@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Thursday, January 17, 2013

Juday, lusot sa tax evasion

Ni Reggee Bonoan


NAGPAPALINIS kami ng sasakyan noong Miyerkules ng hapon nang matanggap namin ang mensaheng ito mula sa ina ni Judy Ann Santos-Agoncillo na si Mommy Carol: “Acquitted si Juday sa tax evasion case niya. Thanks to God!“

Abut-abot ang pasalamat ni Mommy Carol sa desisyong ng Court of Tax Appeals dahil walong taong dala-dala ng anak niya ang problemang ito.

“Kaya nga umiyak talaga ang j bunso ko sa phone nu’ng sinabi niya sa akin. Nandito kasi ako ngayon sa Cebu,“ kuwento pa ni Mmmy Carol sa amin.

Halos kasing-edad pala ng panganay ni Juday na si Yohan ang kaso.

“Oo nga, kanina lang ibinaba ang desisyon, after 8 long years,“ sabi niya.

Sinampahan ng tax evasion case si Judy Ann ng Bureau of Internal J Revenue noong 2002 dahil kulang daw ang idineklarang kinita niya.

Ayon sa BIR, P8.033 million lang ang idineklara ng aktres na base naman sa record ay umabot sa halagang P16.3 million ang natanggap niyang talent fees mula sa ABS-CBN, Viva Productions, Star Cinema, at product endorsements.

Ayon sa 46-page decision na pinirmahan ng third division associate justices na sina Lovell Bautista at Amelia Cotangco-Manalastas, “underdeclared“ ang mga kinita ng aktres kaya inatasan siyang magbayad ng P3.4 million para sa income tax deficiency niya noong 2002. May karagdagang 20 percent a interest para sa bawat taon bilang tax penalty at delinquency interest.

Pero mukhang hindi pa rin susuko ang BIR dahil hindi pa rin daw sila titigil sa pagsulong ng reklamo nila laban kay Judy Ann.

Sa isang statement, sinabi ng BIR, “It has always been the BIR’s position that the tax code provides the presumption of fraud in cases of underdeclaration of 30 percent. Ms. Santos’s underdeclaration exceeds 100 percent and the defense never submitted any evidence to disprove such presumption.“

Iginiit din ng BIR na ang desisyon ay salungat sa “willful blindness“ doctrine ng Court of Tax Appeals at ng Supreme Court.

Gayunpaman, umaasa ang ina ni Juday na tuluyan ng maayos ang problema ng anak sa BIR.

“Nakakatawa na nang masarap ang anak ko,“ sabi niya.

Samantala, umpisa pa lang ng 2013 ay maganda na ang pasok kay Juday dahil nag-resume na siya sa taping ng Against All Odds habang umeere ang Master Chef Pinoy Edition.

Read more http://www.balita.net.ph/2013/01/juday-lusot-sa-tax-evasion/

No comments:

Post a Comment