@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Wednesday, June 22, 2011

Balik-telebisyon na pero Judy Ann nakukulangan sa responsibilidad bilang asawa at ina

SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) Updated June 20, 2011 12:00 AM Comments (1) View comments


Nalalapit na ang pagbabalik-telebisyon ni Judy Ann Santos. Siya ang host ng Junior Master Chef Pinoy Edition na malapit nang mapanood.

Medyo kabado si Judy Ann dahil ngayon pa lamang niya mararanasang mag-host ng isang television show. Isang malaking challenge ito sa aktres dahil pagsasabayin niya ang trabaho at kanyang buhay-pamilya.

“’Yung pagiging nanay ko, hindi talaga puwedeng hindi lumabas. Sa bawat araw na nagte-tape ako ng Junior Master Chef, hindi mo siyempre maiwasan na ma-miss ang anak mo kasi almost everyday nagte-tape na rin ako. So, kapag nakakakita ako, kahit na eight months pa lang si Lucho, ng mommy and son na talagang sobrang close, may ganun kang emosyon,” pahayag ng aktres.

“Ilang months ako na nasa bahay lang. Mahirap din pala na makabalik sa trabaho ’tapos iiwan mo ’yung mga bata sa bahay. Meron kang guilt factor sa puso mo, sa dibdib mo, na parang ‘Oh my God, ano ba itong pinasok ko?’”

Ayon pa kay Juday ay mahalaga na natututukan niya ang kanyang mga anak lalo pa’t mabilis lumaki ang mga ito.

“Malaki na, gumagapang na, tumatayo na, bungisngis at saka meron na siyang attitude rin na kapag gusto, gusto. Kapag ayaw, ayaw. Ang bilis ano? Parang kailan lang buntis ako, magbi-birthday na ngayon. Happy at sad kasi biglang hinipan ng hangin na ang laki na niya.

“Kapag nagtitinginan kami ni Ryan (Agoncillo), si Yohan, big girl na,” kuwento pa ni Juday.

Minsan ay napapaisip din siya kung naga­gampanan ba niya ang papel bilang asawa kay Ryan at bilang ina sa kanyang mga anak. “Minsan, tinatanong ko pa rin, Lord nanay na ba talaga ako? Nako-cover ko ba ’yung duties ko bilang isang ina? Bilang isang asawa? Na-achieve ko ba? Ako sa sarili ko kulang, nakukulangan ako sa sarili ko sa nabibigay kong atensiyon,” pagtatapat ng young superstar.

Nagpapasalamat naman si Juday sa lahat ng suportang ibinibigay ng mister sa kanya at sa buong pamilya.

“He is very busy lalo na ngayon but he makes it a point to be home. He makes it a point na makabawi sa mga bagets and he’s a good dad, he’s a really good dad and understanding husband.

“I’m sure napakaraming babaeng naiinggit sa akin ngayon dahil nasa isang posisyon akong maayos at palagi kong sinasabi na hindi ako nagkamali sa paghihintay ng tamang tao. Hindi lang ’yung taong paliligayahin ka, susuportahan ka pa sa lahat,” sabi ni Juday.


Source:

No comments:

Post a Comment