@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Showing posts with label gma. Show all posts
Showing posts with label gma. Show all posts

Sunday, December 1, 2013

Judy Ann Santos, direktang kinalaban ng asawang si Ryan Agoncillo!

http://www.pinoyparazzi.com/judy-ann-santos-direktang-kinalaban-ng-asawang-si-ryan-agoncillo/

Judy-Ann-Santos-Ryan-AgoncilloNAUNA SI Judy Ann Santos na nag-ere ng kanyang game show for babies sa Kapamilya Network. Kung hindi ako nagkamali, noong September or October nagsimula ang show.
Kitang-kita kung gaano kasaya si Juday kapag hinu-host niya ang Saturday game show niya para sa mga bulilit.
Noong Saturday, nagsabay ng airing ang show ni Juday sa Kapamilya Network at ang bagong game show ng mister niyang si Ryan Agoncillo sa kalabang istasyon (‘yong sa kanto na katabi ng MRT Kamuning Station).
Tuloy, hindi maiwasan na dahil sa pagkakataong ito na isipin ng tao kung bakit pinagsasabong ang mag-asawa gayong happy sila at hindi dapat pagsabungin kahit sabihin na hiwalay ang trabaho sa personal nilang concerns.
Kahit saang angulo mo man tingnan, in bad taste ito na tuloy iisipin mo, ginagamit si Ryan ng kanyang istasyon para pataubin ang show ng misis niya na kasabay ng show niya.
Masaya ang pagsasama ng mag-asawa. In short, happy family sila. Namumuhay na matahimik at walang intriga kahit both are very active sa showbiz. Hindi nila pinaghahalo ang showbiz sa trabaho.
Judy-Ann-Santos-Ryan-AgoncilloBut this time sa bangayan ng shows nila, bahagi kaya ito ng sinasabing network war na malamang madadamay (kahit hindi sinasadya) ang buhay ng bilang mag-asawa.
Professionally, nagsimula na ang bangayan ng dalawa last Saturday at sana, huwag umabot ang rating war at dala-dala nila ito after the show at iuuwi sa kanilang bahay.
As of this writing, hindi pa namin nakakausap ang manager ni Ryan na si Noel Ferrer to shed light on this.

Wednesday, September 25, 2013

Ryan Agoncillo, ‘di pa sure sa lilipatang network


UNANG public appearance ni Ryan Agoncillo ang gala premiere ng Ano Ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap na kalahok sa Sineng Pambansa: National Film Festival All-Master’s Series na nagsimula nitong Wednesday sa lahat ng SM Cinemas nationwide.
Ryan AgoncilloRyan looks pretty well pero kapansin-pansing pumayat siya nang bahagya after spending almost a week at Asian Hospital dahil sa dengue na sinundan ng pneumonia.

“Nu’ng nagka-dengue ako, nagkaroon ng complications, nagkaroon ako ng pneumonia,“ dahilan daw kaya hindi pa rin siya napapanood sa Eat Bulaga, sa advise na rin ng kanyang doktor na kailangan pa niya ng pahinga.
“Kaya hindi pa rin ako makabalik sa Eat Bulaga kasi medyo hinihingal pa. So far, so good, getting there. Bumawi ng pahinga.
“Mabuti na nga lang walang nasagasaang trabaho. Nakabalik na akong magbisikleta ng konti,“ kuwento ng TV host na nakaiskedyul nang bumalik sa Eat Bulaga sa Lunes, Setyembre 16.
Sa usapin naman ng network ransfer -mula sa TV 5, expired na ince last January ang kontrata niya pero tinapos pa rin niya as host ang sinarhan nang Talentadong Pinoy wala pa raw silang kongkretong plano, kasama ang manager niyang si Noel Ferrer, kung saang istasyon siya lilipat. Hanggang ngayon, nakikipag-usap pa raw sila sa GMA at tila interesado pa rin daw sa kanya.
“’Yun nga sana ang pagmimitingan, but I haven’t been attending meetings dahil sa pagkakasakit ko. I think this week we’re meeting up with our bosses either from GMA or TV5 or ABS. Hindi ko pa alam pero meron kaming meetings na naka-line-up.
“Ngayon lang talaga ako lumabas ng bahay. So we will find out within the next few days,“ wika ng mister ni Judy Ann Santos.
“I know for sure GMA has an offer. TV5 expresses interest also. Although the talks with GMA are firming up. I’m really excited to make a comeback. Whether it’s gonna be exclusive or not, it remains to be decided,“ wika ng aktor ng Ano Ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap mula sa mahusay na direksyon ni Jose Javier Reyes.


