@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, August 28, 2012

Judy Ann Santos shares the challenges and joys of being a mother and wife


http://www.push.com.ph/features/8325/judy-ann-santos-shares-the-challenges-and-joys-of-being-a-mother-and-wife/


8/28/2012 9:27 AM

by: Krissa Donida

082812-judyann-main.jpgSa ekslusibong naging panayam ni Janice de Belen sa Queen of Teleserye na si Judy Ann Santos saShowbiz Inside Report, mas nakilala ng publiko si Juday sa likod ng camera. Ibinahagi ni Juday na wala pa man siyang asawa, alam niyang may kulang pa sa kanyang buhay, ang maging isang ganap na ina.

Naikwento niya ang rason sa kanyang pag-adopt sa panganay na anak na si Yohan, “Gusto ko talaga! Pinagdasal ko talaga yun e. There’s just this part of me na I want to have a baby.Dumating pa nga ako sa punto na sabi ko sa sarili ko, kung hindi ako makahanap o walang dumating sa akin na baby by 26, kahit walang asawa magbubuntis ako. Nandun ako sa pag-iisip na kahit anong sabihin ng tao sa akin, wala akong pakialam. May artificial inseminationnaman, ang dami nang paraan. Kasi gusto kong lumalaki yung anak ko na kasabay ko. Gusto ko kabarkada ko siya.”

Bukas sa pag-amin si Juday at ang kanyang asawang si Ryan Agoncillo na hindi man nanggaling sa kanyang sinapupunan si Yohan, galing naman ito sa kanyang puso. Pero habang tumatanda si Yohan, inamin ni Judy Ann na nagiging mahirap na ang mga nagiging tanong ni Yohan tungkol ditto. “Habang lumalaki siya, nag-iiba yung bigat ng tanong niya. Minsan dumarating ako sa punto na hindi ko na siya masagot agad kasi naiiyak ako. ‘Let’s talk about this when we get home.’ Kailangan ko pang mag-compose ng tamang mga words na sasabihin sa kanya na hindi magmumukhang dinedeny ko siya sa magulang niya.”

Ibinahagi din ni Judy Ann kung paano siya bilang ina sa kanyang mga anak. “Gusto ko meron akong panahon sa kanila. Kung ano gutso nila, go. Pero like simple things lang, like laro tayo, habulan tayo… Yun yung iniintroduce namin ni Ryan sa kanila. Nilalayo namin sila sa ganap ng computer.Gusto namin maexperience nila makipaghabulan, patintero, mapawisan. Hindi yung naka-airconlang lagi. Iniinvolve ko sila sa pagluluto especially si Yohan na nakakaintindi na siya ngayon.”

Isang hamon din sa mag-asawa na panatilihing walang selosang namamagitan sa magkapatid na sina Yohan at bunsong si Lucho. Pero inamin ng ina na may mga pagkakatong nagseselos si Yohan sa kapatid kaya ang naisip nilang solusyon. “Binigyan namin siya ng assignment. Si Ryan ang nakaisip,if you get jealous you tap Daddy and you let us know if you are jealous already. So ngayon she’s allowed to tell us if she’s jealous.” Dagdag pa niya, “Sobra silang close. Si Lucho kasi ang clingy saAte niya. Nakakatawa dito kay Lucho, tawag niya sa Ate niya, Tita. Takang-taka kami. Kasi anong sabihin namin Ate, Tita!” 

Binuksan din ni Juday ang paksa sa kanyang pagiging maybahay kay Ryan Agoncillo. Bilang nasanay na mula sa pagkabata ay nagtatrabaho na, itinanggi ni Juday na naging isyu na dahil mag-asawa na sila, kailangan niyang mamahinga sa pagtatrabaho. “He (Ryan) would always give me a choice. If you want to go on a break, it’s okay. Just let me know para magtatrabaho ako ng bonggang-bongga. Nasabi ko sa kanya after I gave birth, I’ll take a year off.” Pero matapos ang anim na buwan ginusto na rin ni Juday na magbalik-trabaho at hindi naman siya pinigilan ng asawa. “Pero I would always give him that respect na sasabihin ko sa kanya kung ano ang sisimulan kong trabaho even if I don’t have to.”

Nakatuwaan ding pag-usapan ang aspeto ng romansa sa kanilang mag-asawa. Nang tanungin ni Janice si Juday na, “Sabi nila na kapag nag-asawa na kayo, things change, the passion goes, nagre-relaxnang kaunti especially kapag may anak na, mag nagbago ba?” At ang natatawang sagot ni Juday,“Saan?” kaya naman naitanong ni Janice, “Yan ang maganda, yung gusto ko itanong sa iyo hindi pwede sa TV, pero is it still exciting?” At ang natatawa pa ring sagot ni Mrs. Agoncillo, “Yes, oo naman! Because kami naman we make it a point na every year we go out of the country or we just go out on dates. We have to renew the friendship na we had before  na kung paano tayo nagsimula.”

No comments:

Post a Comment