@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Wednesday, June 22, 2011

Hanep ang napiling line-up ng MMDA para sa 37th MMFF.

Sa entries na pumasok, nanguna ang Star Cinema at M-Zet at APT Films entry na Enteng ng Ina Mo with bosing Vic Sotto at Ai Ai delas Alas bilang mga bida. Last year, big winners sina Ai Ai at bosing Vic, kaya napakalaking ambisyon ang pagsamahin sila this time.

Pero hindi naman patatalo ang GMA Films at Imus Productions dahil ang record-breaking din nilang PANDAY 2 ang entry nila with Senator Bong Revilla na leading ladies sina Marian Rivera at Iza Calzado.

Nakipag-collaborate din si Kris Aquino sa Star Ci-nema at kay Dingdong Dantes sa isa na namang horror flick na Segunda Mano, habang si Robin Padilla ng RP Production, nakipag-tie up sa Star Cinema para sa Mr. Wong kasama si Angelica Panganiban.

Kung may tatlong projects ang Star Cinema, tatlo rin ang sa Regal Entertainment, na nakipag-tie up sa Cinemabuhay ng TV5 para sa drama project na Yesterday, Today and Tomorrow (Dennis Trillo in the lead), ang Hototay na bida si Ruffa Gutierrez at ang klasikong 13th edition ng Shake, Rattle and Roll.

Solong-solo ng Octoarts ang produksyon ng My Househusband na siyang magsisilbing balik-tambalan nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, na sasamahan pa ni Eugene Domi-ngo.

Well, may posible pang changes sa line-up ng stars ng mga nabanggit na pelikula, pero ang sigurado, patok na naman ang paparating na 37th MMFF.

Kaya tugang na Butch, magtipid na ha, kasi for sure ang dami nating mga inaanak na hihingi ng pambayad sa sinehan ngayong Pasko.

Hahahaha!

No comments:

Post a Comment