@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, March 9, 2010

How Judy Ann Santos Has Warded Off Post-Wedding Weight Gain


How Judy Ann Santos Has Warded Off Post-Wedding Weight Gain

The top actress, chef and Women's Health cover girl reveals the diet and fitness tips that work for her.

FN juday lr_1.jpgIn the March 2010 issue of Women’s Health, Judy Ann Santos,almost a year after marrying Ryan Agoncillo, reveals some diet and fitness secrets that have helped her maintain her figure and buck the plus-poundage perils of wedded bliss.

For starters, she runs around her village with her adopted daughter Yohan regularly. “It’s bonding time for us,” she says, and it gives her “time to think. Kahit na 10 minutes lang, meron kang time for yourself.” Her body has been accustomed to her mini-workouts, no matter how tired she is. “Hinahanap ng katawan ko na lagi akong may ginagawa,” she says. This gym-hater prefers sweating it out in the outdoors. “Hindi ako puwedeng mag-jog in place,” she reveals, saying she needs to feel the sun, the wind and the environment. ”Gusto ko nakikita ko ang mga aso, ang mga tao, ang anak ko. Gusto ko may nararating ako pag tumatakbo ako.”

Pork and beef
have also been scrapped off this culinary school graduate’s menu, and she sticks to chicken and fish. She also swears by the South Beach diet, which she says also gives her a sense of discipline and control, making it easier for her to ward off tempting treats around her. “Maymotivation ako na if I finish this 14-day plan, I know I will lose weight. Alam kong masusuot ko na ulit ang mga dresses kong size zero.” Some of the favorite South Beach-friendly fare that she likes to make for both her and Ryan: Egg-white omelettes with three cheeses and onions and grilled Kobe beef with string beansand garlic in sesame oil. More of her diet and fitness tips:

1. Drink eight glasses of water a day, a trick she learned from Ryan. “Bring a 1.5 liter bottle of mineral water with you and try to finish it. Kahit hanggang madaling araw, up ka kasi hydrated ka.”

2. Try to eat veggies as much as possible. “Kahit salad o pumapak ka ng pipino na may suka. Basta make it a point na may veggies ka sa diet mo kasi fiber ‘yon eh. ‘Yun ang magki-cleanse sa ‘yo.”

3. Find healthy substitutes. “Kunwari manonood ka ng sine. Imbes na soda at popcorn ang ngangatain mo, pick up a smoothie na nandu’n na lahat. May wheatgrass, may soy milk, kahit may kaunting sugar, okay lang. Busog ka na, alam mo pang healthy ang kinain mo.”

4. Take a walk. “Kung hindi kayo fan ng exercise, kahit walking na lang. Don’t take the elevator anymore.Kung second or third floor lang naman ang pupuntahan, take the stairs. Para kahit paano may gumagana sa katawan mo.”

5. Check the label. “Huwag masyado nagpapaniwala sa mga ‘no trans-fat.’ Basta processed, there is always something in it you don’t want. Basta kakayanin, always choose fresh.”

6. Reward yourself. “Once in a while, have a chocolate bar, a glass of wine, a bottle of beer. Basta hindi mo pakiramdam na parusa sa ‘yo ang kinakain mo.”



Glitter Text Generator

Monday, March 8, 2010

Judy Ann 'di nagmamadali sa pagbubuntis



Very intimate lang ang ginanap na presscon ng Talentadong Pinoy last Monday at the Cravings at the Shangri-La Plaza Mall. Siyempre, present ang host nitong si Ryan Agoncillo and talent scouts-directors Joey Reyes and Audie Gemora.

Bagama’t katatapos lang ng kanilang Battle of the Champions noong Sabado, the country’s No. 1 talent search on TV is gearing up for bigger surprises.

Pero siyempre, nothing can be more surprising than the news about Ryan’s wife Judy Ann San tos’s family already heavy with their child. Ngayong buwan nakatakdang i-release ang result ng mga tests on Juday, who still maintains that there’s no rush para mabuntis dahil isang taon pa lang naman daw silang kasal ni Ryan.

Samantala, dali-daling umalis si Juday sa Gawad Parangal held at the La Consolacion College recently dahil isinugod daw ang anak nilang si Johann sa ospital.



Glitter Text Generator

Pumirma na rin ng non-exclusive contract sa TV5 si Ryan Agoncillo


by Nitz Miralles
Monday, 08 March 2010 18:04
Pumirma na rin ng non-exclusive contract sa TV5 si Ryan Agoncillo last Friday at nakalagay sa kontrata na papayagan paryan-agoncillo rin siyang lumabas sa Eat Bulaga at sa projects na kasama niya si Judy Ann Santos sa TV o movies.

Kinailangan nang pumirma ng kontrata sa TV5 ni Ryan dahil palalakihin na ang Talentadong Pinoy, gagawin ng Saturday at Sunday, katapat ng Pilipinas Got Talent! ng ABS-CBN.

