@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, September 4, 2012

Juday, paulit-ulit na binabalewala ni Piolo! Piolo, tuloy ang damage control dahil kay KC




Hindi ko type ang September issue ng Yes! magazine dahil totally devoted ito kay Piolo Pascual bilang bahagi pa rin ng damage control bunga ng hiwalayan nila ni KC Concepcion.
Biro mong gumastos pa sila para lang sa pictorial ng diumano eh bahay ni Piolo sa Las Vegas at sa Los Angeles. Kanya nga kaya ang mga bahay na ‘yun o ­inuupahan lang?
May housing units ang aking pinsan sa ­Diamond Bar kaya patatanong ko kay Vic ang mga ‘yun.
Boring din ang mga pictorial na ginawa ni Anna ­Pingol dahil puro kusina, bedroom at bathrooms ang walang katapusang nasa mga pahina na halos eh buong magazine na.
Nanduon pa ang kuwentong isang miracle baby si Piolo na nu’ng 6 months siya sa tiyan ng nanay niya ay nawala ang heartbeat nito at milagrong nagbalik at naisilang pa siya! How pathetic Jo-Ann! Nakuha kaya ang public sympathy?
Hayun na naman ang anak niya kuno na gamit ngayon para doon mabaling ang hatred ng publiko kay Piolo dahil sa ginawa niya kay KC Concepcion. Papasok na rin daw sa showbiz ang bata.
Uhum, matapos ‘yung pamangkin daw niyang si Benjamin Alves, ‘yung anak naman, ha! Si Benjamin na biglang ginawang bida sa movie ng Regal Films na naging flop din naman!
Nadamay kaya ‘yung “pamangkin” sa hatred ng publiko kay Piolo?
Ang isa pang kinainis ng mga fans ni Judy Ann Santos kaya ‘di na sila bumili ng kopya ng Yes! ma­gazine ay ‘yung tila naibang history ng buhay showbiz ni Piolo na hindi man lang nabigyan ng credits ang tulong na ginawa ni Juday para sa kanya, kaya siya sumikat nang husto.
Mas binigyan ng kredito ang pagiging kontrabida niya roon sa teleserye ni Marvin Agustin kesa mga ginawa nila ni Juday na teleseryeng Esperanza, Sa Puso Ko Iingatan Ka, etc.
Ano bang naibigay ng teleserye ni Marvin sa estado ni Piolo?
Binanggit pa ang pinagbidahang movie ni Piolo na Lagarista na nag-flop naman sa takil­ya na tumapos sa career ng may idea nito na si Tatus Aldana at ikinamatay.
Eh bakit ‘di binigyan ng malaking kredito ang pagiging guest ni Piolo sa first of Juday’s drama series at sa last episode guesting nito? Mas sumikat si Piolo dahil sa guesting niya roon.
At ang first starring role ni Piolo with ­Juday sa Kahit Isang Saglit, na nasundan pa ng Bakit ‘Di Totohanin, atbp. Sino ba ang nagpasikat kay Piolo Pascual? Hindi nga ba si Juday?
Bakit pati yata petsa ng pagsisimula ni Piolo sa showbiz ay naiba ang petsa? Puwede rin palang maiba ang history, ayon sa kagustuhan ng manunulat?
Kulang na lang ay magmakaawa si Piolo sa magazine and say, “Please I need the public’s understanding and sympathy!”

No comments:

Post a Comment