http://www.remate.ph/2013/01/judy-ann-santos-hahabulin-pa-rin-ng-bir/
Ito ang tiniyak ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Sa pahayag ng BIR, sinabing kanilang idudulog sa Korte Suprema ang desisyon ng Court of Tax Appelas o CTA na nagpawalang-sala sa aktres sa kaso.
“We will be filing a petition for certiorari questioning the decision on the criminal aspect”, ayon sa BIR.
Nilinaw ng ahensiya ang probisyon sa tax code na nagtatakda ng “presumption of fraud” sa mga kaso na may kinalaman sa “underdeclaration of 30-percent”.
Nabatid na ang underdeclaration ni Ms. Santos ay higit pa sa 100 percent at hindi rin umano nagsumite ng anumang ebidensiya ang kampo ng aktres upang patunayan na mali ang findings ng BIR.
“The decision likewise reverses the “willful blindness” doctrine espoused by the Court of Tax Appeals itself and affirmed by the Supreme Court,” ayon pa sa BIR.
Pinagbabayad ang aktres ng civil liability na nagkakahalaga ng P3.418 Milyon na kumakatawan sa income tax deficiency para sa taong 2002 at karagdagang 20 porsiyento bilang delinquency interest mula 2008 hanggang sa mabayaran.
No comments:
Post a Comment