“Ako ha, ako ha personally hindi ako naniniwala riyan. Naniniwala ako na sa bawat artista may kanya-kanyang talent ‘yan, may mga pagkakataon na hahanapan mo ng tamang kapareha para mailabas ‘yung acting nila o kung anong talent mayroon sila. “Ah hindi ako naniniwala sa salbahan, hindi ako naniniwala sa takipan ng talent, naniniwala ako sa pagtutulungan.
“Baka maaaring may maniwala sa akin o hindi maniwala sa akin, wala po akong gustong patunayan . Ang sa akin lang, unfair naman din sa mga taong sinasabihan ng ganoon kasi alam mo namang nagtatrabaho rin sila.
“And kung ano man ‘yung marating nila eh deserve rin naman nila kasi trabaho rin naman ‘yung ginagawa nila.
“So, kung ako man ang sasabihan ng ganoon siyempre nakakaliit din naman ng pagkatao ‘yun ‘di ba? So hindi, para sa akin ang pakikipagtrabaho sa ibang artista ay nakakalawak ng kaaalaman ‘yan pagdating sa pag-arte and matagal na ako sa industriyang to, I’m more than willing to learn from other artist as well lalo na ‘yung mga baguhan kasi for sure, eh may obserbasyon kang makikita sa kanila na hindi mo naman nakita noong nagsisimula ka.
“So in a way nagtutulungan talaga kayo.” Pangungulit pang tanong namin, kung aware ba siya sa mga ganong usapan? Atubili niyang sagot, ”Ay ikaw talaga ha…hindi,” at natawa na lang ang misis ni Ryan Agoncillo.
At dugtong pa nito, ”Hindi ko siya ini-entertain, kasi ayoko maging unfair sa ibang artista and in the same way na akoyo ring maging unfair sila sa akin.”
No comments:
Post a Comment