Saturday, August 31, 2013

TV5 at GMA-7, parehong maganda ang offer kay Judy Ann

http://www.balita.net.ph/2013/08/10/tv5-at-gma-7-parehong-maganda-ang-offer-kay-judy-ann/#.UiOfUTtlKcc

Ni Reggee Bonoan
JUDY Ann SantosFOLLOW-UP ito sa sinulat namin kahapon tungkol sa panibagong offer ng Dreamscape Production kay Judy Ann Santos pagkatapos ng seryeng Kung Mawawala Ka.
Nabanggit ng AdProm head ng Dreamscape Productions na si Biboy Arboleda na may offer sila sa aktres, pero hindi pa sila sure kung tatanggapin ito dahil hindi pa sila nagmi-meeting ulit kasama ang manager ni Juday na si Tito Alfie Lorenzo.

Ayon pa kay Biboy, may pakiramdam siya na magre-renew ng kontrata sa ABS-CBN ang Teleserye Queen.
Pero nang magkita kami ni Tito Alfie sa album launch ng alaga ni Katotong Jobert Sucaldito na si Michael Pangilinan sa Zirkoh Morato noong Huwebes ay umiling siya sa tanong namin kung kailan sila magre-renew ng kontrata sa Dos.
“Depende pa sa offer nila, hindi pa kami nagkakausap,“ sabi ni Tito Alfie. “Maganda rin kasi ang offer ni MVP (Manny V. Pangilinan, TV5 CEO). At ang GMA, napakaganda rin, plus nandoon ang asawa niyang si Ryan (Agoncillo).
“May offer sa mag-asawa sa GMA na serye at sila ang coproducer, so mas lalaki ang kita nila, di ba?
“Eh, sa ABS naman hindi naman puwedeng ganu’n na co-producer ka sa soap drama mo, di ba? Kaya depende sa offer ng ABS kung mas maganda, eh, di tuloy pa rin, kung hindi, eh, di alam mo na…“ makahulugang sabi sa amin ng manager ni Budaday.
Sa madaling salita, hindi pa 100% sure kung magre-renew uli ng kontrata si Judy Ann sa ABS-CBN. Sabagay, hindi rin naman ito sinigurado ng staff ni Deo T. Endrinal.
Eh, ikaw, Bossing DMB, ano’ng pakiramdam mo, tutal kabisado mo na si Tito Alfie?
(Interbyuhin muna uli natin siya para sure ako sa magiging komento ko, ha-ha-ha! Pero sobrang protective `yan si Tito Alfie kay Juday. Aling network ba ang may pinakamagandang offer, siyempre doon sila!-DMB)

Thursday, August 8, 2013

Judy Ann is up for grabs


http://www.journal.com.ph/index.php/entertainment/showbiz-news/55734-judy-ann-is-up-for-grabs


HINDI na mai-extend ang Huwag Ka Lang Mawawala teleserye ni Judy Ann Santos na hiling ng Queen of Pinoy Teleserye ng showbiz.

After all, umani na rin naman ito ng papuri at wala na ring dapat pang patunayan si Juday bilang reyna.

Siyempre, tuwang-tuwa ang fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil masasalang na ang na-delay nilang Got to Believe.

For sure, at the back of Juday’s mind, gusto rin niyang pagbigyan ang mga kabataang artista.

Eh, hindi naman puwedeng late ang telecast ng GTB. So, ito ang isusunod marahil sa Juan de la Cruz ni Coco Martin.

Tutal, malakas sa TV ang aktor, kaya dapat lang nilang samantalahin ang kasikatan niyang ito, huh!

Alam naman natin kung ano ang kapalaran ng movies na nagawa ni Coco.

Anyway, sa sinulat ng manager ni Juday na si Tito Alfie Lorenzo, may meeting daw sila ni Judy Ann kasama ang TV5 boss na si Manny Pangilinan.

Eh, may narinig din kaming makikipag-meeting din daw ang GMA bosses sa dalawa, huh!

Puwes, unahan ang GMA at TV5 kay Juday na, ayon kay Tito Alfie, ay last July pa nag-expire ang kontrata sa ABS-CBN.

