@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, November 13, 2012

Judai hopes to get pregnant again


http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/11/13/12/judai-hopes-get-pregnant-again

Posted at 11/13/2012 2:52 PM | Updated as of 11/13/2012 2:52 PM

MANILA, Philippines - Actress-host Judy Ann Santos is hoping to get pregnant next year.
The "MasterChef Pinoy Edition" host said she might get pregnant as she and husband Ryan Agoncillo are set to leave for a trip to Europe this week.
“Sana wala na akong sakit bago umalis. Ito naman kaming dalawa lang ni Ryan so baka naman may made in London," she said.
"Sana by next year, kung mangyari. Para kasi at least magkasunod sila ng edad ni Lucho tapos medyo bata pa ako para sa pagpapapayat. Sana paglabas niya 'yung uha niya, ‘U-hey, u-hey,’” Santos added.
Santos just came from a South Korea trip with her family to celebrate the birthday of her daughter Yohan and her mother. However, she stressed that was no second honeymoon.
"Magugulat ako kapag nabuntis ako. Paano nangyari yun? Hindi dun (sa Korea), kasi may sakit ako," she said.
Right now, Santos is busy with her new hosting job for "MasterChef Pinoy Edition," which airs weekdays before "Be Careful With My Heart."  

Judy Ann Santos says she is planning to get pregnant by next year



http://www.push.com.ph/features/8640/judy-ann-santos-says-she-is-planning-to-get-pregnant-by-next-year/ 

11/13/2012 9:44 AM

by: Rhea Manila Santos

111312-juday_main.jpgJudy Ann Santos shared details from her recent family trip to South Korea which was a joint birthday celebration for her daughter Yohan and her mother-in-law. “Mga six days ata kami dun. Kararating lang namin nung November 5 tapos nagkasakit ako ng dalawang araw. Eto na me. Okay na,” she shared during the MasterChef Pinoy Edition presscon held last November 9 at the Renaissance Convention Center in Marikina.

Juday said that she and husband Ryan Agoncillo did not have a reported “second honeymoon” during the trip because the focus was really on their loved ones. “Walang honeymoon. Kasama namin family and the kids. Kaya nga ako may sakit ngayon kasi sa lamig tapos pagod din pero masaya. Family trip siya. First time na maka-experience ng malamig na weather nung mga anak namin so bonggang-bongga ang mga outfit nila. Nakakatuwang ma-experience mag-alaga ka ng mga bagets na wala kang kasamang angel, yung nanay talaga. So yung sakit ko worth it, yung sakit ng nanay nararamdaman ko tapos masaya ako at the same time,” she said.

Juday said one of the highlights of their trip was visiting Everland, the largest theme park in South Korea which her kids enjoyed. “Kumain kami ng mga street food, ako naman basta pagkain nanghihina ang tuhod ko diyan ‘di ba? (laughs) Kain seafood, wala masyadong shopping kasi sa mga gamit pa lang ng mga bata tig-dalawang maleta na sila, paano ka pa mamimili? Pero mas pinuntahan namin yung mga historical places. All in all it’s a trip that you want to do again. Kasi nagkaroon ng major bonding yung family ko. 60th birthday ni mama tapos birthday din ni Yohan,” she said.

The MasterChef Pinoy Edition host said that although she and Ryan did not get any couple time in Korea, they might get the chance as they leave for Europe on a business trip this week. “Kung ngayon, magugulat ako pag nabuntis ako! Paano nangyari yun? (laughs). Hindi dun, kasi may sakit ako eh. (laughs). This time sana wala na akong sakit para okay naman. Ito naman for worknaman so eto naman kaming dalawa lang ni Ryan. Kaya baka naman may made in London (laughs). Sana by next year kung mangyari, para kasi at least magkasunod ng edad ni Lucho tapos medyo bata pa ako para sa pagpapapayat. Sana paglabas niya yung uha niya, ‘U-hey!’” (laughs),” she said.

The talented host-actress said she is happy with both her personal and professional life especially because she was chosen to host MasterChef Pinoy Edition after the success of Junior MasterChef.“Ngayon mas gamay ko na siguro in a way na same staff pa rin naman kami maliban sa director and contestants. Happy ka na nakasama mo sila uli pero yung kaba hindi nawawala. Yung takot mas dumadami, mas dumadagdag kasi siyempre mas matindi yung expectations ng tao ngayon. Para kasing sa Junior MasterChef hindi pa ganun katindi yung social networking eh last year lang yun. Yung ngayon huwag ka lang magkamuta, naka-tweet na ‘di ba? Parang sobrang dami mong kailangan i-consider pagdating sa isang trabaho. It’s the risk that I’m willing to take na parang sige maiba naman, tingnan natin kung hanggang saan ako puwedeng dalhin nito,” she said.

Catch Judy Ann Santos on MasterChef Pinoy Edition weekdays before Be Careful With My Hearton ABS-CBN’s Umaganda block. 

Sunday, November 11, 2012

Judy Ann Santos compares past and present leading men to food; says Piolo Pascual is like risotto



http://www.pep.ph/news/36368/judy-ann-santos-compares-past-and-present-leading-men-to-food-says-piolo-pascual-is-like-a-risotto

Judy Ann Santos on her hosting career: "Ngayong ibinigay ulit sa akin itong season ng MasterChef, sobra akong na-happy kasi napatunayan ko sa sarili ko—at siguro sa iba ring tao—na there’s more to me than just being an actress. Hindi pag artista ka, acting lang ang puwede mong gawin."

Photo: Noel Orsal




Malaking bagay para kay Judy Ann Santos na siya ulit ang kinuha ng ABS-CBN para mag-host ngMasterChef Pinoy Edition, na mapapanood na simula Lunes ng umaga, Nobyembre 12.

Marami raw kasi siyang napatunayan sa kanyang sarili simula nang una siyang maging host ng Junior MasterChef Pinoy Edition noong isang taon.

Sabi ni Juday, “For some reason, uumuwi ako nang mas masaya, kasi parang may isang part ng buhay ko na nabuksan, which is cooking.Kakaibang satisfaction daw ang hatid sa kanya ng pagiging host ng naturang “kusinaserye” ng Kapamilya Network.

“Na hindi naman alam ng mga tao iyan before, e, na marunong po ako.

“Parang hindi ko naisip na puwede ko palang pasukin itong linyang ito.

“All this time, akala ko hanggang pag-arte lang ako.

“Noong pumasok yung Junior MasterChef, nandun yung kaba, nandun yung takot, na parang bago ko pa makita yung mga batang dumarating, halos masuka-suka ako sa nerbiyos.

“Hindi ko talaga alam kung kaya kong itawid yung hosting.

“Ngayong ibinigay ulit sa akin itong season ng MasterChef, sobra akong na-happy kasi napatunayan ko sa sarili ko—at siguro sa iba ring tao—na there’s more to me than just being an actress.

“Hindi pag artista ka, acting lang ang puwede mong gawin.

“Pag nabigyan ka ng pagkakataon, gawin mo yung isang bagay na gusto mong gawin—maybe hosting or iba pa na puwede mong gawin.

