LARAWAN SA CANVAS: TALENTADONG PINOY, UMAARANGKADA SA ERE!
ANG ISANG NETWORK na tila humahabol sa ratings ng dalawang higanteng network ay ang TV 5 na may bagong anyo ng konsepto at artistikong pamamaraan sa pag-eere ng mga programang pang-telebisyon. Isa na rito ang Talentadong Pinoy na nag-iisang talent show na no.1 pagdating sa ratings ayon sa mga surveys.
Ayon pa sa TV5, hindi na mabibitin ang milyun- milyong mga manonood sa mga pinaghahandaan pang malulupit na talento ng mga sumasali rito, sa lalo pang pinalaking production set nito. More than 7,700 hopefuls na ang sumali sa show na ito sa loob lamang ng anim na seasons simula 2008. Walo ang Hall of Famers na nagpakita ng kakaibang gilas at katatawanan. Grabe, huh!
Tila malaki ang tiwala ng TV5 kay Ryan Agoncillo- maging si Percy Intalan, inamin niya sa press people. Mga ka-tsokaran, watch na lang ninyo ang mas bongga pang salang nito sa darating na March13. Mas pinalaki ang set ng Talentadong Pinoy at mas malalaki ang premyong mapapanalunan. Naks! P11 million lang naman ang ipamimigay sa mga contestant gayon din sa mga studio audience. Grabe na, ‘to! Mapapanood ito tuwing Sabado at Linggo ng gabi. Kuwidaw, huh! Sa mga contestant na mananalo, doble halos – tumataginting na P500,000 pesos kapag nakaabot ng Hall of Fame. At P10,000 din naman sa mapipiling studio audience sa mananalong ‘Reaction Shot of the Day’ sa bawat episode nito. Wow, makasali nga, sayang ang premyo. Ha-ha-ha!
RUFFA, HAHALO NA SA CHANNEL 5
At ito ang bago. Ang kumakailan lang na aking na-interview, ang kontrobersiyal na si Ruffa Gutierrez, para sa kolum ding ito, ay isa sa magiging judge nitong Talentadong Pinoy. Wow, huh! Heavy-gats na ito. Siyempre, hindi mawawala rito ang mga resident talent scouts na sina Audi Gemora at Direk Joey Reyes.
Oh, ano? Tara na! Mag- auditon na sa Talentadong Pinoy at maghakot ng limpak-limpak na pera. Wow, huh! Gisingin na ninyo ang natatagong talent o kawirduhan man at nakatatawang acts, basta masubok ninyo ang galing sa Talentadong Pinoy. Sa mga taga-probinsiya, punta lang kayo sa designated SM Malls. May audition sa SM Cebu sa April 14-15, SM Iloilo sa Abril 22-23 at sa SM Cagayan de Oro on April 29-30.
PASADAHAN NATIN SI RYAN
Maestro: After every show, isa ka ba sa mga nag-iisip din kung papano magiging artistic ‘yung ng Talentadong Pinoy? Ryan: Ah, ‘yung creative concept, hindi po ako masyadong nakikialam. Mas malaki ang tiwala ko sa kanila. (Kunsabagay, mahusay na host itong si Ryan.)
Maestro: Uhm… sa mga network na pinagtatrabahuhan mo, aling network ang pinakamalapit sa puso mo?
Ryan: Ngayon, ang Mother station ko ay TV5, ‘yon ang malapit sa ‘kin. Pero ano ‘yan eh… given na mahal mo at nirerespeto mo ang mga katrabaho mo, it will turn out na the best for everyone.
ITANONG MO KAY JUDAI
Maestro: Totally parehas kayong professional ni Judai… sino ang kumander sa bahay?
Ryan: Ah… ‘yan? Masuwerte na maging husband ni Judai. Ako ‘yung kumander ‘pag payag siya. (Ha-ha-ha… under de pantalon. Meaning mapagmahal si Ryan.)
Maestro: Sabi niya sa ‘kin (Judai) sa interview ko sa kanya, nakangiti lang siya lagi sa ‘yo. Ha-ha-ha!
Ryan: Ah, si Judai, babaeng-babae ‘yan, eh. Mabait na mabait. Ako ang nagsusuot ng pantalon ‘pag hindi n’ya suot. Ha-ha-ha!
Naks! Komikero rin itong si Ryan. Siyempre ‘di mawawala ang mga tigasin ng TV5 na si Chairman Manny Pangilinan, at EVP & COO Roberto V. Barreiro, at Ray C. Espinosa, VP & Head of Network, Dennis Carandang ng Engineering.
No comments:
Post a Comment