@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, December 4, 2012

Vic Sotto ngayon lang nakakabiruan si Sen. Bong


“Palagi naman akong masaya,” natatawa pang sagot ni Vic Sotto sa mga nangungulit tungkol kay Pauleen Luna sa presscon ng Si Agimat, si Enteng Kabisote at si AKO.
“Mas masaya nga lang ako ngayon.”
Kunwari pa’y inisip kung sinu-sino ang mga dumadalaw sa kanya sa shooting ng 2012 Metro Manila Film Festival entry. Kaya nabaling agad ang usapan tungkol sa pelikula.
Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
“Agad namang akma ang unang tambalan namin ni Sen. Bong Revilla, Jr.,” balik-tanaw ni Bossing. “Higit na gamay namin ang isa’t isa ngayon, nakakapagkuwentuhan at nagbibiruan na kami sa set ngayon.”
Puring-puri ni Bossing Vic si Judy Ann Santos na first time ngayong nakasama sa Si Agimat, si Enteng Kabisote at si AKO.
Sabi pa ni Bossing, tunay na mahusay at versatile na aktres si Juday. Mahusay sa drama at very comfortable rin sa comedy. At hindi umuurong kapag sinabak sa action.
Sa kuwento ni Bossing, may hawak ding talisman (o agimat) si Juday bilang Reyna ng Kalikasan o isang engkantada.
Napansin sa mga ipinalabas na trailers na pulido ang mga special effects. Ayon kay Bossing Vic, ang mga eksenang kailangan ang FX ang una nilang kinunan.
“July pa lang, nag-shooting na kami para sa mahihirap na sequence. Mahirap kasing mag-special effects at hindi puwedeng madaliin,” sabi niya.
Very proud pa si Bossing na lahat ng gumawa ng special effects sa Si Agimat, si Enteng Kabisote at si AKO ay pawang mga Pinoy expert na sa larangang ito at tunay na world class ang mga talent.
Nagkaroon pa ng kontrobersiyal tungkol sa poster ng movie. May picture kasi sa poster ang child actress na si Ryzza Mae Dizon pero si Jillian Ward litrato lang. Tiyak nagreklamo na ang nanay ni Jillian.
Nangako naman si Bossing na aayusin niya ang pagpapalagay ng photo ni Jillian sa poster. Diretso namang sinabi niya na higit na mahaba ang role ni Ryzza Mae sa Si Agimat, si Enteng Kabisote at si AKO.

No comments:

Post a Comment