“Nagkakaroon ka ng ibang klaseng accomplishment, na parang meron pa pala akong puwedeng gawin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang press si Juday sa presscon ng MasterChef Pinoy Edition kahapon, Nobyembre 8, sa Renaissance Convention Center, Riverbanks Complex, Marikina City.

Masaya rin si Juday na makakasama ulit sa show ang chef-judges na sina Fernando “Ferns” Aracama, Rolando “Lau” Laudico, at JP “Jayps” Anglo.


Hindi lang daw kasi sila magkakaibigan kundi magkakapamilya pa, kasama ang buong staff ng show.
LEADING MEN AS FOOD. Nakatuwaan namang sabihan ng press si Juday na ikumpara nito sa pagkain ang kanyang mga naging leading men.

Narito ang ginawang paghahambing ng aktres:
Wowee de Guzman. “In fairness kay Wowee, puwede siyang lechong manok.
“E, kasi, di ba, yung loveteam namin before, yun ang pinakamasa?
“So, ang makikita mong pinakamasang pagkain is lechong manok, na affordable. At pagka may comfort food ka, lechong manok yung gusto mo.”

Rico Yan. “Si Rico, pizza. Maliban sa ma-texture, yung Pinoy na Pinoy.
“Pag una mong tingin, pizza siya, sosyal, di ba?
“Pero pag kinain mo, lalagyan mo ng Pinoy flavors na very Rico.
“Na pag unang tingin mo, akala mo hindi mo mari-reach, pero pag kinausap mo, aba, e, mas barubal pa pala sa iyo, yung ganun.
“Very down to earth, very humble, at saka yung masyado kang maraming matututunan.
“Parang pizza, marami kang matitikman kasi ang daming ingredients na kasama ng pizza.”
Pagkatapos ni Rico Yan, biniro ni Juday ang press na dalawa lang daw ang sasabihin niya.
Alam naman kasi niya na ang hinihintay ng lahat na banggitin niya ay ang pangalan ni Piolo Pascual.
Pabiro niya ring isiningit ang pangalan ni Mark Anthony Fernandez dahil naging leading man din naman daw niya ito.
Pero sa huli, napilit din siya ng press na ibigay ang food comparison niya para kay Piolo.

Piolo Pascual
. “O sige na, sige na… Si Piolo, ilagay natin sa… siguro risotto,” pagtukoy ng actress-TV host sa isang klase ng Italian rice dish.
“Sosyal siya, di ba?
“Yung risotto kasi, mahirap lutuin, kailangang bantayan. Kailangan mong tutukan.
“Pag tinutukan mo, makukuha mo yung tamang timpla.
“Pero pag pinabayaan mo, mahihilaw siya o malalata siya.
“In fairness naman sa loveteam namin ni Piolo noon, di ba, lahat ng mga pelikulang ginawa namin, sobra namang kumita.
“Ibig sabihin, nabantayan, ibig sabihin inalagaan.
“Dumating lang sa punto na napabayaan kaya kailangang mag-separate ng landas.
“Ibig sabihin, nalata. Okay.”
Nilinaw rin ni Juday na ang risotto ay hindi naman simpleng kanin lang.
Aniya, “May iba-ibang flavors ang risotto.
“Puwede mong lagyan ng mushrooms, puwede mong lagyan ng truffles… iba-iba.
“Parang si Piolo rin, iba-iba rin yung nagiging ka-loveteam.”

Hiniling din ng PEP na isama na sa listahan ang asawa niyang si Ryan Agoncillo na naging ka-loveteam rin sa pelikula at telebisyon.

Biglang nagtawanan ang press, kaya ipinagdiinan ni Juday na, “Yung adobo, ha! At saka, di ba, yun ang pagkain na nami-miss mo pag nasa ibang bansa ka, di ba?Ryan Agoncillo. “Si Ryan, adobo. Kasi yun ang all-time favorite mo. Puwede mo siyang kainin umaga, tanghali, gabi.”
“Pag halimbawa, pumunta ka ng ibang bansa, ‘Uy, gusto ko ng adobo.’ Siya yun. ”
Inihabol na rin ng press si Mark Anthony, na nabanggit na niya noong una. Nagkasama rin kasi sila sa isang pelikula noon—ang Ako Ba Ang Nasa Puso Mo?(2000).

Mark Anthony Fernandez. “Si Mark Anthony, pasta, yung spaghetti na Pinoy, all-time favorite sa party.
“Kasi ma-texture din, di ba, marami ka rin makikita, kahit saan mo puwedeng ilagay yung sauce.
“Para ring si Mark—puwedeng action, puwedeng comedy, puwedeng drama.”

SAM MILBY. Pati ang bagong leading man ni Juday sa upcoming ABS-CBN teleserye na Against All Odds, si Sam Milby, ay hiningan din ng food comparison.
Sabi ni Juday, “Siguro, steak. E, kasi parang ang mahal niyang tingnan, di ba? Tapos may abs.”
Ano klaseng steak si Sam?
“Dapat sizzling steak para malutong.”
Totoo ba yung sinabi ni Sam na nai-intimidate siyang kaeksena si Juday sa teleserye nila?
“Sabi niya. Pero feeling ko, nai-intimidate lang siya kasi nabubulol siya, yung ganun.
“Pero may effort kasi siya na mag-Tagalog.
“Gusto ko naman yung effort na yun sa kanya na mag-Tagalog siya, kaya nakakatuwa naman din.
“Pero siguro nga natatakot siya. Sabi ko nga, ‘Bakit ka natatakot?’”
Bilang magaling na aktres, kuntento ba siya sa acting ni Sam?
“Oy, in fairness, may acting si Sam, ha—in fairness, ha.
“Kasi kung wala naman siyang acting, siyempre malalaman naman din pag sinabihan siya ng director.
“May acting siya, yun nga lang, ang problema lang talaga ngayon is yung pagsasalita niya, nahihirapan talaga siya.
“Pero natutuwa ako doon sa effort na ipinapakita niyang gustung-gusto niya talagang mag-Tagalog, ayaw naman ng dila niya.
“At least, happy na ako doon.”


Judy Ann Santos Doesn’t Mind Being In Daytime Slot


http://filipinasinshowbiz.com/?p=30242

I guess some have taken umbrage to the fact that Judy Ann Santos’ new season of Masterchef Pinoy Edition is on daytime, morning block to be specific. Juday doesn’t mind of course but some have asked her if she does.
Sanay nga naman ang mga taong nakikita siya sa primetime kaya naman natanong ang reaksyon niya sa oras ng bagong show.
“OK lang naman. Maiba naman. Wala naman akong nakikitang masama kung makita ka from a primetime show to a daytime show. Ahhh, hindi naman nagbago ang suweldo, ‘di ba? Susmaryosep naman! Kung nagbago ang suweldo, saka ako magre-react.
“At saka maganda naman ang oras namin sa umaga. Doon din nagsisimula ang oras ng mga tao. Nandiyan ang Kris TV, nandiyan ang Please Be Careful With My Heart and then the Masterchef. Kumbaga, it’s gonna be a fun morning starting November 12.
“Kumbaga, may madadagdag! Masaya na siya bago kami pumasok. Ngayon, mas magiging juicy lang siya pagdating ng airing namin. Magiging full day ang ABS.
“Walang grudges! Care ko. Pasalamat na lang ako at may programa. May pang-Christmas! Happy, happy lang ako! May movie pa!” paliwanag ni Juday.(source)
It’s interesting why some people would even think Juday will have a problem with ABS-CBN just because she’s on a the morning block instead of primetime. Or even use this as a promo slant, HEH! Masterchef is basically a lifestyle-reality show. One would think that that obvious fact would make these people understand why it makes sense for Masterchef to be on daytime. It’s not like it’s part of a Cooking network wherein all the shows involve food andcooking, from sunrise to sunset. I could understand then if the shows are competing for the primetime slot but that’s not the case here. In any event, Masterchef will premiere on November 12 at 10:30am.

