@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Thursday, August 16, 2012

Sam Milby, kabado kay Juday


http://www.balita.net.ph/2012/08/sam-milby-kabado-kay-juday/

SOBRANG nanibago si Sam Milby sa kanyang pagbabalik teleserye.
SAM MilbyIto ang tsika sa amin ng aktor nang makorner namin sa studio ng ABS CBN. Pakiramdam daw niya ay nag-uumpisa siya uli lalung-lalo na sa sobrang galing ng kanyang leading lady sa Against All Odds na si Judy Ann Santos.

“Kasi two years na since ‘yung last serye na ginawa ko, so parang nakakapanibago talaga,” sabi pa ni Sam.
Pero nai-inspire daw siya na for the first time ay napasama siya sa pang-primetime show na si Judy Ann Santos ang bida.
“Wala akong masasabi sa kanya. Sobrang galing talaga niya at bale ito na rin ang pagbabalik niya sa Primetime Bida. Napakabait pa rin niya talaga at tinutulungan niya kaming makaarte nang husto,” sey ni Sam.
Gustung-gusto ni Sam ang role niya sa Against All Odds na ayon sa kanya ay ibang-iba sa mga nauna na niyang nagampanan sa telebisyon at pelikula.
“‘Yung mga roles na ginawa ko dati always ‘yung mga romantic, ‘yung mabait, mga ganu’n, parang pang-romance lang talaga. Ang role ko dito, hindi ganu’n. Bast pang napanood ninyo ito, magugulat din kayo, parang gusto ninyong itanong kung ako ba talaga ‘yun,” natatawang pagmamalaki pa ni Sam sa papel niya sa bagong serye.
Hindi itinanggi ni Sam na kinakabahan siya everytime na kaeksena niya ang si Judy Ann, pero dahil ipinadama raw ni Juday na magkakapamilya sila, kahit papaano ay nababawasan ang kabog sa dibdib niya.
Worried na excited din si Sam ay kung ano ang magiging reaksiyon ng publiko sa pagsasama nilang ito ng young superstar sa teleserye.
“Ang kaba ko rin kasi, eh, kung tatangggapin ba o hindi ng mga tao ako bilang kasama ni Judy Ann. First time kasi namin ito at siyempre, andu’n ‘yung sobrang kaba talaga,” pailing-iling pang banggit ng aktor.
Pero malaki ang bilib ni Sam sa project nilang ito at naniniwala siya sa ganda ng istorya nito. —Jimi C. Escala

No comments:

Post a Comment