by Bernie Franco | October 11, 2010 12:30 AM | |
Masayang Judy Ann Santos ang bumati sa The Buzz kahapon sa pamamagitan ng isang phone patchupang ipaalam na nasa mabuting kalagayan na siya at ang kanyang bagong silang na anak na si Baby Lucho sa isang ospital sa Muntinlupa. “(We’re) doing good, under observation kami ngayon,” simula niJudai nang kamustahin siya ni Boy Abunda. “We’re still in the hospital.Ako recovering, nakakalakad-lakad na. So far si Lucho kasi kailangan i-observe pa for some tests kayastandby muna kami dito sa ospital.” Ilang araw pa raw silang mananatili sa ospital dahil hindi pa sila pinapalabas ng kanilang doctor.
Itinanong ni Boy sa Teleserye Queen kung ano ang unang naramdaman nila ng asawang si Ryan Agoncillonang unang masilayan ang kanilang anak. “Amazing ‘yung pakiramdam kasi all the time para lang kaming lasing ni Ryan, tawa lang kami nang tawa sa delivery room. Tapos supposedly we’re going for the Lamaze method (pero) nung 3cm na ako, hindi ko na kaya, nagmakaawa na ako, ang sakit-sakit na kasi, eh.” Pero nilinaw ni Judai na inenjoy talaga niya ang pangyayaring ito sa kanyang buhay mula sa sakit hanggang sa saya. “Gusto ko lang maramdaman ‘yung labor pain kasi sayang ‘yung moment kung hindi ko nanamnamin ‘yung proseso ng kabuuan, so niramdam ko muna. Nung kumota na ako sa sakit humingi na talaga ako ngepidural hindi ko na talaga kaya.”
Ani Judai, malaking tulong daw si Ryan dahil nag-effort talaga ang actor-host upang maging komportable siya habang nanganganak. “Relax lang kami pero si Ryan ninerbyos lang nang konti. Dinadaan niya lang sa pagpapatawa na nakatulong nang malaki sa akin kasi kung hindi niya ako pinapatawa at inasar-aasar, malamang minura ko na siya sa sakit. In fairness naman talaga sa asawa ko sobra niyang supportive sa akin. Siya din ang nag-cut ng (umbilical) cord kasi, eh.”
Ngayon daw ay nagbi-breast-feed si Judai at ikinuwentong hindi sila nahirapan ni Lucho. Humingi naman ng paumanhin si Judai dahil matatagalan daw muna bago niya ilalabas ang picture ni Lucho sa publiko. “Maybe in a month’s time or maybe before Christmas. Nanamnamin muna namin ‘yung itsura niya na kami-kami mismo para masaya naman. Pasensiya na po ipagdadamot ko muna ang anak ko for the meantime,”sambit niya.
http://www.abs-cbn.com/Feature/Article/8833/Judy-Ann-Santos-shares-Ryan-Agoncillo-was-a-big-comfort-to-her-during-labor.aspx

No comments:
Post a Comment