@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Thursday, August 15, 2013

PINOY SOAP OPERA QUEEN JUDY ANN SANTOS, MASAYA NA NAKAPAGBAHAGI NG INSPIRASYON SA TV VIEWERS

Maligaya ang Pinoy Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos na ang consistent top-rating primetime drama series niya sa ABS-CBN na “Huwag Ka Lang Mawawala” ay hindi lamang umaliw sa mga manonood kung hindi nagsilbi ring inspirasyon sa mga kababaihang pisikal at emosyonal na naaabuso at naaapi.
“Masaya ako na sa pamamagitan ng aming show ay nagawa kong makatulong sa ibang tao, lalo na sa mga babaeng inaakalang wala silang magagawa laban sa mga mapang-abuso nilang karelasyon,” ani Judy Ann. “Nagsilbing eye-opener sa sambayanan ang ‘Huwag Ka Lang Mawawala’ tungkol sa mga tunay na isyu hinaharap ng mga inaabusong kababaihan.”
“Laking pasalamat ko talaga sa lahat ng mga manonood namin, dito sa Pilipinas at sa ibang bansa, na walang palyang sinundan ang laban ni Anessa (Judy Ann) mula sa simula. Dahil sa inyo, mas naging memorable ang aking teleserye comeback,” aniya pa.

No comments:

Post a Comment