Bukod dito, may two to three shows pa siyang gagawin sa network.

’Wag na raw tanungin si Ryan ng talent fee, basta hindi nakipagtawaran ang kampo niya sa talent fee sa negosasyon.

Sinuklian daw ng TV5 ang risk ni Ryan nang tanggaping i-host ang Talentadong Pinoy na hindi sigurado kung magki-klik sa viewers o hindi.

Glitter Text Generator

Juday, nahihirapan sa sitwasyon niya ngayon

Juday, nahihirapan sa sitwasyon niya ngayon


“Maghintay,” ang pahayag ni Judy Ann Santos sa mga nagtatanong kung tala gang buntis na siya, na siyang bulung-bulungan sa ngayon sa showbiz.
Nu’ng makatsikahan namin sandali ang Drama Queen ng ABS CBN 2 matapos siyang mag-judge sa Talentadong Pinoy last Saturday sa Cuneta Astrodome, panay ang ulit niyang ‘pa-wait na lang po’ na ang ibig sabihin ay abangan nga ang kanyang magiging statement sa tsismis na buntis na siya ngayon.

Kung tutuusin, nu’ng mga oras na katsikahan namin siya ay puwede na niyang i- deny o kumpirmahin ang tsismis, pero sabi nga, sila man daw ni Ryan Agoncillo ay naghihintay rin sa kung ano na ba talaga ang sitwasyon niya ngayon.

Sabi nga ni Juday, mas magandang manahimik na lang muna sila ngayon ni Ryan.

“Kasi paulit-ulit na lang. Kasi sabi naman namin, sasabihin naman namin. Hindi naman namin itatago. Kaya wait na lang, ‘yun muna ang masasabi ko. Wait na lang po from us, dahil sasabihin din naman namin sa inyong lahat,” nakangiting pahayag ni Juday.

Inamin ni Juday na nahihirapan din siya sa sitwasyon niya ngayon, dahil alam niyang marami ang naga-abang sa kanyang pagbubuntis.

“Hindi ako mag di-deny at hindi ako magku-confirm. Kasi nga, ang hirap ‘di ba? Wait na lang for the right time, pag nakakuha na kami ng tamang resulta. Kasi wala pa talaga akong masasabi ngayon. Sasabihin naman namin kung meron,” patuloy na lahad pa ni Juday.
Anyway, maging ang bestfriend niyang si Gla dys Reyes ay nadadawit din sa isyu na siya raw nagpa*kalat ng isyung buntis siya sa Twitter account at Facebook account nito.

“Wala siyang sinasabi sa akin. Wala siyang Twitter. Meron siyang Facebook, pero wala naman siyang sinasabi doon. So, sana huwag na lang gamitin ang ibang tao. Magku-confirm naman kami at sa sabihin naman na min kung ano ang totoo,” natatawa pa ring pahayag ni Juday.

Well, sa halip na maapektuhan ay tinatawa nan na lang ni Juday ang isyung buntis siya. Mabuti na lang daw at sanay na siya sa ganyang isyu kaya ipinagkikibit- balikat na lang niya ito.

Ang kinumpirma lang ni Juday ay ang bakasyon nila ni Ryan sa susunod na buwan. Ang nasabing bakasyon ay isasabay na rin daw sa kanilang first wedding anniversary at honeymoon na rin.

Isa raw sa kinukunsidera nilang puntahan ay ang Europe, pero hindi pa raw sigurado.

Siyanga pala, anim na shooting days na lang ang bubunuin ni Juday para sa pagtatapos ng pelikula nila ni Sarah Geronimo, ang Hating Kapatid. Tuloy parin daw ang career niya sa ABS-CBN dahil may mga tapings pa siya para sa kanyang serye na Habang May Buhay.

Sa totoo lang, tumaba ng konti si Juday ngayon, kaya kung titingnan mo siya, mukhang totoo ngang buntis na siya. Pero hirit niya, nakabakasyon daw siya ngayon at magana raw siyang kUMAIN.




