@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, December 4, 2012

VIC, happier sa piling ni PAULEEN Vic, 'di masama ang loob kay Ai Ai!


http://www.abante.com.ph/issue/dec0512/ent_jn.htm#.UL9_ZeSXKuk
Swak na swak ang working habits nina Senator Bong Revilla, Jr. at Vic Sotto, ayon sa huli, sa solo presscon niya para sa MMFF movie nila with Judy Ann Santos, ang Si Agimat, Si Enteng Kabisote, At Si Ako.

"'Yung mga kuwentuhan namin. 'Yung pagiging magkaibigan namin, mas lalong sumolid!

"Si Juday naman, matagal ko nang kaibigan. Katrabaho ko ang asawa niya, si Ryan (Agoncillo). Every now and then, I get to see her. Pero first time to work with her is a good experience. Doon ko nakita ang pagka-versatile niya as an actress.

"Puwede siya sa comedy. Puwedeng seryoso. Puwede siyang action at 'yung attitude niya sa trabaho, ang galing, dahil walang angal, kiyeme.

"Kahit pagulungin mo ng tanghaling tapat sa disyerto, wala kang maririnig na angal. Pag tinanong mo, 'Ano, Juday? Okey ka lang? 'Okey lang!' Kahit alam mong hindi! Ha! Ha! Ha! Ganoon ka-professional katrabaho si Juday!

"So it was a beautiful and happy experience. Again with Senator Bong and working for the first time with Judy Ann Santos," pagmamalaki ni Vic.

Natanong din si Bossing sa reaction niya sa hindi pagkakasali ni Ai Ai delas Alas sa movie na unang nabalita na silang tatlo ni Bong ang magsanib-puwersa ngayong filmfest.

"This year hindi puwede dahil may problema sa kontrata. I respect naman. Respetado ko naman kung anong kontrata ang pinasok niya. Mga legalities, technicalities. Nagkakaintindihan kaming dalawa. We're always in touch," paliwanag ng Eat Bulaga host.

So okey lang sila ng babe niya?
"Ha! Ha! Ha!" tugon niya.

This time, makakabanggaan niya si Ai Ai sa festival movie nito with Kris Aquino at Vice Ganda. Ano ang masasabi niya na magkalaban sila ni Ai Ai?

"Ayokong gamitin ang salitang kalaban. Kasabay. Mas mabu­ting kasabayan. Kasi isang pamilya lang naman tayo. Iisa ang mundo nating ginagalawan. Ika nga nila, maliit ang mundo. Ayoko ng kalaban!

"Maaring magkasabay ang aming pelikula pero magkakaibigan tayong lahat. So in that way, maipapakita natin sa mga tao, sa mga manonood na masaya tayo rito. Masaya tayo sa ating industriya. Magkakaibigan tayong lahat. Walang magkakaaway. Walang magkakalaban. So siguro, nga­yong taong ito, magkatapat ang pelikula namin ni Ai Ai. Siguro sa susunod na taon, magkakasama kaming muli!" katwiran ni Vic.

Paano nagpaalam sa kanya si Ai Ai?

"Si Ai Ai? Madilim noon, eh. Para akong nananaginip. Parang may white light. Ano bang pagpapaalam ang sinasabi mo? Hindi naman paalam talaga. Nagpasintabi lang siya.

"Lahat ng naging desisyon niya. Bago nya narating ang desisyon, in all fairness kay Ai Ai bilang mainam kausap, tini-text niya sa akin o itinatawag ang… 'Heto ang gagawin ko,' ganyan, ganyan.

"Sinasabi ko naman sa kanya na naiintidihan ko. Kahit anong mangyari magkaibigan tayo. Walang samaan ng loob. Hanggang ngayon we are always in touch. Nagkumustahan. 'O, shooting na kayo?
Abot ka ba? Ako patapos na, Ewan ko sa 'yo! Nag-uumpisa pa lang kayo, patapos na kami!' Ha! Ha! Ha!" tukso ni Bossing kay Ai Ai.

Naurirat din kay Bossing ang balitang bumisita raw si Pauleen Luna sa shooting niya. Eh, nang matanong si Bong sa balitang 'yon, sinabi nito na bulag siya pagdating sa ganoong sitwasyon.

"Baka naman bulag siya talaga! Ha! Ha! Ha!" sey niya.

Hindi raw niya matandaan kung dumalaw si Pauleen sa shooting dahil ayon sa komedyante, "Daming shooting, eh! 145 days! Grabe! Kung dumalaw, hindi ko matandaan?"

Pero happy ba siya ngayon? Gaano siya kasaya sa buhay pag-ibig niya?

"Ikaw ang tanungin ko? Kelan ba ako nalungkot?" balik-tanong ni Vic.

"Hindi naman ako nalulungkot, eh. Kumbaga, mas masaya lang! Kailangan parati tayong happy! Ha! Ha! Ha!

"I am always happy. I can say that I am happier! You should always be happy. Kahit anong sitwasyon ng buhay. 'Yung dumalaw, hindi ko masagot. Sa dami ng dumalaw? Hindi ganoon. Hindi maganda 'yung ganoon!" diin ni Bossing.

Anong mas masayang nasabi niya?

"Talagang mapilit ka, huh! More! More happier!" sey niya.

Kesa before?

"Happy! Hindi naman nasusukat 'yon, eh! Pag happy ka, happy ka na. I can't believe you can be happier or happiest! Ano ba talaga ang gusto mong sundutin? Ha! Ha! Ha!" dagdag pa ni Vic.

No comments:

Post a Comment