@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Showing posts with label dreamscape. Show all posts
Showing posts with label dreamscape. Show all posts

Saturday, September 14, 2013

Judy Ann, excited makapag-host ng game show

http://www.hatawtabloid.com/2013/09/13/judy-ann-excited-makapag-host-ng-game-show/

TINAPOS na ni Judy Ann Santos-Agoncillo ang mga haka-hakang iiwanan na niya angABS-CBN matapos muling pumirma noong Miyerkoles (Setyembre 11) ng isang two-year contract sa Kapamilya Network.
Ani Juday, pinakinggan naman niya ang alok ng ibang estasyon. ”’Yung mga pakikipag-usap namin sa ibangeistasyon at mga alok nilang proyekto, andiyan naman kami para makinig. Pero sa bandang huli, hindi natin maitatanggi na isa akong Kapamilya at ang ABS-CBN ang una sa prioridad ko.”
Bahagi ng pinirmahang kontrata ni Juday ang pagiging host nito sa pinakabagong game show na Bet on Your Baby ng Dreamscape ni Deo Endrinal.
“Isa po tong reality game show na mga batang may edad dalawa hanggang tatlo’t kalahati ang mga kasali. Excited ako kasi mula sa drama, binigyan naman ako ng pagkakataon ng ABS-CBN na mag-host ng game show,” sabi ni Juday.
Dumalo sa pirmahan ng kontrata ang  TV production head ng ABS-CBN na si Laurenti Dyogi, broadcast head na si Cory Vidanes, presidente at CEO na si Charo Santos-Concio, at talent manager na si Alfie Lorenzo.
Malapit nang mapanood ang Bet On Your Baby sa ABS-CBN.

Saturday, August 31, 2013

TV5 at GMA-7, parehong maganda ang offer kay Judy Ann

http://www.balita.net.ph/2013/08/10/tv5-at-gma-7-parehong-maganda-ang-offer-kay-judy-ann/#.UiOfUTtlKcc

Ni Reggee Bonoan
JUDY Ann SantosFOLLOW-UP ito sa sinulat namin kahapon tungkol sa panibagong offer ng Dreamscape Production kay Judy Ann Santos pagkatapos ng seryeng Kung Mawawala Ka.
Nabanggit ng AdProm head ng Dreamscape Productions na si Biboy Arboleda na may offer sila sa aktres, pero hindi pa sila sure kung tatanggapin ito dahil hindi pa sila nagmi-meeting ulit kasama ang manager ni Juday na si Tito Alfie Lorenzo.

Ayon pa kay Biboy, may pakiramdam siya na magre-renew ng kontrata sa ABS-CBN ang Teleserye Queen.
Pero nang magkita kami ni Tito Alfie sa album launch ng alaga ni Katotong Jobert Sucaldito na si Michael Pangilinan sa Zirkoh Morato noong Huwebes ay umiling siya sa tanong namin kung kailan sila magre-renew ng kontrata sa Dos.
“Depende pa sa offer nila, hindi pa kami nagkakausap,“ sabi ni Tito Alfie. “Maganda rin kasi ang offer ni MVP (Manny V. Pangilinan, TV5 CEO). At ang GMA, napakaganda rin, plus nandoon ang asawa niyang si Ryan (Agoncillo).
“May offer sa mag-asawa sa GMA na serye at sila ang coproducer, so mas lalaki ang kita nila, di ba?
“Eh, sa ABS naman hindi naman puwedeng ganu’n na co-producer ka sa soap drama mo, di ba? Kaya depende sa offer ng ABS kung mas maganda, eh, di tuloy pa rin, kung hindi, eh, di alam mo na…“ makahulugang sabi sa amin ng manager ni Budaday.
Sa madaling salita, hindi pa 100% sure kung magre-renew uli ng kontrata si Judy Ann sa ABS-CBN. Sabagay, hindi rin naman ito sinigurado ng staff ni Deo T. Endrinal.
Eh, ikaw, Bossing DMB, ano’ng pakiramdam mo, tutal kabisado mo na si Tito Alfie?
(Interbyuhin muna uli natin siya para sure ako sa magiging komento ko, ha-ha-ha! Pero sobrang protective `yan si Tito Alfie kay Juday. Aling network ba ang may pinakamagandang offer, siyempre doon sila!-DMB)

‘Huwag Ka Lang Mawawala,’ pinanghihinayangan


http://www.balita.net.ph/2013/08/14/huwag-ka-lang-mawawala-pinanghihinayangan/

Juday, Sam at KC, gagawa ng panibagong serye
INAMIN sa amin ni Deo Endrinal na hindi lang televiewers ang nanghihinayang kundi maging siya sa nalalapit na pagtatapos ng Huwag Ka Lang Mawawala nina Judy Ann Santos, KC Concepcion at Sam Milby.
Bitin naman talaga, pero kailangan nang tapusin ito dahil na rin sa request ni Juday.

“Nasasayangan ako kina Sam at KC kasi ang galing nila,“ kuwento ng pinakamahusay at pinakaprofitable na business unit manager ng ABS-CBN. “Sabi ko nga, don’t worry, gagawa ulit kami ng shows for them, especially Sam, kasi ang laki ng improvement niya in terms of acting at `yung pagsasalita niya, so dapat may follow-up sila ni KC.“
Nagkausap na sina Deo at ang manager ni Sam na si Erickson Raymundo na may kasunod kaagad na project ang aktor.
Kaya tulad ni Juday, sa Dreamscape uli gagawa ng panibagong serye sina Sam at KC.
Samantala, tinanong namin si Deo tungkol sa intriga na bumaba raw ang ratings ng HKLM dahil late na itong umeere bukod pa sa katapat daw nito ang programang bentangbenta sa mga beki.
“Actually, hindi naman totally katapat, hindi rin bumaba ang ratings, tumaas at steady lang, kaya nga sabi ko kay Biboy (Arboleda), ilabas na araw-araw ang ratings ng primetime shows para malaman ng lahat. Saka it’s a nationwide ratings, hindi `yung Mega Manila lang,“ paliwanag niya.
Tungkol naman sa MiraBella, hindi pa raw ito ipalalabas ngayong taon dahil hindi pa ito nasisimulan ng Dreamscape Productions.
“Hindi talaga isinama sa trade launch kasi hindi pa naman kami eere. Alangan namang ipasama ko at ipa-press release ko na eere na `tapos hindi pa pala.“
Ang MiraBella ang magsisilbing launching serye ni Julia Barretto kasama sina Diego Loyzaga at Kiko Estrada. – Reggee Bonoan