Glitter Text Generator

Ryan, excited nang maging ama


Ryan, excited nang maging ama
Allan Diones

SANDAMUKAL na ang nanghihingi ng kumpirmasyon sa pagbubuntis ni Judy Ann Santos kaya diretso naming itinanong ‘yon kay Ryan Agoncillo nang makausap namin siya kahapon sa presscon ng TV5 para sa bagong season ng Talentadong Pinoy.
“You know guys, as with anything with our lives, hindi naman namin ipagdaramot,eh. But at this point kasi, hangga’t hindi pa namin lubusang nako-confirm, we need some more confirmations.
“When the time comes, we will share it to you. We will share it with you guys once we have that solid confirmation. Kasi, ayaw naman naming maudlot,” paha­yag ni Ryan.
Ngayong Marso ba magaganap ang announcement na ‘yon?
“I wouldn’t know, but you’ll know. As soon as we get confrmation,” sey pa ng mister ni Juday.
Nagbabalak silang magbiyahe sa Europa sa birthday nila at first wedding anniversary (sa Abril hanggang Mayo). Matutuloy pa ba ang lakad na ‘yon ‘pag nakumpirma nilang buntis na si Juday?
“Iyun nga eh, it will depend on the OB Gyne. ‘Yung doktor ang magsasabi. The OB will be the one to say kung puwedeng mag-travel o hindi (si Juday).”
Ayaw sabihin ni Ryan kung anong mga napapansin niyang pagbabago kay Juday at kung may pinag lilihian na ba ito. Basta, ‘pag confirmed na raw ang lahat ay ipagsisigawan pa niya ito sa publiko.
“Sa ngayon, huwag na muna. Tama na muna ‘yung mga ibang tanong. Pagbigyan n’yo na lang muna kami,” napapangiting dayalog pa ni Ryan, na sobrang excited nang maging ama.
Meron na silang naisip na ipapangalan sa magiging baby nila ni Juday. May nakahanda na silang name, babae man o lalaki ang lumabas.
Pag sure na sure na ang lahat ay malamang magpa-party si Ryan.
Mas gusto niya bang magpahinga muna na pagtatrabaho si Juday para na rin sa magiging baby nila?
“Kung ako lang ‘yung masusunod, marami akong naiisip na dapat niyang gawin. Pero hindi ganu’n ‘yung buhay namin, eh. We both make decisions. 50-50 kami sa decisions. And she’s made commitments.
“Pero late last year, sinabi na niya sa akin na she wants to slow down. So sabi ko, it’s up to you. Depende ‘yon sa mga commitment niya, eh.
“Hindi ako privy sa work sked niya, eh. So, hindi ko alam ‘yung load niya ng trabaho.
“But, sinabi ko sa kanya na, ‘I’ll make sure na when the time comes that you want to slow down, eh okey tayo. Hindi tayo aalug-alog.’”

Buntis man o hindi si Juday ay nakatakdang gawin ng mag-asawa ang movie project na Peñafrancia sa Unitel Pictures na ididirek ni Marilou Diaz-Abaya.
Light lang ang sked nilang dalawa rito at alam na ni Direk Mari lou ang gagawin sa anumang puwedeng maging sitwasyon ni Juday.
Kung siya ang papipiliin, ano ang gusto niyang maging talent ng anak nila ni Juday?
“Well, si Yohan (adopted daughter nila), madrama siya tulad ng nanay at madaldal siya tulad ko. So, ‘yung susunod namin, siguro bahala na. Basta magaling siya sa kung anumang piliin niyang gawin.”
***
Miscommunication lang pala ang nangyari kamakailan nang ma-tense-tense silang mag-asawa dahil kay Yohan. Noon daw kasi ay na-rush na ito sa ospital dahil sa kombulsyon.
This time ay nagkaroon ng miscomunication si Juday at ang yaya ni Yohan. Nang tumawag kasi ang yaya ay sinabi nitong na nginginig si Yohan.
Akala nila ay nagtsi-chills na, pero 38.8 lang pala ang lagnat ng bagets. Pagkauwi ni Ryan mula Eat Bulaga para dalhin si Yohan sa ospital ay wala na itong lagnat.
Pina-test na rin nila ito sa ospital, pero negative ang blood tests. May viral thing lang daw itong nasagap na normal sa mga bata.
Balitang marami nang artista ang gustong lumipat sa TV5. Kailan kaya susunod sa kanya si Juday sa Singko?
“Ay, hindi ko po alam. Honestly, hindi ko alam. Kasi, hindi kami ganu’n mag-discuss, eh,” sambit ni Ryan, na very happy sa kanyang ta lent show sa TV5 na Talentadong Pinoy na magiging Sabado’t Linggo na sa pagsisimula ng ikapitong season nito sa Marso 13.




Glitter Text Generator

Ryan confirms Judy Ann’s pregnancy!

Ryan confirms Judy Ann’s pregnancy!
by: Edgar O. Cruz | STIR Editor in Chief
9 Mar 2010 | 10:48 AM

ryan agoncilloIn the “Talentadong Pinoy” media huddle last Monday, Ryan Agoncillo confirmed the STIR buzz Judy Ann Santos is pregnant but is waiting for the results of lab tests to confirm it!

Even Alfie Lorenzo, Judy Ann’s long-time business manager, says the same: Judy Ann is waiting her pregnancy report.

However, Noel Ferrer, Ryan Agoncillo’s business manager, keeps his silence about the issue.

Same with director Wenn Deramas, her “Hating-Kapatid” director. When asked about it, he answered: “No comment.” Don’t bother asking co-starrer, Sarah Geronimo. You know too well she’s a goody-goody girl!