Judy Ann Santos leaving ABS-CBN?

http://www.philstar.com/entertainment/2013/08/08/1067011/judy-ann-santos-leaving-abs-cbn

Judy Ann Santos
MANILA, Philippines - Will Judy Ann Santos no longer be a Kapamilya after her show ends?
In his column on the tabloid Abante-Tonite published Thursday, Judy Ann’s manager Alfie Lorenzo said he ismulling over the possibility of the actress doing projects with rival networks GMA 7 and TV5.
This comes days after it was rumored that Judy Ann’s ongoing show “Huwag Ka Lang Mawawala” will be cancelled in three weeks.
“Eh blessing in disguise pa ang nangyayari ngayon dahil 'pag natapos na ang Huwag Ka Lang Mawawala ay mawawala muna sa ABS-CBN si Juday,” Lorenzo wrote.
“Dahil hindi siya nag-MMK eh sa Magpakailanman siya gagawa,” he added. MMK is ABS-CBN’s drama anthology program “Maalaala Mo Kaya,” while “Magpakailanman” is GMA 7’s weekly drama show.
Lorenzo further wrote: “At wala rin lang movie ang Star Cinema para kay Juday kaya sa TV5 film outfit na Studio 5 gagawa ng movie si Juday!” Star Cinema is ABS-CBN’s film production arm.
Entertainment ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
‘Unbelievable serye’
Lorenzo used his column to express his dismay towards the fans of Daniel Padilla and Kathryn Bernado. He said their fans were bashing Judy Ann and her show, claiming “Huwag Ka Lang Mawawala” will be cancelled due to poor ratings.
The Kapamilya love team’s show “Got to Believe” was slated to premiere last July but was shelved. According to Lorenzo, Daniel and Kathryn’s fans are claiming “Got to Believe” will replace the slot Judy Ann’s show will vacate since the latter underperformed.
“Anoh, sigurado kaya sila na papatok ang unbelievable serye na ‘yan?” Lorenzo wrote.
He added: “Mababa ang ratings ng teleserye ni Juday? Tingnan n’yo nga ang mga ratings ng shows ng ABS-CBN at mas mataas pa ang ratings ng Huwag Ka Lang Mawawala kesa sa extended na Be Careful With My Heart, ‘noh?!”
An entertainment website reported that Lorenzo will talk to TV5’s Manny Pangilinan next week.
“Huwag Ka Lang Mawawala” premiered June 17 this year. The show was Judy Ann’s first soap opera in three years.
If reports are true that the show will be cancelled in three weeks, “Huwag Ka Lang Mawawala” will end in 11 weeks, a relatively short run of a primetime soap opera.
To stay or not to stay…
These reports coincide with Judy Ann’s cryptic messages on micro-blogging site Twitter.
 
Judy Ann isn’t the only big star rumored to be making the big move this year. Marian Rivera is also rumored to be mulling a transfer from GMA 7 to ABS-CBN after her contract with the Kapuso network ends this month.
Just this Tuesday, Ogie Alcasid signed a three-year contract with TV5 after he left GMA 7.

Sunday, July 21, 2013

Juday, ‘di kayang talunin ng ‘My Husband’s Lover’

http://www.balita.net.ph/2013/07/21/juday-di-kayang-talunin-ng-my-husbands-lover/

Ni Reggee Bonoan
JUDY Ann SantosKALIWA’T kanan ang pahayag ng GMA-7 na nangunguna na sa primetime ang programa nilang My Husband’s Lover na pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Tom Rodriguez at Carla Abellana at ipinost din nila ito sa social media.
Pero base sa research ng aming source ay kasinungalingan lang daw ang pag-iingay sa Twitter na panalo na sa ratings ang My Husband’s Lover kontra sa Huwag Ka Lang Mawawala na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos.

Sa survey ng Kantar Media, hindi lang sa Mega Manila kundi sa buong Pilipinas ay never pa palang nanalo sa ratings ang MHL mula nang umere ito.
Una na itong inilampaso ng Apoy Sa Dagat nina Angelica Panganiban, Piolo Pascual at Diether Ocampo, at patuloy na tinatalo ng Huwag Ka Lang Mawawala.
At sa latest ratings (hindi sa Twitter trending kinuha ang data) noong Miyerkules (Hulyo 17), panalo pa rin ang serye ni Juday sa national TV ratings na 21.9%, o mas mataas ng limang puntos sa nakuhang 16.5% ng My Husband Lover.

Wednesday, June 12, 2013