http://www.tempo.com.ph/2012/11/juday-maarte/#.ULetWeSXKuk
Manila, Philippines – SUPER thankful si Judy Ann Santos na sa Dec. 23 gaganapin ang 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars. Dati kasi, Dec. 24 ito ginaganap at ayon kay Juday, nangangarag siya kapag may filmfest entry siya.
“Now, I have the time to prepare for our noche buena. Dati kasi, inaabot ng gabi ang parada. Pag-uwi ko ng bahay, pagod na ako. Wala nang energy. Salamat at binago ng MMFF people ang date ng parada. I’m sure, gusto rin ng ibang artistang may festival entries this year na Dec. 23 na ang MMFF Parade of Stars,” wika ni Juday noong presscon ng “Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako.”

Aniya, matinding pressure sa kanya ang magiging box-office results ng pelikula dahil baka raw siya ang bagsakan ng sisi kapag nag-number 2 ito. Nag-number 1 kasi ang unang festival movie na pinagsamahan nina Sen. Bong Revilla at Vic Sotto, ang “Si Agimat at si Enteng Kabisote” in 2010.
Juday plays Princess Angelina Kalinisan Orteza, a.k.a. Ako na isang engkantada. She doesn’t mind kung replacement lang siya kay Ai Ai delas Alas dahil hindi ito pinayagan ng Star Cinema.
“Isang malaking karangalan na makatrabaho ko sina Sen. Bong at Vic. This is once in a lifetime opportunity. Magiging choosy pa ba ko? Magandang Christmas gift ito sa akin,” saad ni Juday.
No demands
All praises si Juday kina Sen. Bong at Vic. Aniya, parehong malakas ang karisma ng dalawa.
All praises si Juday kina Sen. Bong at Vic. Aniya, parehong malakas ang karisma ng dalawa.
“Pareho silang simpatiko at hindi feeling artista kapag nasa set. Wala silang sariling dressing room at nakatambay lang sila sa labas kapag hindi pa sila ang kukunan.
“Wala silang demands. Mas maarte pa nga ako (laughs) at gusto ko, may dressing room. Siyempre, dahil babae ako. Pareho silang simpleng tao. Ang pagkain nila, pagkain ng lahat.
“Nakikipagbiruan sila sa crew. Wala silang ere at walang cut-off time. Siguro dahil sila ang producers (laughs). Masarap sila katrabaho. Hindi mo mararamdaman ang pagod at inip sa set,” pahayag ni Juday.
No comments:
Post a Comment