Nakakaloka naman! – Judy Ann Santos


http://manila-bulletin.net/blog/2012/11/11/nakakaloka-naman-judy-ann-santos/


SA presscon ng MasterChef Pinoy Edition, natanong si Judy Ann Santos kung totoong nabanggit niya na mas gusto niyang makatrabaho si Nora Aunor kaysa kay Vilma Santos. Base raw ito sa sinabi ngmanager niyang si Tito Alfie Lorenzo.

Gov Vilma SantosNagulat ang aktres at kaagad na nagpaliwanag.
“In all fairness, ang sinabi ko, gusto kong makasama ulit si Ate Guy at gusto kong makagawa ng pelikula with Ate Vi. Sino naman ako para sabihin na hindi ko gustong makatrabaho si Vilma Santos? Ang choosy ko naman, di ba?
“Hindi ba, para sa isang artista na kagaya ko, napakalaking bagay para sa akin `yung makasama ko ang isang Vilma Santos at isang Nora Aunor.
“Hindi ko naman sinabing sa isang pelikula. Pero, di ba, `yon ang kukumpleto sa pagiging isang artista mo, eh, `yung makatrabaho mo sila. Magkaka-texture nang bonggang-bongga yung resume mo,“ malinaw na sabi ng aktres.
“Sila `yung pioneers sa industriya. Sila `yung gusto mong kumumpleto sa papel mo bilang artista. Kung mabigyan ako ng pagkakataon na makasama sila sa trabaho, sino ako para tumanggi? Nakakaloka naman!
“Gusto kong makatrabaho si Ms. Vilma Santos at si Ate Guy, Ms Nora Aunor.“

Madali kasing ma-burn out Jericho palaging choosy sa projects


http://www.philstar.com/showbiz/2012-11-12/865648/madali-kasing-ma-burn-out-jericho-palaging-choosy-sa-projects

Kumpirmado nang makakasama si Jericho Rosales sa teleseryeng Against All Odds na ipalalabas na sa susunod na taon. Kasamang magbibida ng aktor sa nasabing soap opera sina Judy Ann Santos, Sam Milby, at KC Concepcion. Masayang-masaya si Jericho dahil makakatrabaho niyang muli si Juday pagkalipas ng mahabang panahon.
“Finally, magkakasama na kami ni Juday. I remember before nagkatrabaho na kami sa Esperanza. Nag-long break ako after that. ’Yun ’yung nag-concentrate ako sa music nung na-burn out ako sa acting. After that, one of the soaps na hindi ko natanggap noon was with Juday. So I kind of feel like, finally, ngayon matutuloy na ulit, makakasama ko si Juday sa soap,” nakangiting pahayag ni Jericho.
Masuwerte raw siya dahil sa kanya napunta ang role na dapat ay sa ibang aktor.
“’Yung character ko papasok sa second week ng soap. It was originally for someone else. Unfortunately, parang the artist couldn’t handle, then they offered me the role. Ini-explain nila kay Tita Angeli (Panglinan-Valenciano, manager ng aktor). Sabi ko, ‘Interesting. Okay, game!’ Iba siya sa mga character ko noon,” kuwento ni Jericho.
Mapili raw talaga ang aktor sa lahat ng mga proyektong kanyang ginagawa kaya medyo natagalan din bago niya tinanggap ang bagong serye.
“Ako naman I choose my projects really well. Kapag malaking panahon ang igugugol ko, it’s important to me, kasi hinahanapan ako ng mga tao. ‘Wala ka bang teleserye?’ Kasi that’s their gauge of being visible so I understand that. But for me, whether it’s an album or a teleserye, or a concert, ganon ako eh, mapili talaga ako,” giit pa ni Echo.

Kitchen Drama Served Via ‘Master Chef Pinoy Edition’


http://www.mb.com.ph/articles/380920/kitchen-drama-served-via-master-chef-pinoy-edition#.UKFo--SXKuk

By CRISPINA MARTINEZ-BELEN
November 11, 2012, 10:46am
JUDY ANN SANTOS and Chefs Ferns Aracama, Lau Laudico, and Jayps Anglo.
JUDY ANN SANTOS and Chefs Ferns Aracama, Lau Laudico, and Jayps Anglo.
A dose of morning drama is what ABS-CBN has in store for viewers via its first ever kusina-serye “MasterChef Pinoy Edition” which premieres today, Nov. 12, before “Be Careful With My Heart” on the network’s Umaganda block. The show highlights the struggles and triumphs in the kitchen of the contestants who will vie for the R1-million cash prize.
The show had a grand launch last Thursday noon at the Renaissance Convention Center where three members of the entertainment press – Veronica Samio, Ian Farinas and Maricris Nicasio – showcased their cooking skills in 15 minutes. Ian won.
Returning to reprise their roles as host and judges in the “Junior MasterChef Pinoy Edition” are teleserye Queen Judy Ann Santos and chefs Fernando “Ferns” Aracama, Rolando “Lau” Laudico, and JP “Jayps” Anglo. Said Juday: “This time the challenges are definitely harder. We will be more blunt in giving comments. To be a good chef, one needs to endure all the hardships.”
She added: “Viewers will relate better because we will not only bring out the contestant’s talents but also their real-life stories.” Aside have having a fresh, new twist, the kusina-serye will also give viewers a taste of “reality” by housing the finalists under one roof. There they will develop appreciation for life as they blend with others, foster new bonds and conflicts, and experience success and defeat with each other.
Meanwhile, on Saturdays watch Melai Cantiveros and Pinoy Big Brother Teen Edition 4 housemates Joj and Jai Agpangan in “MasterChef Saturdish Edition” where they discover and whip up exciting dishes and give out cooking tips and trivia.
• • •

udai wishes to work with Nora, Vilma

Sunday, November 11, 2012

http://www.sunstar.com.ph/manila/entertainment/2012/11/11/judai-wishes-work-nora-vilma-252717

