
“Iniisip ko baka kailangan ko rin talaga siyang pagdaanan kasi para alam ko rin kung paano ko protektahan yung sarili ko sa mga intriga na ganyan. Siguro dun nagsimula yung pagiging matabil ko sa pagsagot.
“Yung naging matapang ako, naging wala na lang akong pakialam sa sasabihin ng tao, tutal magsabi ka ng totoo, magsabi ka ng hindi, may masasabi sila so magsasabi na lang ako ng totoo. Kung may masaktan, e, di pasensiya, at least sinabi ko yung totoo, ganun na lang.”
Dito nagtapos ang isa sa mga pina-honest na interview ng Young Superstar, na kahit pa marami na siyang pinagdaanan sa showbiz, nanatiling totoong tao siya sa likod ng kamera.
Sa susunod na episode, isang hunk ang magpapakilig sa ating lahat. Abangan!