Isa si Judy Ann Santos sa sinasabing “reyna” ng mga teleserye sa dami at sunud-sunod na paggawa ng mga telenobela noon.
Pero nitong mga nakalipas na taon ay hindi na ulit nakagawa si Juday ng serye dahil sa hindi na kinaya pa ng kanyang schedule.
Pero sa ngayon, nakatakdang magbalik sa boobtube ang primetime queen ng ABS-CBN sa pamamagitan ng isang teleserye kasama sina Sam Milby at KC Concepcion—ang Against All Odds.Ang huli niyang serye ay ang Habang May Buhay noong 2010 pa sa ABS-CBN.
Kuwento niya, “Nakapag-seven days na kaming taping.
“Hindi nga matuluy-tuloy kasi nga umuulan. Masama ang panahon.
“And nakikiramdam pa kami sa mga papel namin, dahil ang tagal ko ring nawala sa pag-arte sa teleserye, so nangangapa pa ako.
“And nag-pilot na rin ako for Master Chef, nakilala na namin yung mga nag-audition para maging Master Chef contestants.
“Hindi lang namin alam kung kailan talaga yung regular run niya, baka next year... we’re not yet sure.
“So far, yun, busy ako with Enteng, with the teleserye, and some mall shows.”
AGAINST ALL ODDS. Ano ba ang kuwento ng Against All Odds?
“It’s about woman empowerment. A mother who is struggling to raise her son, and at the same time, fighting for her rights… yung ganyan.
“Hindi siya yung normal na teleserye na love story, na magkapatid, o mag-dyowa na may Romeo and Juliet na drama, hindi.
“It’s more of, telling the women or mothers to begin with, na you can fight for your own rights, na you can’t be a superhero but you can be a superhero on your own.
“Hindi siya fantasy na teleserye pero may pakikipaglaban na involved.”
SAM MILBY. First time daw niya niyang makatrabaho ang Filipino-American actor na si Sam Milby at, ayon kay Juday, “medyo nahihirapan ako pagdating sa part ng English.”
Dagdag niya, “Medyo may push-and-pull na nagaganap dito, na pagod na ako.
“Halimbawa, may mababasa siyang, ‘Ano yung mandurukot?' 'Ay, alam ko ‘yan! Pickpocket ‘yan sa English.’“Pero hindi, in fairness kay Sam, may mga efforts siyang magtanong ng, 'Ano ba ang ibig sabihin nitong Tagalog word na 'to?'
“Basta may mga little words siyang tinatanong, na naa-appreciate ko yun kasi he really wants to learn to speak Tagalog.
“And hindi ba nakakatuwang isipin na itong taong ito, nag e-effort naman?
“Siyempre, bigyan naman natin ng kaunting time na ganun.
“Ako nga, hirap na hirap mag-English, paano pa siya? E, di hirap na hirap din siyang mag-Tagalog.
“So patas lang yung laban dito. Walang lamangan.”
Hindi pa raw nila sigurado kung kailan ang airing ng Against All Odds, pero sa impormasyong nakuha ni Juday ay baka sa October ito simulang ipalabas sa ABS-CBN.
Dugtong pa niya, “Yun ang sabi, hindi namin sure kung mami-meet namin.
“Ang sama ng panahon, e, ang setting namin ay asinan.
“E, sa pagkakataong ito, bumabagyo, wala ka nang magagawang asin, natutunaw na siya sa ulan, di ba?
“Medyo mahirap, pero, at least, ibang setting.
"Hindi siya yung talyer, hindi siya yung palayan or bukirin, at least iba naman.
“Huli akong gumawa ng asin ay Ploning pa. So okay na rin yun.”
Ang Ploning ay ang 2008 movie na pinagbidahan ni Judy Ann, na kinunan sa Cuyo, Palawan.
JUDAY, THE LUCKY CHARM. Marami ang nagsasabing isang “lucky charm” daw si Juday sa mga nakakapareha niya, maging sa serye o sa pelikula, dahil aangat daw ang kanilang mga karera kapag nakasama siya.
Aware ba siyang may ganitong mga usapan?
Gulat naman niyang pagtanggi: “Weh, hindi naman! Hindi naman, OA naman yun. Nakakatakot naman yun.
“Ako ha... ako ha, personally, hindi ako naniniwala diyan.
“Naniniwala ako na sa bawat artista, may kanya-kanyang talent ‘yan.
“May mga pagkakataon na hahanapan mo nang tamang kapareha, para mailabas yung acting nila o kung anong talent meron sila.
“Hindi ako naniniwala sa salbahan, hindi ako naniniwala sa takipan ng talent, naniniwala ako sa pagtutulungan.
“A, baka maaaring may maniwala sa akin o hindi maniwala sa akin, wala po akong gustong patunayan.
“Ang sa akin lang, unfair naman din sa mga taong sinasabihan ng ganun, kasi alam mo namang nagtatrabaho din sila.
“And kung ano man yung marating nila e deserve din naman nila kasi trabaho din naman yung ginagawa nila.
“So kung ako man ang sasabihan ng ganun, siyempre nakakaliit din naman ng pagkatao yun, di ba?
“So hindi. Para sa akin, ang pakikipagtrabaho sa ibang artista ay nakakalawak ng kaalaman ‘yan pagdating sa pag arte.
“And matagal na ako sa industriyang 'to, I’m more than willing to learn from other artists as well, lalo na yung mga baguhan.
"Kasi for sure e may obserbasyon kang makikita sa kanila na hindi mo naman nakita noong nagsisimula ka.
“So, in a way, nagtutulungan talaga kayo.”
“Ay, ikaw talaga, ha… hindi!” at natawa na lang ang misis ni Ryan Agoncillo.Ulit namin: Aware ba siya sa mga ganoong usapan?
“Hindi ko siya ini-entertain, kasi ayoko maging unfair sa ibang artista, and in the same way na ayoko ring maging unfair sila sa akin.”
No comments:
Post a Comment