 ACTRESS and television host Judy Ann Santos is raring to share the big screen with Superstar Nora Aunor and Batangas Governor and Star for All Seasons Vilma Santos. “In all fairness ang sinabi ko gusto kong makasama ulit si Ate Guy at gusto kong makagawa ng pelikula with Ate Vi. Sino naman ako para sabihin na hindi ko gustong makasama si Vilma Santos, ang choosy ko naman," Judai said in reaction to reports that she prefers to work with Nora than Vilma. Judai, host of the upcoming cooking show "Master Chef Pinoy Edition," said it will be an honor to work with two of the country's finest actresses. "Sa isang artistang kagaya ko, napakalaking bagay na makasama ko ang isang Vilma Santos at isang Nora Aunor. Hindi ko naman sinasabi sa isang pelikula, pero yun kasi na masasabi mong kumpleto na yung pagiging artista mo," she said. Meanwhile, the mother of two revealed the airing of her primetime series "Against All Odds" will be moved to the first quarter of next year. Judai said she can't juggle Master Chef and a teleserye because of family duties. "We tape four times a week. Pag nag-shoot pa ako ng dalawang araw, paano pa ang pagiging ina ko. Hindi naman masyadong made-delay yung taping, yung airing lang naman," she said. She added that her co-stars KC Concepcion, Jessy Mendiola, Sam Milby and Jericho Rosales approved the development. "Ini-explain ko naman din sa kanila na kung gagawin ko yung Master Chef, hindi ko kayang gawin din yung teleserye at the same time kasi paniguradong may isang magsu-suffer. Ayoko ng ganoon," she said. "Master Chef Pinoy Edition" will kick off Monday at 10:30 a.m. followed by "Be Careful with My Heart" at 11:15 a.m. on ABS-CBN. (Sunnex)

Judy Ann Santos Talks about Her Favorite Celebrities


http://www.femalenetwork.com/celebrities/judy-ann-santos-talks-about-her-favorite-celebrities/

The teleserye queen dishes about the stars she admires. Plus, see what happened during her cover shoot for Good Housekeeping's November 2012 issue!

We’ve all seen Judy Ann Santos blossom from the budding child actress we rooted for inMara Clara into the confident, self-assured superstar that she is now. After taking a self-imposed hiatus from showbiz, she’s now all set to take back her rightful place under the limelight, making her the perfect cover girl for Good Housekeeping’s November 2012issue. Watch this behind-the-scenes video of Juday’s cover shoot to hear her talk about the many celebrities she admire!

(Screencap via YouTube)



Thursday, November 8, 2012

Judy Ann wants to work with both Vilma, Nora


http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/11/08/12/judy-ann-wants-work-both-vilma-nora


MANILA, Philippines - Actress Judy Ann Santos on Thursday denied that she prefers to work with Nora Aunor instead of the veteran actress' great rival Vilma Santos.
"Hindi. Wala akong sinasabi," Santos told reporters during the press conference for "MasterChef Pinoy Edition" which premieres on Monday, November 12, before "Be Careful With My Heart," on ABS-CBN.
"In all fairness ang sinabi ko ay gusto kong makasama muli si Ate Guy at gusto kong makagawa ng pelikula with Ate Vi. Sino ba naman ako para sabihing hindi ko gustong makasama si Vilma Santos? Ang choosy ko naman," explained Santos, who worked with Aunor in 1991 film "Sa Puso Ko Hahalik Ang Mundo" and "Babae" in 1997.

The "MasterChef Pinoy Edition" host believes that working with both actresses would be a great honor for her.
"I mean sa isang artista na kagaya ko, napakalaking bagay para sa akin 'yung makasama ko ang isang Vilma Santos at isang Nora Aunor. Hindi ko naman sinasabi na sa isang pelikula. Pero hindi ba 'yun ang kukumpleto sa pagiging isang artista mo, 'yung kapag naka-trabaho mo sila? Sila 'yung pioneer  sa industriya. Sila 'yung kukumpleto sa papel mo bilang artista. So kung mabigyan ako ng pagkakataon na makasama sila sa isang trabaho eh sino ako para tumanggi, hindi ba? Gusto kong makatrabaho si Ms. Vilma Santos at Ate Guy, Ms. Nora Aunor," the actress stressed.
But before that, Santos will find herself up against Aunor in this year's Metro Manila Film Festival. Santos stars in the "Si Enteng, Si Agimat at Ako" along with Vic Sotto and Ramon "Bong" Revilla Jr., while Aunor topbills Brillante Mendoza's "Thy Womb."

Judy Ann not taking sides in Sharon-Piolo tiff


http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/11/08/12/judy-ann-not-taking-sides-sharon-piolo-tiff


MANILA, Philippines -- Actress Judy Ann Santos said she's not taking sides in the conflict between her friend, veteran actress Sharon Cuneta, and her former leading man Piolo Pascual.
"Wala, nakaupo lang ako. Ayaw kong mag-stand, uupo lang ako," Santos said on Thursday during a press conference of "MasterChef Pinoy  Edition," which begins airing on Monday, November 12.
"Ang hirap magbigay ng komento lalo na ngayon. Hayaan na nating lumiit 'yung butas, ayaw ko nang makigulo pa. 'Yun lang sana, pagtapos ng taong ito at pagbukas ng 2013 ay tapos na, tama na. Parang bantilawan na 'yung isyu na nakakatawa na, na palaging ganoon na lang ang pinag-uusapan," Santos said.
Last week, Cuneta said Pascual should be thankful that she and her family have remained quiet about his controversial breakup with her daughter KC Concepcion as she defended herself on Twitter against bashers whom she suspects are supporters of the actor.
In the interview, Santos also reacted on reports that Pascual refused to work with her again in a movie even if she and husband Ryan Agoncillo made the first move to reach out to him.
"Ayaw ko nang sagutin 'yan, ayaw kong pag-usapan ang ganyang klaseng ka-personal na (bagay). Unang una hindi siya tamang pag-usapan para sa akin. At least for me, let's leave it at that. So kung mangyari ay mangyayari," she said.
"Nakikiusap na lang ako. Kasi naawa din ako sa tao na masyadong bombarded ng issues, so patahimikin muna natin. Let him think. Let everybody think. Lahat ng mga taong naapektuhan ngayong taong ito sa mga issues involving different people ay pabayaan na natin, matatapos na ang taon magpa-Pasko na, tama na. So kung ano man ang mangyayari ay positive naman ako sa pagkakataong 'yon. Sa akin lang siguro masyadong lutong luto na yung isyu, baka nga sagot ako ng sagot tapos wala na ding interesado pala," she said.
Asked if she believes that the much-awaited reunion movie with Pascual is not pushing through because of her closeness to Cuneta, Santos said: "Hindi naman siguro. Ayaw kong isipin na ganoon. Iba 'yung relationship ko with Ate Sharon and my friendship with Piolo is different . Kung ano man 'yung issues between them siyempre ayaw kong makisali doon. Ang sa akin lang ay tama na."
But Santos also said that as far as this issue is concerned, she knows where her heart is.
"Alam ko naman kung sino ang mas mahal ko so OK na ako doon," she said.

Judy Ann Santos on reunion project with Piolo Pascual: "Anything can happen... but not this year, not in two years."

http://www.pep.ph/news/36352/judy-ann-santos-on-reunion-project-with-piolo-pascual-anything-can-happen-but-not-this-year-not-in-two-years/1/2

“Mangyayari pero huwag nating i-push kasi baka kaka-push natin, tabangan na yung mga tao. Baka kapag ipinalabas, expired na rin ‘yon dahil napapag-usapan naman,” says Judy Ann Santos about having another project with former leading man Piolo Pascual.