Judy Ann had asked people she’s working with not to talk about her present physical condition. If she was successful in doing that with her wedding to Ryan, she’s doing a repeat. It seems to have become a habit, forgetting conveniently that the public has the right to know.

One thing is sure with these informations. Judy Ann’s menstrual period is delayed, giving a strong indication she is pregnant. To be sure, wife and husband did the correct thing: Have a series of pregnancy tests!

Judy Ann is shooting “Hating-Kapatid” continuously, having promised to finish by a certain date. Instead of the US, Judy Ann & Ryan changed honeymoon plans by going to Europe. They are planning two weeks in Tuscany, Italy and another two weeks in Santorini, Greece. But Ryan says this depends on Judy Ann, hinting of her physical condition.

Sunday, March 7, 2010

Judai as the Cover for the March issue of Women's Health Mag.

Juday, tahimik sa pagbubuntis



Juday, tahimik sa pagbubuntis

Abu Tilamzik
NAGPAUNLAK si Judy Ann Santos ng maikling interview kay Butch Francisco sa Gawad Parangal sa veteran stars nu’ng Biyernes sa La Consolacion College pero wala pa rin itong tiyak na sagot tungkol sa isyung pagbubuntis.
“I am so happy na marami ang nag-aabang, maraming nagti-text, maraming masaya for us pero gaya ng sabi ko, sasa bihin naman namin.
“Hindi kami kaila ngang mag-pressure sa mga sagot. We will tell the news if it’s really true and we will tell if it’s not, but for now, we’re just wai ting for the right answer.
“Kasi ngayon, wala kaming maisagot, eh. So hintay, naghihintay lang din kami,” sabi ni Juday.
Wala pa raw check-up.
“It will happen last week of March. Malalaman namin kung ano nga ba. So, ngayon, wala pa naman,” patuloy ng aktres.
“Wala pa naman kaming one year na kasal, eh. I guess, tama lang ‘yung timing saka-sakaling mabuo.
“Ibig sabihin, binigyan kami ng tamang oras ng Diyos na ma-enjoy namin ‘yung moment namin as new parents,” dagdag na pahayag ni Juday.
Ang pagkakaalam namin, bago matapos ang buwang ito ay magbibigay na ng announcement ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann.
Sinadya namin si Ryan sa Eat Bulaga nu’ng Sabado at tumanggi muna itong magsalita.
“Wala pa naman, eh. Kapag sure na talaga, sa sabihin ko naman sa inyo,” sagot ni Ryan.
Naramdaman naming alam na ng ilang kasamahan ni Ryan sa Eat Bu laga, pero tahimik silang lahat at hinihintay na lang nilang manggagaling na mismo sa mag-asawa ang announcement.
Siyanga pala, doon sa Gawad Parangal para sa mga beteranong artista na dinaluhan ni Juday, naikuwento ni Butch na hindi raw ito natapos ng aktres dahil kailangan daw nitong umalis para umuwi.
Nakatanggap daw ito ng tawag na isinugod sa hospital si Yohan pero wala kaming alam kung napaano ang bata.
Tinanong namin ito kay Ryan, okay naman daw si Yohan. Hindi na niya ikinuwento sa amin kung ano ang nangyari.

Judy Ann Santos: The Face of Soap Opera!

Hindi nakakapagsinungaling ang mga litrato!

Hindi nakakapagsinungaling ang mga litrato!

Hanggang ngayon, e,hindi pa rin nagko-confirm or nagde-deny sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo kung magkaka-baby na sila or hindi pa.

Buntis nga ba si Juday o hindi? Silipin natin sa mga litrato. Sabi nga, pictures don’t lie kaya Juday, don’t tell a lie, ‘wag mag-deny…aminin!!!

link to the photos here......

Judy Ann Santos neither confirms nor denies that she's pregnant

Just click on the image to zoom it up.....



At the Habang May Buhay Press Conference

Hating Kapatid behind the scenes....

Hating Kapatid behind the scenes....(thanks to sarah geronimo.ph)













Sun cellular TVC

Judy Ann in Talentadong Pinoy Finals.....tummy touch from Daddy Ryan!

Judy Ann in Talentadong Pinoy Finals.....tummy touch from Daddy Ryan!


Tidbit news on Judy Ann Santos

Ruffa, pregnant Judy Ann appear on TV5

Ruffa Gutierrez makes her first appearance on TV 5 as a judge in the First Talentadong Pinoy Battle of the Champions to be held live tonight at 7:30 p. m. at the Cuneta Astrodome. With her to act as talent scouts who'll choose the winners are Judy Ann Santos (wife of host Ryan Agoncillo in her first public appearance since her pregnancy), Joey de Leon, Alessandra de Rossi, Audie Gemora, and Director Joey Reyes. There are eight competitors: Far East Acrobatic Family, Wan Lu the Puppeteer, Joshua The Yoyo Tricker, The Tribal Dancers, singer Leah Patricio, Omar the Ladder Balancer, Ferdinang Clemente or Makata-tawanan, and a wildcard challenger chosen in the show's comeback episodes. The grand prize winner will be called the First Ultimate Talentado to win P1 million cash.



