@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, April 18, 2010

JUDAY MATAKAW SA BABOY

JUDAY MATAKAW SA BABOY




SI Mommy Carlo Santos na nga ang pinakamasayang tao sa pagbubuntis ni Judy Ann Santos ngayon.

Ngayon pa lang ay sabik na sabik na siyang makita ang baby nina Juday at Ryan Agoncillo.

Anyway, sa tsikahan namin ni Mommy Carol kamakailan, ikinuwento nito ang pagsira ni Juday sa kanyang pagiging vegeta*rian para lang ibigay ang hilig ng kanyang pagbubuntis.

Kuwento ni Mommy Carol, ang hilig daw ngayon ng kanyang anak ay ang kumain ng beef, pork at chicken na dating pinakaiiwas-iwasang kainin ng huli dahil ito’y vegetarian. Ang gulay at isda na siyang laging kinakain ni Juday noon ay hindi na raw kayang lulunin ng anak.

Natatawa nga si Mommy dahil nu’ng ipinagbubuntis daw niya si Juday, ang pinaglilihian daw niya ay ang pagkain ng durian. Taliwas naman ito sa pinaglilihian ng anak.

Naniniwala si Mommy Carlo na suwerte kina Ryan at Juday ang ipinagbubuntis ng huli. Mas lalo raw kasing dumami ang blessings sa mag-asawa lalo na kay Ryan.

Sa pagkakaalam ni Mommy Carol inuulan na ng mga offers si Juday ngayong buntis ito, at inaabangan na rin ang paglabas ng kanyang baby para kuning endorsers.

Isa na nga sa mga inaalok kay Juday ngayon ay ang brand ng gatas na pambuntis.
May mga nag-u-offer din ng diapers at kung anu-ano pang produkto na pambuntis kay Juday ngayon, pero iniiwan ni Mommy Carol kina Juday at Ryan ang desisyon.

Anyway, nagulat din si Mommy Carol sa biglaang paglobo ng tiyan ni Juday. Mag-aapat na buwan pa lang daw ito pero parang 5 months na ang laki ng tiyan ni Juday ngayon.

Kuwento pa ni Mommy Carol, kung noon ay mas pleasant ang aura nina Juday at Ryan, mas lalo raw ngayon na punung-puno ng galak ang mukha ng dalawa.

Hindi madalas kasama ni Mommy Carol si Juday, pero kumuha raw ito ng bagong yaya na makakatulong sa pagkuha ng mga personal nitong pangangailangan.

------------------



Rights ng Movie nina Sarah and Juday nabili ng ABS-CBN
ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) Updated April 19, 2010 12:00 AM

Nakita namin si Mr. Vincent del Rosario sa press*con ng Working Girls 2010 at gaya ng kapatid niyang si Veronique del Rosario-Corpus, hindi rin alam kung bakit hindi sumisipot sa presscon si Cristine Reyes na kasama sa pelikula.

Anyway, inalam na rin namin kay Mr. Vincent kung kailan ang playdate ng Hating Kapatid nina Sarah Geronimo at Judy Ann Santos? “July 27” ang agad nitong sagot, pero may ilang araw pang natitirang shoot*ing days si direk Wenn Deramas. Nabasa namin kay Alfie Lorenzo na tila problema kung paano pag*tatagpuin ang schedule nina Judy Ann at Sarah.

Kay Alfie rin namin nalamang hindi pa man tapos ang movie
, binili na ng Star Ci*ne**ma ang TV at video rights ng movie na co-produced ng Viva Films at GMA Films. Kaya kahit ang GMA Films ang co-produ*cer ng movie, sa ABS-CBN mapapanood ang movie at sila ang magre-release ng video.


-------------------



Glitter Text Generator

No comments:

Post a Comment