Nakiusap ang actress-TV host na si Judy Ann Santos-Agoncillo na huwag nang pag-usapan ang tungkol sa inaasahang muling pagtatambal nila ni Piolo Pascual hanggang wala pang tiyak na plano.

“Siguro hindi naman na yata mawawala ‘yon. Puwede ba, let’s leave it at that?” sabi ni Judy Ann nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press conferecence ng bago niyang programa, ang MasterChef, kaninang hapon, November 8.

Sa nakaraang panayam kay Piolo, sinabi ng aktor na gusto niyang makatrabaho muli ang kanyang leading lady sa pelikulang Till There Was You (2003).

Ani Piolo, “Sobra akong kumportbale kay Juday and I’m praying and wishing for that na magkasama uli kami.

“Kasi ang laki ng itinulong sa akin ni Juday, sa career ko.

“I have open doors to be partner with her again.”

(CLICK HERE to read related article.)

Nang hingan ng reaksiyon si Juday tungkol sa naging pahayag ni Piolo ay nagbiro siya at sinabing, “Hindi pa rin ba kayo natatapos diyan? Hindi ba tayo puwedeng naka-move on?”

Ayon sa aktres, hindi pa siya makapagbigay ng tiyak na sagot tungkol dito.

“Hindi ako makasabi ng oo, hindi ako makasabi ng hindi.

“Hindi ko rin talaga alam kung ano na yung magiging plano.

“Anything can happen... but not this year, not in two years.

“Maybe it will happen... I’m not saying it will not.”

Pagkatapos ay muli siyang nakiusap na huwag nang masyadong pag-usapan ang tungkol dito.

“Mangyayari, pero huwag nating i-push kasi baka kaka-push natin, tabangan na yung mga tao.

“Baka kapag ipinalabas, expired na rin ‘yon dahil napapag-usapan naman, ‘Wala na, e, palagi naman tinatanong, ngayon, ayaw ko na.’

“Hayaan na lang natin na mangyari kung mangyayari.”

ON SHARON CUNETA. Hindi rin naiwasan na mahingan ng opinyon si Judy Ann tungkol sa itinuturing niyang ate sa showbiz—ang Megastar na si Sharon Cuneta.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay muling sumagot sa microblogging site na Twitter ang singer-actress-TV host dahil sa ilang fans na sa tingin niya ay tagahanga ni Piolo Pascual.

Ilan sa kanila ay nag-post ng mga negatibong komento tungkol sa anak ni Sharon na si KC Concepcion, ex-girlfriend ng Kapamilya actor.

(CLICK HERE to read related article.)


Sa halip na magsalita tungkol dito, nagbiro na lang si Judy Ann: “Nakaupo lang ako. Ayaw kong mag-stand, nakaupo lang ako!”


Dagdag niya, “Ang hirap magbigay ng komento, di ba? Lalo pa ngayon, kapag nagkomento ka…


“Hayaan na muna nating lumiit yung butas. Dedma na.


"Ayaw ko nang makigulo pa. ‘Yon lang, move on na.”


Umaasa rin si Judy Ann na, “Sana sa taong ito, pagbukas ng 2013, ‘tapos na.


“Tama na. Parang masyado nang bantilawan ang isyu.


“Nakakatawa na nga, e, palagi na lang gano’n yung napag-uusapan.”

WORKING WITH ATE GUY AND ATE VI. Samantala, nilinaw ni Judy Ann ang balitang mas gusto niyang makatrabaho ang Superstar na si Nora Aunor kaysa sa Star For All Seasons na si Vilma Santos.

“In all fairness, ang sinabi ko, gusto kong makasama ulit si Ate Guy at gusto kong makagawa ng pelikula with Ate Vi,” agad na depensa ni Judy Ann sa sarili.

Paliwanag pa niya, “Sino naman ako para sabihin na hindi ko gustong makatrabaho si Vilma Santos? Ang choosy ko naman, di ba?”


Bagamat kilala na sa industriya, itinuturing pa rin ni Judy Ann na isang karangalan ang makatrabaho ang dalawang batikang aktres.
Aniya, “Hindi ba, para sa isang artista na kagaya ko, napakalaking bagay para sa akin yung makasama ko ang isang Vilma Santos at isang Nora Aunor.
“Hindi ko naman sinabing sa isang pelikula.
“Pero, di ba, ‘yon ang kukumpleto sa pagiging isang artista mo, e—yung makatrabaho mo sila.
“Magkaka-texture nang bonggang-bongga yung resume mo!”
Dagdag pa ni Judy Ann, “Sila yung mga pioneers sa industriya. Sila yung gusto mong kumumpleto sa papel mo bilang artista.
“Kung mabigyan ako ng pagkakataon na makasama sila sa trabaho, sino ako para tumanggi?
"Nakakaloka naman!”
Sa huli, muli niyang nilinaw: “Gusto kong makatrabaho si Ms. Vilma Santos at Ate Guy.”

Judy Ann Santos takes time off from taping next teleserye to host MasterChef

“Siyempre, sa teleserye ako nakilala, ayaw ko namang mag-suffer yung performance ko sa teleserye. Ganun din dito sa pagho-host kasi bagong pasok lang ako dito, tapos babarubalin ko na," explains Judy Ann Santos-Agoncillo about doing MasterChef Pinoy Edition first before her teleseryeAgainst All Odds.

Aminado ang aktres na si Judy Ann Santos-Agoncillo na na-miss niya ang paghu-host matapos ang weekly cooking show niya noon na Junior MasterChef.

Kaya naman natuwa raw siya nang malamang magkakaroon din ng Pinoy edition ang orihinal na MasterChefat siya pa rin ang napiling host nito.

“After Junior MasterChef, hinahanap mo rin yung susunod na hosting stint mo, bilang baguhan ka rin sa field na ‘to,” sabi ni Judy Ann nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang taga-media sa press conference ngMaster Chef kaninang tanghali, November 8.

Sa programang ito, mas matatanda na ang magiging kalahok, dahilan kung bakit kinakabahan si Judy Ann sa pagbabalik niya bilang host.

“Ito kasi, ibang take all in all,” ani Judy Ann.

“Sa Junior MasterChef kasi, parang nice ka.

"Ito, kailangan mo ng kaunti ang slightly pagiging impakta side mo para medyo matakot.

“Basta, iba dito.

"Excited ako, happy ako, pero kinakabahan pa rin.

“Kasi siyempre, makikita nga ng ibang tao yung ibang side ko when it comes to giving comments and tasting.

“Yung overall impact ng isang host, iba ‘to, e.”

Katulad ng sinabi niya sa kanyang unang hosting job, umaasa si Judy Ann na magugustuhan pa rin ng mga manonood ang anumang maipapapkita niya sa bagong programa.

“Iba ito kaysa sa Junior MasterChef, so hindi ko alam kung how they will take it, di ba?

“Pero I’m keeping my fingers crossed na mag-enjoy sila.

“Maliban sa pagpansin sa trabaho ko, sana ma-enjoy nila ang buong show kung gaano nag-e-enjoy ang mga contestants dito sa Master Chef.”

Sa Master Chef, tiniyak ni Judy Ann na makikita siya ng mga manonood na "mas magiging prangka, mas magiging istrikto."


Dagdag niya, “At saka mas maraming information yung makukuha ng mga tao habang pinapanood nila itongMasterChef.”

Ang MasterChef Pinoy Edition ay mapapanood araw-araw, bago ang Be Careful With My Heart, sa ABS-CBN, simula sa November 12.

TELESERYE WAS MOVED. Dahil sa muli niyang pagho-host ng MasterChef, naurong naman ang airing ng bago sanang teleserye ni Judy Ann sa ABS-CBN, angAgainst All Odds.

Nami-miss na rin daw ng aktres ang gumawa ng isang teleserye, pero ayaw niyang makumpromiso ang kanyang trabaho bilang artista kung isasabay ito sa paghu-host ng cooking reality show.

Ito ang dahilan kaya nahinto muna ang paggawa ng teleserye kasama sina KC Concepcion, Sam Milby, at Jericho Rosales.

Kuwento ni Judy Ann, “In-explain ko na rin naman sa kanila, kung ipapagawa n’yo sa akin yung MasterChef, hindi ko kayang pagsabayin ang MasterChef at teleserye at the same time, kasi paniguradong may magsa-suffer.

“Ayaw ko naman ng ganun.

“Siyempre, sa teleserye ako nakilala, ayaw ko namang mag-suffer yung performance ko sa teleserye.

“Ganun din dito sa paghu-host kasi bagong pasok lang ako dito, ‘tapos babarubalin ko na.

“So, naiintindihan naman nila.

“Kaya nga sabi ko, kung magma-MasterChef tayo, mag-stop muna tayo.

“We will resume next year.”

Paniniguro pa ni Judy Ann, “Tuloy pa rin.

“Wala namang nabago, wala namang natanggal, and wala rin namang nabawas.

“Nagdagdag kami, si Jericho [Rosales], pero tuloy pa rin siya, definitely.”

Judy Ann Santos on Sharon Cuneta’s Twitter feud: ‘Mag-move on na tayo’


110912-juday_main.jpgAs her new show MasterChef Pinoy Edition premieres on Monday, November 12, Judy Ann Santos admitted she is excited to be part of an international franchise. “After Junior MasterChef hinahanap mo din yunghosting stint mo bilang baguhan sa field na ito. Ito kasi it’s a different take on MasterChef. Doon kasi siyempre nice ka, dito kailangan ilabas mo yung pagiging slightly impakta side mo para medyo matakot and at the same time iba, basta iba. Excitedako, happy ako pero kinakabahan pa rin. Kasi siyempre since nakikita nga ng mga tao yung ibangside ko when it comes to giving comments and praising. Iba ito eh kesa sa Junior MasterChef,” she shared during the MasterChef presscon held at the Renaissance Center in Marikina last November 8.

During the event, the media couldn’t help but ask Juday her opinion on the recent Twitter war between her good friend Sharon Cuneta and Piolo Pascual’s fans. The 34-year-old host said she prefers to stay out of the issue but gave her opinion on online feuds. “Well let’s make it general na lang. Unang-una, wala tayong hold sa lahat ng mga nag-ti-tweet kasi it’s their opinion, that’s their prerogative and deadma, deadma na lang. Mag-pa-pasko na kaya tama na di ba? Wala akong alam sa balita dahil bilang nagkasakit ako ng mga ilang araw, knockout ako sa bahay. Wala akong alam sa mga nagaganap dito pero kung ano man ito, basta bilang pasok tama na, masyado nang madaming naaapektuhang tao, masyadong marami ng taong nasasaktan. Mag-move on na tayo lahat. Tama na. Ang hirap kasi mag-komento. Lalo na ngayon pag-nag-komento ka, hayaan na natin yun, deadma na di ba? (laughs). Ayoko ng makigulo pa. Yun lang sana itong pagtapos ng taong ito, pagbukas ng 2013, tapos na, tama na. masyadong bantilawan masyado yung issue, naklakatawa na nga eh, palagi na ngang ganun yung napag-uusapan,” she said.

Juday said she feels that the issue has been saturated enough in different media outlets already. She also refused to take anyone’s side because she knows the two people directly involved. “Ang sa akin lang, siguro masyado na ring lutong-luto na yung issue. Baka nga sagot ako ng sagot tapos wala na rin namang interesado makinig. Iba yung relationship ko with Ate Sharon and my friendship with Piolo is very different. Kung ano man yung issues between them, siyempre ayokong makisali dun pero ang sa akin lang, tama na di ba? Tama na. alam ko naman kung sino yung mas mahal koso okay na ako dun,” she said.

The talented actress said she also wishes that the public would not hound her former love team partner Piolo with any more issues. “Naaawa naman ako dun sa tao na masyado na ring bombarded ng mga issues. Hayaan na natin, patahimikin na muna natin. Let him think, let everybody think. Lahat ng taong naapektuhan nitong taong ito sa mga issues involving different people. Pabayaan na natin, matatapos na yung taon eh. Tama na. kung ano man ang mangyari, mangyayari naman.Positive naman ako dun,” she said.

Although she did not want to comment on Sharon’s emotional tweets, Juday said she trusts in her AteShawie’s actions. “She knows it. She knows what to do. She’s a very smart girl. Kaya niya yan. Ngayon pa ba naman. Kaya niya yan,” she said.

Juday said she has learned a lot from the Megastar. “Sa lahat kasi ang dami mong matututunan sa kanya. Just like with food madami kang matututunan sa pagkain kapag  mag-e-explore ka. Si AteSharon habang patagal ng patagal ng pakikipagkaibigan ko sa kanya at sa patagal at patagal ko siyang nakakausap bawat araw, mas marami akong natututunan sa kanya. Mas marami akong nalalaman tungkol sa kanya. Masaya siyang tao eh. Masarap siyang kasama, masarap siyang kaibigan. Masarap siya magmahal,” she added.

Catch Judy Ann Santos in MasterChef Pinoy Edition this Monday, November 12 before Be Careful With My Heart on ABS-CBN’s Umaganda block.

Monday, November 5, 2012

Judy Ann’s ‘Acting Mojo’ Defined


http://www.mb.com.ph/articles/379844/judy-ann-s-acting-mojo-defined#.UJiEw2_A_nc

By MAUREEN MARIE BELMONTE

Juday takes on the role of the nymph Angelina on the film (Promotional Photo)
Juday takes on the role of the nymph Angelina on the film (Promotional Photo)
MANILA, Philippines –  Although a lot may appear to have changed in her life as a person, as a mother, and as a woman, the actress in Judy Ann Santos remains the same—determined and driven with a solid set of work ethics.
She is not deemed a superstar of her generation for nothing and she’s managed to be successful for so long—despite predictions that she would lose her luster after tying the knot and giving birth—because she takes every project with utmost commitment and passion. Whether she’s appearing in soap drama or a fantasy flick like her upcoming Metro Manila Film Festival 2012 entry “Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako,” Juday goes all-out in effort every single time.
“Kahit naman noong dalaga ako, kung anuman ang kailangan sa eksena. At saka nakakahiya naman kung mag-iinarte ka pa eh, ginagawa nga nung dalawang bida, sino ka naman para mag-inarte, ‘di ba?” said she in an interview with Interaksyon.com posted on Nov. 3.
The 34-year-old award-winning actress is pertaining to box office giants Vic Sotto and actor-politician Bong Revilla, who both play the other leads in the film.
Juday has no qualms about doing difficult sequences even when she was younger when she even took on more physically challenging roles like the superhero “Krystala.” In fact, she has prepared herself mentally and physically for the challenge of playing a nymph in her upcoming movie.
“Simula pa lang, alam mo na ‘yung p’wede mong gawin. Alam mo na ‘yung proseso. Bago mo siya tanggapin alam mo na ‘yung role na magha-harness ka, may fight scenes. So, basically, na-anticipate mo na ‘yung moment kung ano ‘yung ipapagawa sa ‘yo,” she said.
The star of the upcoming soap “Against All Odds” is, of course, no stranger to the MMFF roster, having starred with real-life husband Ryan Agoncillo in the marital comedy “My Househusband” last year. She has also been the lead in MMFF top grossers “Kasal, Kasali, Kasalo” (2006) and “Sakal, Sakali, Saklolo” (2007). Still, Juday counts her entry this year as something really special.
She stressed to Intreraksiyon that her collaboration with Bong and Vic (it’s her second movie with the senator and her first project with Vic) is a both a privilege and an altogether distinct experience.
“Nakaka-tense pero at the same time, nakakatuwa naman nang bongga. Kasi, hindi ba, hindi naman lahat ng artista nabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng dalawang leading men na… parang pioneer na, in what they’re doing.
“Napakasuwerte ko na napasama sa kanila at napasama ako sa title role. So, it’s a chance of a lifetime,” said she.
Despite working with such big stars that tend to eclipse all others, Juday noted, “Alam mo wala akong pakialam sa exposure. Ang importante, kasama ako sa pelikula, tapos ang usapan.
According to her, it’s not about how long the camera is trained on you, but rather it’s about “how you deliver your role.”
“It’s how you do it at kung papa’no ka maging professional… Nasa sa iyo na ‘yun kung mapapansin ka o hindi. Kapag hindi ka napansin ng tao sa pelikula, ibig sabihin may mali sa ‘yo,” she said
.

Eat Bulaga! show sa London sa Nov 17; Judy Ann Santos, kasama rin



 
All set na ang mga Dabarkads ng number one noontime show na Eat Bulaga! para lumipad patungong Europe upang maghatid ng isang libo’t isang tuwa sa ating mga kababayan doon.

Hindi na nga makapaghintay ang mga EB host na sina Keempee de Leon at Ryan Agoncillo para sa kanilang show na gagawin sa Exhibition and Conference Centre (ExCel) sa London Docklands sa darating na Nobyembre 17.

"Nakakatuwa after Asia, after Canada, US, Japan, Europe naman ngayon ang Bulaga," ayon kay Keempee.

Maging ang mga Dabarkads na sina Pauleen Luna, Julia Clarete, at Ruby Rodriguez, hindi na maitago ang kasiyahan at excitement ngayong kumpirmado na ang kanilang show sa London.



"Early as July na nagtu-tweet na we hope you can tell us where you're staying ganon. We have gift for you, ganyan if we're really going," sabi ni Ruby.

Wika naman ni Julie: "At saka kasi naging issue ‘yan before na maramnig nagpu-publicize na dadalhin ang Eat Bulaga doon [Europe], tapos biglang hindi matutuloy. So ‘yong ibang mga Dabarkads namin doon, nag-aalangan ngayong bumili. Naku, ‘wag po kayong mag-alangan dahil na tuloy na tuloy po."

Makakasama ng mga Dabarkads sa London show ang misis ni Ryan na walang iba kundi si Judy Ann Santos bilang special guest.

Maliban sa kanyang special guesting, tutungong London si Juday para magbakasyon na rin kasama ang kanyang pamilya. – Mac Macapendeg/FRJ, GMA News

Juday walang panahon kay Piolo Pascual


http://banderablogs.wordpress.com/2012/11/04/one-on-one-with-judy-ann-santos/


NOVEMBER 4, 2012


Ni Julie Bonifacio
BUMUBUHOS ang malakas na ulan sa set ng “Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako” nang akyatin namin ang tatlong naglalakihang artista na bida sa pelikula na sina Sen. Bong Revilla, Vic Sotto at Judy Ann Santos sa Batlag Falls sa Tanay, Rizal.
Sinamatala namin na makausap si Juday habang naghihintay ng eksenang kukunan sa kanila that day.
Ayon kina Sen. Bong at Vic, nagulat daw sila sa professionalism ni Juday.
Kaya naman in return, pinuri rin ni Juday sina Sen. Bong at Vic.
Anyway, narito ang one-on-one interview namin kay Juday para dito sa BANDERA.
BANDERA: Wala raw siyang kaarte-arte sa set kahit pwede naman siyang mag-inarte sabi nina Sen. Bong Revilla at Vic Sotto. Ano’ng masasabi niya rito?
JUDY ANN SANTOS: Kahit naman noong dalaga ako, kung anuman ang kailangan sa eksena ginagawa ko. Tsaka nakakahiya naman mag-iinarte ka pa, e, ginawa na ng dalawang bida, sino ka naman para mag-inarte, ‘di ba?
Tsaka tinanggap mo ‘yung role bilang…simula pa lang alam mo na ‘yung mangyayari.
Alam mo na ‘yung proseso. Bago mo siya tanggapin alam mo na ‘yung role na magha-harness ka, may fight scene.
So, basically, na-anticipate mo na ‘yung moment kung ano ‘yung ipapagawa sa ‘yo.
B: Ano’ng feeling na dalawang higanteng aktor sa showbiz ang kapareha niya?
JAS: Nakaka-tense, huh! But at the same time nakakatuwa naman ng bongga.
Kasi, hindi ba? Hindi naman lahat ng artista nabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng dalawang leading men na, ano bang right word to describe them?
Hindi naman veteran, uhmm, pioneer, in what they’re doing.
Napakaswerte ko na napasama sa kanila at napasama ako sa title role. So, it’s a chance of a lifetime.
B: Haba naman ng hair niya at pag-aagawan siya sa movie nina Sen. Bong at Vic? 
JAS: Hindi, ah. Ako nga ang nang-aagaw sa kanila.
Ang role ko kasi rito sobra kong ini-idolize sina Enteng at Agimat.
Kumbaga, naghahanap ako ng, alam mo na! Ha-hahaha!
Naghahanap ako ng lalaking katipo nila.
Kasi parang ang ano ni Angelina, ang name ko sa movie, naghahanap siya ng kabiyak.
Pero hindi na pwede sina Enteng at Agimat kasi nga taken na sila, parang ganoon.
So, doon nagsimula ‘yung conflict between me and the wives.
So, masasabi ko na isa akong maharot na kerida sa movie.
B: Pang-ilang movie niya na ang “Si Agimat, si Enteng at si Ako” with Vic? 
JAS: First time ko siyang nakatrabaho. Pero second time naman with Bong.
B: Paano niya ide-describe in one word sina Sen. Bong at Vic? 
JAS: Hindi sila kayang i-describe ng isang salita lang, e.
Kasi ang dami nilang texture bilang artista, sila ‘yung tipo ng tao na hindi made-describe ng isang word lang kasi parang ang dami nilang texture bilang artista.
Sa bawat araw na nakakasama mo sila ang daming nari-reveal sa ‘yo na ugali nila.
Not in a bad way, ha, na nakakatuwa.
Na hindi mo iisipin na etong dalawang tao na ‘to, na sikat na sikat, sobra nilang alam ang ginagawa nila pero sobra rin silang down-to-earth. ‘Yun siguro.
Kung may made-describe ako na bagay sa kanila pareho na very common, ‘yun ‘yung pagiging down-to-earth nila sa lahat ng bagay.
Tsaka ‘di ba nga, ano’ng karapatan mong mag-inarte, e, ‘yung dalawa ngang kasama mo wala kang nakikitang pag-iinarte.
Bilang producers din naman at very professional sa mga karera nila.
Hindi mo talaga sila makikitaan ng pag-iinarte.
Kung ano ang ipagawa ni direk Tony (Reyes) gagawin nila, walang tanong, walang pag-iimbot.
B: Kumusta naman ang exposure niya sa movie? 
JAS: Alam mo, wala akong pakialam sa exposure, ang importante kasama ako sa pelikula, tapos ang usapan.
Even naman before noong dalaga pa ako wala naman sa akin ‘yun, kahit kailan hindi ako naniniwala sa percentage ng exposure.
It’s how you deliver your role. It’s how you do it at kung paano ka maging professional, nasa sa ‘yo na ‘yun kung mapapansin ka o hindi.
Kapag hindi ka napansin ng tao sa pelikula ibig sabihin may mali sa ‘yo.
B: Last year may entry din sa Metro Manila Film Festival si Juday kasama ang real-life husband niya na si Ryan Agoncillo, ang “My House Husband.” Every year ba gusto niya magkaroon ng entry sa MMFF?
JAS: Huwag naman. Ha-hahaha! May pamilya naman ako, ‘di ba?
May anak, kailangang magluto para sa pamilya.
Kaya lang eto kasi hindi ko matanggihan. Ang choosy  mo naman kung tatanggi ka pa.
B: Based on her experience noon sa ipinrodyus at pinagbidahan niyang “Ploning” kung saan nominated sa Oscar awards para sa kategoryang Best Foreign Language Film, ano sa tingin niya ang chance ng pelikulang “Bwakaw” na contender for the same category sa susunod na taon sa kilalang international award giving body?
JAS: Sana makapasok. Pero mahirap ‘yan. Mahirap talaga.
Pero ang masasabi ko lang ‘yung experience ng, nu’ng journey ba?
Na makapasok ka sana sa Oscars, ‘yun lang panalo ka na, e.
Kasi iba ‘yung makikita mong professional, iba ‘yung training na makikita mo.
Kasi talaga lahat on time, lahat effort. Makikita mo, nakakatuwa siya.
Nakakatuwang ma-experience ‘yung ganoong part ng pagla-lobby ng isang pelikula.
Ako naman I’m still hoping na one of these years or one of these days, may isang pelikula ang Pilipinas na pwedeng mapansin internationally.
Kasi mahuhusay naman ang filmmakers natin.
Malalalim, mahuhusay at makukulay gumawa ng istorya.
Hindi lang nabibigyan ng tamang pagkakataon kasi hindi nasusuporthan ng husto.
Kasi, kung makita mo kung paano sinusuportahan ng mga gobyerno ‘yung pelikula ng ibang bansa, all-out.
As in parang they allot 50% of their taxes to films, na nire-represent nila ‘yung bansa nila. So, wala tayong laban doon.
B: E, nu’ng sumali sila noon?
JAS: Kami, wala kaming laban doon.
Magkano lang naman ‘yung na-raise naming funds.
Though, we’re really appreciative of the people who helped us along the way.
Hindi namin mararating ‘yung kahit one-fourth noong pagla-lobby kung wala rin ‘yung funds na pumasok sa amin.
Kumbaga, kapag naging Oscar run ka, kung magla-lobby ka to be part of it, kakapalan mo talaga ang mukha mo.
At doon ko na-experience na hindi talaga madali ang trabaho ng isang producer.
B: How true na huminto raw siya sa pagti-taping ng teleserye niya na Against All Odds para sa ABS-CBN? 
JAS: Hindi naman.
Wala pa akong balita. Ang huli lang naman namin napag-usapan is ipu-push back lang siya to next year.
Kasi dapat eere kami ng October pero hindi rin namin kaya at ayaw ko rin naman magkaroon for airing, nag-decide na rin kami na next year na lang siya ipalabas para matutukan ng husto.
Kasi hindi ko rin kayang gumawa ng dalawang TV shows at the same time (Master Chef ang isa pa niyang show).
Tapos may movie pa.
‘Yung Master Chef ilalabas ngayong November 12.
So, sabi ko kung Master Chef, e, ‘di ‘yun muna.
Para sa akin, ngayon lang ako ulit babalik sa soap, siyempre gusto mong karerin.
Ayaw mo namang magbigay ng half-baked na trabaho. Ako naman ang mapapahamak.
B: Ano’ng reaction niya sa pagpasok ni Jericho Rosales sa teleserye niya? 
JAS: Okey lang. Wala namang problema sa akin. Sinabi naman nila sa akin ‘yon.
Wala naman kaming problema ni Echo. Kumbaga, napakahusay na artista ni Echo.
Nagkasama kami noon sa Esperanza.
At magkaibigan kami and siguro kung may panahon para magsama kami na mag-partner, ito na siguro kasi pareho na kaming nag-mature bilang mga artista and wala naman kaming mga kalabtim ngayon.
Unlike before na talagang kilala kami sa loveteam.
B: Speaking of loveteam, may chance ba na magtambal ulit sila ni Piolo Pascual pagkatapos ng pagkikita nila sa isang advertising event ng ABS-CBN?
JAS: Huwag na nating pag-usapan ‘yan.
Wala nang ibang napapag-usapan kundi ‘yun at ‘yun na lang.
Wala naman akong nababago sa sagot ko, ‘di ba? Unang-una, hindi naman siya part ng pelikula.
Pangalawa, a project? It won’t happen, this time.
B: Naiinis ba siya na kung anu-anong speculations agad ang naglabasan pagkatapos ng pagkikita nila sa nabanggit na event? 
JAS: Hindi ako naiinis pero naiintindihan ko rin naman ‘yon.
Pero bilang artista nakakahiya naman sa mga kapareha ko dito sa pelikula.
Kung siya rin at siya, si PJ, sabihin natin ang pangalan. Baka sabihin ng mga tao kapag binasa ‘to ayaw banggitin.
Nakakahiya lang na sa bawat proyekto na ginagawa ko palaging siya ang napapag-usapan.
I’m sure may sarili rin naman siyang project.
Kung  mangyayari, mangyayari. Hintayin na lang natin.
Then, kapag nangyari saka natin pag-usapan.