@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, April 25, 2010

Juday, mas type ang baby boy










Juday, mas type ang baby boy



HURRAY! Nga*yong hapon na ang simula ng reunion ng mga orig cast ng “Gimik” na nabuo nu’ng mauso ang term na “gimik” as in barhopping, pasada, man-chicks, ta*tambay, totoma, manghala, na until now, hindi pa rin napapalitan ng ibang term ang paggi-gimik kaya uso pa rin ang term na ito kaya napapanahon ang muling pagsilay sa TV ng orig cast nito led by Juday nga.


So, abangan niyo ito after ng isang noontime Sunday show, na nakapaloob sa Your Song Presents…


Anyway, kinumusta namin kay Juday si Yohan, na excited na raw na maging ate ngayon pa lang.


“Everyday inuuna niyang halikan ang tiyan ko. At bago siya matulog, panay ang tanong niya kung ano raw ang ginagawa ng baby. Gusto nga niyang pumasok sa loob ng tiyan ko para ma-play raw niya ang baby. Sabik na siya na magkaroon ng kalaro. Ngayon nga, ayaw na niya na tinatawag siyang baby, dahil ate na raw siya.”


Girl or boy ba ang gusto nilang maging baby ni Ryan?


“Siyempre ‘pag nanay ka, kahit ano talaga okey lang, basta healthy. Pero, given the chance, sana boy ang maging baby namin ni Ryan. Kasi may baby girl na kami, si Yohan. Pero si Yohan, mas gusto niya na baby girl. Pero sabi ko nga, basta healthy, okey na kahit ano.”


Teka nga pala, siguradong mami-miss ng mga fans si Rico Yan ngayong reunion ng Gimik. Ano ang message mo sa mga fans niyo ni Rico na hanggang ngayon ay nandiyan pa rin?


“Sa lahat po ng mga matagal na nag-abang at naghintay sa Dianne-Ricky (pangalan nila ni Rico sa Gimik) love team, heto na po ang pagbabalik ng Gimik, ang Gimik 2010. Dito niyo po ulit matutung*hayan ang mga problema sa buhay nina Dianne at ni Ricky. Malalaman niyo kung paano ba nag-ending ang mga love teams na sinubaybayan niyo nu’ng mga bata pa kayo. Isa po itong napakasaya at nakakatuwang reunion ng magbabarkada,” say pa ni Juday.Glitter Text Generator

No comments:

Post a Comment