****Snitched******

Spring Films is set to do three movies this year - one of which will be for the Metro Manila Film Festival this December. Friends with Juday

Bernal, who is a close friend of couple Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos, was also asked on the current health condition of Judy Ann.

"Nagkikita naman kami and okay naman sya. Nakakausap ko din si Ryan, magana naman syang kumain sya," she kids.

Bernal added: "Gustong gusto kong mabuntis si Juday. Ayokong i-pressure sya na mabuntis or something."

She also said that knowing Judy Ann, she will definitely just ignore the buzz right now.

"Kilala ko si Juday na hindi papatol sya sa mga issues. I-eenjoy na lang nya kung ano yun," Bernal said.

"Napaka-focused nya sa ngayon, sa lahat ng pwedeng mangyari this year and ang aim nya ngayon eh wag ma-stress," the director added.



===========================

ABS-CBN.com previously reported how Judy Ann admires Sarah for the latter's humility despite her fame. Sarah told ABS-CBN.com that she feels shy whenever she is on the set with the Queen of Teleserye. " Oo nga, e, sobra akong mahiyain, ito bume-bwelo bwelo na ako nakaka-nine or eight days na kami." She and Judy Ann have also been getting to the chance to bond with each other while on the set. " Unti-unti nasisimulan ko na, diesel nga daw ako, e, matagal uminit kung baga. Hopefully [maging close kami]. si Ate Judai naman napakasarap kasama, e, makikita mo yung sincerity niya at yung warmth niya bilang isang tao."

Sarah admires Judai's talent and is inspired to give her best for the movie to be on par with the actress. " Hindi ko ide-deny na may pressure, siyempre unang una sa lahat katrabaho mo si Ms. Judy Ann Santos. Pero ako naman po sa lahat ng trabaho na ginagawa ko lalo na yung pelikula [ginagawa ko ang best ko.] Nagkataon lang po na yung mga binibigay sa akin na role, kung baga kapareho [lang ng personality ko] or madaming similarities sa role ko kung baga hindi ganun ka-complex yung role na ipinagkakatiwala sa akin, kaya hindi po ako masyadong nagpapadala sa pressure."

"Bagets" (Filipino slang meaning a young person) is Judai's term of endearment for Sarah. " Siyempre kasi siguro mag-ate kami sa pelikula, saka bilib po ako talaga sa kabutihan ni Ate Judai. Napaka-bait na tao, napaka-down-to-earth, nagulat po ako, na-witness ko yan kung gaano siya kabait sa set."

Sarah has been enjoying doing every scene and is looking forward to the heavy drama part. " Lahat naman ng mga eksena namin talagang aabangan mo, talagang makaka-relate ang mga mag-ate, yung isang buong pamilya. Pero wala pa kasi kami dun sa part na yung heavy drama. Abangan niyo po yan."


==========================



Judy Ann Santos, Butch Francisco lead presentation of Gawad Parangal for senior Filipina actresses

Judy Ann Santos

Author: Crispina Martinez-Belen

Judy Ann Santos

Multi-awardee Judy Ann Santos, representing today's superstars, andButch Francisco, film critic and co-host of "Star Talk," will lead the presentation of the prestigious Gawad Parangal, honoring senior female luminaries in Philippine cinema which will be held on March 5 at the La Consolacion College Manila.

The Gawad Parangal sa mga Ginintuang Bituin ng Pelikulang Pilipino is a special feature of the International Women's Month celebration this month.

Butch Francisco will emcee the awards presentation honoring Mila del Sol, Anita Linda, Lilia Dizon, Mona Lisa, Virginia Montes, Fely Vallejo, Delia Razon, Rosa Rosal, Noram Vales, Linda Estrella, Tessie Agana, Lolita Rodriguez, Gloria Romero, Sylvia la Torre, Rosita Noble, Marlene Dauden, Perla Bautista, Gloria Sevilla, Letty Alonzo, Emma Alegre, and Caridad Sanchez.

Signifying her acknowledgement of the enduring legacy the older luminaries are bequeathing, Judy Ann Santos will be personally handing the Gawad trophies to each of the honorees. The awardees, living legends of Philippine cinema "contributed greatly to the golden age of Philippine cinema and they also epitomize values such as dedication, discipline, excellence, and professional integrity." They are being extolled for being models and exemplars for the new generation to emulate.

National Artist for Cinema and Broadcast Arts Eddie Romero, Marichu Maceda whose family owned Sampaguita Pictures and NCCA Executive Director Cecille Guidote-Alvarez, also a National Artist, have been invited to give messages as special guests of honor.

