"Kukwestyunin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Korte Suprema ang desisyon ng Court of Tax Appeals (CTA) na nag-aabswelto sa aktres na si Judy Ann Santos sa kasong tax evasion. "Kukwestyunin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Korte Suprema ang desisyon ng Court of Tax Appeals (CTA) na nag-aabswelto sa aktres na si Judy Ann Santos sa kasong tax evasion.
Hindi pinatawan ng CTA si Santos ng anumang criminal liability at sa halip ay pinagbayad lang ng P3.418 bilyon para sa aspetong civil liability na kumakatawan sa kaniyang income tax deficiency at dinagdagan pa ng 20 porsyentong delinquency interest.
Nanindigan si BIR Commissioner Kim Henares na nagkakaroon ng tax fraud kapag hindi naideklara ang hindi bababa sa 30 porsyento ng income tax alinsunod na rin sa National Internal Revenue Code.
Sa kaso ni Santos, lagpas pa umano sa 100 porsyento ang hindi nito naideklara.
Matatandaang sinampahan ng BIR si Santos ng P2.714 tax evasion case sa Department of Justice (DOJ) na nakitaan naman ang kaso ng probable cause para maiakyat ito sa tax court.
Thursday, January 17, 2013
Pag-abswelto kay Judy Ann Santos sa kasong tax evasion, kukwestyunin ng BIR sa SC
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment