(Pilipino Star Ngayon) Updated March 12, 2010 12:00 AM |
Simula ng third season ng Talentadong Pinoy ngTV5 sa Sabado at mapapanood na rin ang talent show every Sunday. Tinapatan na nito ang Pinoy Got Talent ng ABS-CBN, kaya matira ang matibay na lang sa dalawang shows.
Two sets na ang talent scout ng Talentadong Pinoy at P100,000 ang weekend cash prize. Sa comment na mas malaki pa rin ang audience share ng kalaban, sabi ni Ryan Agoncillo, humble sila at ’di nakikipag-yabangan. Nag-react din ito sa sinasabi na hindi original ang show niya.
“Nobody is original, but in this generation, kami ang trail brazer and that is a fact. Happy na rin kami na tumagal ang show at naabot namin ang second digit ng ratings,” sagot ng host.
Threatened ba sila sa Pinoy Got Talent?
“No! Pero ’di kami magiging kampante. The show has its own following at ’di namin sila dadayain. May three-letter word din kaming panlaban—MVP —o Manny V. Pangilinan who hates to lose and likes to win,” sagot ni Ryan.
Pumirma ng non-exclusive contract si Ryan sa TV5 at may clause sa kontrata na puwede siyang lumabas sa Eat…Bulaga at TV project with Judy Ann Santos.Madadagdagan din ang show ni Ryan sa TV5 dahil bibigyan siya ng sitcom, may drama special at pinangakuang ’pag nabili ang rights ng X Factor ni Simon Cowell,siya ang kukuning host.
No comments:
Post a Comment