The Gawad Parangal sa mga Ginintuang Bituin ng Pelikulang Pilipino is spearheaded by LCCM president Sr. Imelda Mora, O.S.A., and LCCM Family Council head Atty. Lynn Moreno with the support of the college's Mass Communication Department and the Centre for Theatre Education and Training to likewise serve as the school year's culminating event.

===========



Hating-Kapatid’s casting coup

Hating-Kapatid, Viva Films’ much-awaited full-length feature, brings two of the country’s superstars, Teleserye Queen Judy Ann Santos and Pop Princess Sarah Geronimo, in a major movie project considered a casting coup!

Viva Big Boss Vic del Rosario is mighty proud of this project of a lifetime. He said, “This is the first time that Juday and Sarah will be seen in one movie. That is a casting coup in itself. But other than the two of them, we also enlisted veteran actress Gina Pareño and young actor Luis Manzano to join the cast. This is big,” he said.

The Viva producer also made sure that the movie will have the most excellent production values. Despite the already unbeatable casting, Viva Films also tapped the tried and tested tandem of Wenn Deramas and Mel Mendoza-del Rosario to direct and write the film, respectively. The biggest movie the two have worked on was the groundbreaking Ang Tanging Ina and its sequel starring Ai Ai de las Alas.

The Judy Ann-Sarah movie, working title is Hating Kapatid, tells the story of sisters Rica and Cecilia who love each other so much that they are willing to sacrifice even their personal happiness to keep intact the bond that they share.

A romance-comedy, the movie will make viewers laugh, cry, think, wish to fall and stay, in love and realize that family members should be friends, too. Both actresses will showcase their outstanding comedic talents as well as their abilities to make people cry in this unique movie.

But the Judy Ann-Sarah ticket is not the only tandem that people await in their movie. For the first time, and hot in the heels of his critically-acclaimed performance in In My Life, Luis Manzano will play Sarah’s love interest. Also in the cast of the Judy Ann-Sarah movie is the comedian of the hour, Vice Ganda and actress par excellence Gina Pareño.

BREAKING BUZZ: Judy Ann is pregnant with Ryan Agoncillo’s baby! Gina is nominated for Best Actress in the Urian Awards to be given out on April 22!

Juday no pressure to get pregnant

Juday no pressure to get pregnant

Author: Glaiza Jarloc
Column: Manila, Glaiza Jarloc, Entertainment

THE face of ABS-CBN's 60 years of Soap Opera Judy Ann Santos finally answered question about her rumored pregnancy.

In a television interview of Juday during the "Gawad Parangal ng Urian" aired over showbiz program "Startalk," the actress said she's happy that many people are waiting for the good news to come true.

"I am so happy na marami ang nag-aabang. Marami ang nagte-text, marami ang masaya for us. Pero gaya nga ng sinabi ko, sasabihin naman namin (A lot of people are texting, a lot are happy for us. But just like what I've said, we will announce it)," she said.

Juday added that she and husband Ryan Agoncillo are not feeling any pressure from the news that circulated for almost two weeks already.

The "Habang May Buhay" star also said that she doesn't know yet if she's pregnant and she's set to visit the doctor for her check-up on last week of March.

She added that they are still in the early year of their marriage.

Juday and hubby Ryan are set to have their second honeymoon this April after she finishes shooting her movie with Sarah Geronimo and Luis Manzano.

In an earlier interview with her, the actress told Sun.Star that they are planning to do a Mediterranean cruise that will also serve as their official honeymoon.

The two were married in a private ceremony last April 28 in San Juan Nepomuceno Church in San Juan, Batangas.

Judy Ann Santos neither confirms nor denies that she's pregnant

Judy Ann Santos neither confirms nor denies that she's pregnant

"I am so happy na marami ang nag-aabang. Marami ang nagte-text. Marami ang masaya for us.  Pero gaya nga ng sinabi ko, sasabihin naman namin. Hindi naman kami kailangang ma-pressure sa mga sagot, di ba?" said Juday.

Author: Rose Garcia

Na-corner ng host ng Startalk na si Butch Francisco ang aktres na si Judy Ann Santos sa ginanap na Gawad Parangal ng Urian. Ito ay may kaugnay sa balitang nagdadalang-tao na raw ito.

Simula nang pumutok ang balitang buntis na raw si Juday, hindi pa ito nagsasalita o nagbibigay ng anumang kumpirmasyon kung totoo ba ito o hindi.

So, totoo ba ang balita, ang unang tanong ni Butch.

"Na ano? Ha ha ha!" ang sagot naman ni Juday.

Na ikaw ay nagdadalang-tao na?

"I am so happy na marami ang nag-aabang. Marami ang nagte-text. Marami ang masaya for us. Pero gaya nga ng sinabi ko, sasabihin naman namin. Hindi naman kami kailangang ma-pressure sa mga sagot, di ba?"

Tinanong din ni Butch kung nagpa-check na ba ito at kung ano ang naging resulta?

"Wala pa... wala pa kaming checkup. It will happen like last week of March."

Hindi naman sila naiinip?

"Hindi... kasi wala pa naman din kaming one year na kasal, e. I guess, tama lang din naman ang timing kung saka-sakali nga na mabuo. Ibig sabihin, binigyan kami ng Diyos ng tamang oras para ma-enjoy namin ang moments namin as newlywed."

Kinailangan agad umalis ni Juday nang makatanggap ng impormasyon na isinugod sa ospital ang adopted daughter niya na si Yohan.

Judy Ann Santos, Butch Francisco lead presentation of Gawad Parangal for senior Filipina actresses


Judy Ann Santos, Butch Francisco lead presentation of Gawad Parangal for senior Filipina actresses


By CRISPINA MARTINEZ-BELEN
March 3, 2010, 3:39pm



Multi-awardee Judy Ann Santos, representing today’s superstars, and Butch Francisco, film critic and co-host of “Star Talk,” will lead the presentation of the prestigious Gawad Parangal, honoring senior female luminaries in Philippine cinema which will be held on March 5 at the La Consolacion College Manila.
The Gawad Parangal sa mga Ginintuang Bituin ng Pelikulang Pilipino is a special feature of the International Women’s Month celebration this month.
Butch Francisco will emcee the awards presentation honoring Mila del Sol, Anita Linda, Lilia Dizon, Mona Lisa, Virginia Montes, Fely Vallejo, Delia Razon, Rosa Rosal, Noram Vales, Linda Estrella, Tessie Agana, Lolita Rodriguez, Gloria Romero, Sylvia la Torre, Rosita Noble, Marlene Dauden, Perla Bautista, Gloria Sevilla, Letty Alonzo, Emma Alegre, and Caridad Sanchez.
Signifying her acknowledgement of the enduring legacy the older luminaries are bequeathing, Judy Ann Santos will be personally handing the Gawad trophies to each of the honorees. The awardees, living legends of Philippine cinema “contributed greatly to the golden age of Philippine cinema and they also epitomize values such as dedication, discipline, excellence, and professional integrity.” They are being extolled for being models and exemplars for the new generation to emulate.
National Artist for Cinema and Broadcast Arts Eddie Romero, Marichu Maceda whose family owned Sampaguita Pictures and NCCA Executive Director Cecille Guidote-Alvarez, also a National Artist, have been invited to give messages as special guests of honor.
The Gawad Parangal sa mga Ginintuang Bituin ng Pelikulang Pilipino is spearheaded by LCCM president Sr. Imelda Mora, O.S.A., and LCCM Family Council head Atty. Lynn Moreno with the support of the college’s Mass Communication Department and the Centre for Theatre Education and Training to likewise serve as the school year’s culminating event.
* * *

Tuesday, March 2, 2010

Judai hurt by Jamby's comments


JUDY ANN SANTOS , IDIDIREK NI MARILOU DIAZ-ABAYA




NAKATAKDANG IDIREK SI Judy Ann Santos ng premyado at multi-awarded director na si Marilou Diaz-Abaya ngayong 2010. Presscon pa lang ng OMG! Nina Judai at Ogie Alcasid last year sa Regal ay naikuwento na niya ito sa amin, and Judy Ann was excited dahil first time niya ito to work with Direk Marilou.

Nu’ng birthday ng manager ni Judai na si Tito Alfie Lorenzo last January (weeks before siya naospital), kinumpirma ito ng beteranong manager. May working title na Ina, ang Judai-Direk Marilou film ay tipong tribute sa Our Lady of Peñafrancia, na may April target shooting at showing ng buwan ng September.

And just last Friday sa Imperial Palace, habang nagkukuwento si Tito Alfie na his health is okey at hindi siya nagkaroon ng major na karamdaman mula pa noong araw, may update chika ang manager – baka raw hindi na si Ryan Agoncillo ang makasama ni Judai sa Peñafrancia movie, dahil hindi kalakihan ang role ng leading man.

“Puwede na siguro ang ibang actors, hindi pa sure si Ryan, dahil sayang naman kung hindi full length ang role. May plano rin si Mother Lily (Monteverde) na pagsamahin sina Judai at Ryan sa Regal. Mag-uusap pa kami,” say ni Tito Alfie.

Good news ito sa solid Judai fans dahil multi-awarded director ang isang Marilou Diaz-Abaya. Isang celebration ito, kung tutuusin, dahil sa prestigious body of work ni Direk Marilou, napakasuwerte ni Judai na siya ang aktres na makakatrabaho nito, na very choosy pagdating sa pelikula.

Sinasabing si Direk Marilou ay isa sa Asia’s most important filmmakers. Ginawa niya ang award-winning films tulad ng Brutal (Amy Austria), Karnal (Charito Solis), Alyas Baby Tsina (Vilma Santos), Muro-Ami, Jose Rizal, at Bagong Buwan (all starring Cesar Montano). Mabigyan din kaya ni Direk Marilou ng best actress award si Judai?

Samantala, patuloy na rumaratsada ang Habang May Buhay teleserye ni Judai sa ABS-CBN. Nakakaloka ang confrontation scenes nina Judai at Gladys Reyes, dahil kung noong Mara Clara days eh, api-apihan si Judai, ngayon ay palaban na siya, huh!

Mahigit dalawang taon din namang hinintay ni Judai ang makabalik sa primetime block ng Kapamilya network, and worth the long wait naman for her ang Habang May Buhay dahil good ratings ang nakukuha nito, in fairness, ‘no!

Preview pictorial behind the scenes

Judy Ann shoot called off!


STIRS: Judy Ann shoot called off!


by: Edgar O. Cruz STIR Editor In Chief2 Mar 2010 09:17 AM





The shoot “Hating-Kapatid” which stars Judy Ann Santos with Sarah Geronimo which was packed up last Friday is again called off today!

Big announcement in Eat Bulaga!





MAYBE NOT THIS Saturday, pero hindi aabutin ng mid-March kung kailan may nakatakdang ianunsiyo si Ryan Agoncillo sa Eat… Bulaga! And your guess is right: nagdadalantao na nga ang maybahay niyang si Judy Ann Santos.
From an EB insider, sa programang ‘yon ito papuputukin ni Ryan, hopefully to make its ratings shoot up and at par with ABS-CBN’s Wowowee (na nahahatak ng Showtime, in fairness).
Kung tutuusin, it’s about time Judai got pregnant. Not only is she of age, pero magandang tingnan na bukod kay Yohan ay meron silang supling na maituturing ni Ryan na theirs.

Judy Ann Santos, buntis na?!


Judy Ann Santos, buntis na?!



NAPANOOD KO SA Tweetbiz ang interview nila kay Gladys Reyes na parang nagpapahiwatig na itong buntis nga si Judy Ann Santos.
Sinasabi niyang naramdaman niyang malapit nang mabuntis si Judai at binibigyan na nga raw niya ng tips ang bestfriend niya kung ano ang mabuting gawin ‘pag nagbubuntis.
Kumalat kasi ang balitang buntis na ito pero wala pa ring sagot si Judy Ann at kahit si Ryan Agoncillo. Mukhang pinaghahandaan nila ang announcement pero walang nakaalam kung totoo o hindi. Basta hintayin na lang daw dahil pinaghahandaan na nila ang announcement na ito.
Ang dinig ko nga, sa Eat… Bulaga! nila ito ia-announce kaya abangan na lang natin dahil malapit na ’yan.
Tuloy pa rin naman daw ang bakasyon nila sa Europe para sa second honeymoon na sana nila. Pero kung totoong buntis, baka hindi na itutuloy.
Ewan ko lang, ha? Basta abangan na lang natin dahil hindi naman ito itatago ng mag-asawa, at tiyak namang tuwang-tuwa pa silang ibalita ito.

60 years of Pinoy Soap Opera-Judy Ann Santos

Juday hindi pa nagsasalita tungkol sa pagbubuntis


Juday hindi pa nagsasalita tungkol sa pagbubuntis
THAT'S ENTERTAINMENT Ni Master Showman Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) Updated March 03, 2010 12:00 AM


Hindi na siguro magiging problema kung magbuntis man sina Judy Ann Santos at Regine Ve­lasquez. Matagal na itong hinihintay ni Juday, silang dalawa ni Ryan Agoncillo. Hindi nga ba’t ito ang dahilan para sa kanilang second honeymoon?

Si Regine na kapag nagbuntis ay hindi lamang ga gawa ng magandang balita kundi gagawa pa ng malaking intriga at problema. Dahil hindi pa sila nakakasal ni Ogie Alcasid.

Ang kaso hanggang sa sinusulat ito ay hindi pa nababalitang on the way na ang either of the two. Wish ko na lang na sa pagbabalik ng mag-asawang Agon cillo mula sa kanilang second honeymoon ay meron nang laman ang sinapupunan ni Juday.

Wish ko rin na maayos na nina Ogie at Songbird kung anumang problema meron sila para makasal na sila. May asawa na ang dating dyowa ni Ogie.

Monday, March 1, 2010

Regine, Judy Ann pregnant?



Mario Bautista
Monday, 01 March 2010 18:57



TEXT messages recently circulated saying two stars are pregnant: Regine Velasquez and Judy Ann Santos. Regine is not married to boyfriend Ogie Alcasid and she quickly denied this in "Showbiz Central." "How I wish it were true, pero hindi po," she said. "I can't afford to get pregnant now na kauumpisa pa lang ng bago kong TV show, 'Diva', and I still haven't finished my new movie with Aga Muhlach."As for Juday, there's no confirmation yet. But she told us when she launched her new TVC for Lactacyd recently that she and hubby Ryan Agoncillo are taking a vacation somewhere in April precisely to focus on having a baby.