Excited dad Ryan Agoncillo shares details about Judy Ann's pregnancy
Wednesday, March 31, 2010
11:45 AM
Rating
Hindi na natuloy ang planong second honeymoon ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos dahil bago pa man sila makaluwas ng bansa, nakumpirma nila ang pagdadalang-tao ni Juday.
"Actually, sabi ng doctor, puwede namang mag-travel. Hindi naman 'yan 100% sure na may mangyayari or hindi rin niya mabigay na 100% sure na walang mangyayari, so, all the risk is our own. So, we decide na huwag na lang," bungad ni Ryan.
Kaso fully-booked na rin daw ang mga resort this Holy Week, lalo na yung mga lugar na pasok sa requirements ng mag-asawa.
Kuwento niya, "We need a pool for Yohan, at hindi kasi puwedeng public pool sa buntis. Kailangan it's a [private] pool, di ba? E, it can't be a common pool. Naubusan kami ng resort na may sariling pool ang villa. 'Tapos, yung iba naman na may private, masyadong mahaba ang biyahe. May lipad na, may boat pa."
JUDAY'S PREGNANCY. Nagkuwento rin si Ryan tungkol sa pagbubuntis ni misis.
"Well, yung pagsusuka, hindi naman madalas. Hindi naman violent. Yun ang tinanong ng doctor, e, kung violent. It's not. And then, madali lang siyang antukin ngayon, which I think is usual. May cravings at meron din siyang amoy na hindi niya ma-take, gaya ng isda at gulay.
"It's different for her. She doesn't wanna eat beef and pork but now, she eats beef and pork."
On their daughter Yohan, excited na rin daw ito na maging ate.
Tantiya raw ni Ryan, nasa two months and two weeks na ang ipinagbubuntis ni Juday ngayon. Tinatapos na lang ni Juday ang mga commitments niya.
"Right now, she's finishing commitments na lang na natanguan na niya noon. Hindi na muna siya tatanggap ng mga bagong commitments kung mabigat din kasi. I know tumanggap siya ng commercial, madali lang naman, one day shoot lang naman, pictorial, one day shoot lang. Pero yung mga long-term commitments, wala, wala muna," sabi ni Ryan, na ang talent manager ay si Noel Ferrer.
Noong kausap namin si Ryan sa launching ng TV5, naikuwento niyang one taping na lang si Juday sa Habang May Buhay, isang TV series sa ABS-CBN, while her movie with Sarah Geronimo ay less than a week na lang daw ang shooting. Yung pelikula naman daw with Marilou Diaz-Abaya ay magkakaroon na lang ng ilang changes na, sa pagkakaalam niya, posibleng mag-inject ng pregnancy sa story.
Dugtong ni Ryan, "Ang original plan naman nun is to finish it before April ends. So, after that, parang pahinga na lang muna."
Hindi naman masagot g host ng Talentadong Pinoy ang sinasabing inuulan na ng endorsements ang baby nila kahit na nasa tummy pa lang ito ni Juday.
"Hindi ko pa alam. Wala pang sinasabi sa akin. Sa totoo lang, hindi ko pa alam. Baka nasa level pa lang ni Juday at hindi pa niya tinatanong sa akin, so, wala pa akong awareness," aniya.
If ever, okay sa kanya?
Sogot ni Ryan, "Siguro pag-aralan na lang natin kapag nandiyan na. We'll study. I'll study it. Pero sa ngayon, hindi pa ako makapag-comment kasi, wala pa namang nakakarating sa akin."
GROWING WITH TV5. On the other hand, masasabing isa si Ryan sa mga artistang unang nagtiwala sa TV5. Nagsimula siya bilang host ng Philippine Idolnoong 2006.
Nakita niya ang halos lahat ng major developments na pinagdaanan ng network.
Ang mahabang kuwento ng host-actor, "Alam mo, maganda, kasi I started with TV 5 when it was still ABC 5, noong si Mr. [Tonyboy] Cojuangco pa ang may-ari, and when the Malaysian came in and, now, MVP [Manny V. Pangilinan]. Masaya. There was mutual trust naman from the beginning with channel 5.
"Sila Mr. [Robert] Barreiro, sila Mr. Percy Intalan ang pumusta sa akin noon.Philippine Idol. We grew together. Napagkukuwentuhan namin. Ang crew ko ngayon sa Talentadong Pinoy, sila yung crew ko sa Philippine Idol. Yung staff and crew...So, kuwentuhan. Pare-pareho kaming nakikita namin ang growth ng TV5.
"Noong nag-launch kami dati, kami-kami lang. When the Malaysian came in, dumami ng konti. Now, we see new faces, it's a little happier."
May mga bagong addition na rin sa kanilang pamilya na ang bago nga nilang term of endearment ay "kapatid?"
"Masaya kasi, nakikita ko na lumalaki ang pamilya ng TV5. At 'yun nga, mas masaya ang pamilya kapag maraming kapatid."
Positive ba siya na makakaya ng TV 5 makipagsabayan sa dalawang giant networks?
"Ah yeah, I've always been a believer of TV5. Steady growth. It might not be an overnight thing, but we're steadily [growing]. From my experience in Philippine Idol, it's very different now five years ago."
At this point, ano pa ang mai-expect sa kanya ng viewers bilang isang Kapatid?
"Well, I'll be part of PO5, which is a Sunday noontime show. Mawawala ang Sunday, pero, napakiusapan naman si Noel Ferrer na bigyan ako ng ibang day-off. Like yung Saturday naman talaga, wala akong trabaho.
"Tapos yung Talentadong Pinoy, naging two days na—Saturday and Sunday. And then, yung project line-up for me, I don't know kung matutuloy pa but I hope, matuloy. I'll be guesting on Maricel Drama Special and there's a sitcom in the pipeline, probably a few months from now. Nasa development stage pa lang [with] direk Joey Reyes on the helm, so, sana matuloy. We'll see."
Pero we learned na aside from those projects he mentioned, he will also be featured in the 5 Star Drama Special, na pagkatapos ng pilot series nito featuring Maricel Soriano ay susundan nina Ruffa Gutierrez, JC de Vera, and then, Ryan. Yung spot niya ay itataon sa Father's Day.
"Well, actually, hindi ko naman talaga forte ang drama but I'm really thankful with the opportunity to do drama. The works is always good and, of course, the money is good. Pero, tuwing nabibigyan ako ng chance, palagi akong kinakabahan hanggang ngayon."
Bukod dito, he will also be doing a one movie project every year sa film outfit naman ng TV5.
No comments:
Post a Comment