@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Thursday, June 24, 2010

Pagbubuntis ni Juday, suwerte sa pelikula

Pagbubuntis ni Juday, suwerte sa pelikula
(ALFIE LORENZO)

HAPING-HAPI si Boss Vic ng Viva Films sa tinatakbo ng Hating Kapatid nina Judy Ann Santos at Sarah Geronimo.
Panay ang plug ni Vice Ganda sa Showtime ng movie niya with Juday and Sarah. Ganoondin daw si Luis Manzano na kapartner ni Sarah sa Hating Kapatid ay sa Wowowee naman daw nito pina-plug.
Aba eh lalo si JC de Vera na sa PO5 naman pina-plug ang first team-up nila ni Juday.
Ang ganda ng promo slant ng Hating Kapatid dahil in the news pare-pareho ang stars nito.
Si Sarah ang latest box-office queen twice in a row. Naging box-office queen na rin si Juday along with FPJ and later on Topgrosser pa sa magkasunod na year ang movie nila ni Ryan Agon cillo na Kasal Kasali Kasalo at Sakal Sakali Saklolo.
Buntis pa ngayon si Juday. Hindi ba suwerte ang buntis ayon sa kapaniwalan ng mga matatanda?
Si JC de Vera naman ay sagaran sa TV5 specials niya na advertised sa mga diyaryo. Over ang ibinigay na suporta kay JC ng TV5, huh! To the point of almost being OA na.
Eh pumalo sa ra tings ang 5 Star Specials ni JC de Vera, eh!
Naku, matagal nang nakabang ang fans ni Juday sa first time together nina Juday at Sarah Geronimo kaya asahang unang-una sila sa pilahan, noh?!
Sa Hulyo 21 na ang showing ng Hating Ka patid. Kaya abangan, mga kafatid!

No comments:

Post a Comment