@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Wednesday, September 25, 2013

Judy Ann Santos will host ABS-CBN's version of American game show Bet On Your Baby


[x]
After starring in Huwag Ka Lang Mawawala, Judy Ann Santos reveals: "Hanggang ngayon kinukulit pa rin kami [ng fans] for a book two or for a movie." This time, she will host a game show for the first time through Bet On Your Baby, ABS-CBN's version of the American game show.
PHOTO: COURTESY OF ABS-CBN

Noong September 11, tinapos ni Judy Ann Santos ang speculations tungkol sa kanyang paglipat nang pumirma siya ng two-year contract with ABS-CBN. 

(Read: Judy Ann Santos remains a Kapamilya; signs two-year contract)

Isa sa unang gagawin ni Judy Ann Santos para sa ABS-CBN ay ang pagiging host ng Bet On Your Baby kunsaan mga bata at mga magulang nila ang mga contestants. 

“Gaano mo kakilala ang iyong baby?” ang tanong ni Juday (palayaw ni Judy Ann) sa teasers ng Bet On Your Baby na naka-upload sa YouTube. Sa naturang franchise ng American game show, makikita na pagkakataon ito ng mga magulang na ma-predict ang behaviour ng kani-kanilang mga anak. 

Excited si Judy Ann dahil bukod sa ito ang kauna-unahang game show na gagawin niya ay malapit talaga sa puso niya ang mga bata dahil isa siyang ina.
“Masaya siya, masaya siyang game show for toddlers, 2-3 ½ years old ang mga contestants tapos ang mga parents kasali din. Very educational at ang maganda kasi dun yung mga contestants na baby may trust funds silang makukuha at the end of the day. Kumbaga walang talo. Ito ay para mamulat din ang mata ng ibang young parents out there kung paano mo puwedeng i-educate ang isang bata sa loob lang ng bahay. Masaya siya, puwede ka palang gumawa ng isang game show na toddlers ang mga contestants mo…at the same time, naglalaro lang talaga sila the whole time.

Ibang-iba raw ang Bet On Your Baby kumpara sa ibang shows na na-host na dati ni Juday tulad ngJunior Masterchef Pinoy Edition at MasterChef Pinoy Edition. 

“Yes first time [ko] for a game show kaya ako kinakabahan kasi baka mauna pa akong tumili sa mga contestants,” pag-amin ni Juday. 

“Exciting, kinakabahan, nate-tense kasi di ko alam kung paano ko ba ito itawid, how will I do it, ibang-iba kasi ito sa Masterchef, e. Yung Masterchef kasi it’s all about food, ito it’s all about babies and how you deal with them. Nakakatuwa na sa akin na sa akin ibinigay yung project, I’m really looking forward to it.

“Ito yung unang in-offer sa akin, nung una pinag-iisipan ko pa kung puwede ko bang gawin, mamaya ma-DOLE [Department of Labor and Employment] ka bilang mga bata, alam mo naman sa atin strict pagdating sa mga bagets. Nung nakita ko yung peg ng show na happy ako kasi nung pinapanood ko siya nate-tense ako kung makukuha ba ni bagets yung bet ng Mommy niya. Nakakatanggal ng problema, nakakatanggal ng issue for the day kasi mga bata ang pinapanood mo.”

“Hindi puwedeng hindi ka ma-attach sa kanila kasi may cuteness overload ang mga bata at the same time ako, ako may anak din ako. Parang it’s an instant connection with kids talaga.”

JUDAY MISSES HAVING A BABY. Dahil mga toddlers ang mga contestants sa Bet On Your Baby, hindi kaya maisip ni Juday na sundan na ang biological child nila ni Ryan Agoncillo na si Lucho?

“Kahit nga wala sa paligid ang mga babies, nami-miss kong magka-baby. Napag-uusapan, if it will happen, it will happen. Ayaw naming planuhin kasi pagpinaplano mas lalong di binibigay. Pag punong-puno ka ng effort sabi ni Lord, ‘O, sobra ka ng effort, di ko papansinin.’ 

“Nung di namin pinansin saka kami nagka-baby so ngayon talagang ine-enjoy namin yung time with the kids especially now with Yohan and Lucho, sobrang best friend ang mga bagets namin. We can’t help but talk about, ‘Ano kaya ang magiging hitsura nung pangatlo kung saka-sakali?’ sa mga magulang yata palaging may ganun, ‘Ito kayang hulmahan ko maganda pa rin kung saka-sakali?’

“Masaya lang, malalaman ninyo naman yun, di ko naman maitatago yun.”

HONING THEIR KIDS' TALENTS. Sa ngayon ay kinakitaan na rin ang mga anak ng interes na pumasok ito sa showbiz. Siniguro ni Juday na hindi nila pipigilan ang dalawang anak kung magdesisyon ang mga ito na mag-artista pero sisiguraduhin nilang mag-asawa na may talentong baon ang mga anak para hindi naman ito malait ng ibang tao.

“Yes, silang dalawang magkapatid.  Mahilig silang mag-pose, mahilig si Yohan, gustong-gusto niyang bini-video ang sarili niya, gumagawa siya ng sarili niyang video. Yes, kinakabahan na ako sa kanila.

“Pinag-uusapan namin ‘yan ni Ryan, parang inevitable naman na darating ang panahon na may mag-aalok at mag-aalok.  Nakikita nila na ito ang ginagawa namin, dito kami nagtratrabaho. [Baka isipin nila] ‘bakit kami puwede, e, nandiyan nga kayo ni Daddy?’ Prine-prepare na lang namin sila ni Ryan kung ano ang puwede nilang gawin dito sa industriya, si Yohan nga she’s playing piano. Pumasok man sila dito, may bala silang talent, e, ako ang bala ko lang luha at tapang, yun lang ang bala ko dito sa industriya so yung anak namin kung sakali mang dumating sa punto na ‘yan, ayaw naming masabihan siya na, ‘Ah kaya artista kasi ang mga magulang artista.’ Siyempre bilang magulang nakakainis yun di ba? Gusto namin pag nag-artista ang mga anak namin ang sasabihin ng mga tao, ‘Ah kasi puwede.’”
Tinanong ng PEP.ph si Juday kung bukas ba siyang gumawa na ng panibagong teleserye pagkatapos mawala sa ere ang Huwag Ka Lang Mawawala. Tinanong din si Juday kung sino ba sa mga artista ng ABS-CBN ang gusto naman niyang makasama sa susunod na seryeng gagawin niya.

“Excited in a way na looking forward kung anong klaseng story ang puwede nilang ibigay sa akin because Huwag Ka Lang Mawawala is over the top. Wala akong maisip na konsepto pa sa ngayon na puwedeng humigit sa Huwag ka Lang Mawawala because it’s so perfect. From the cast, the story, the director, to everything. To the supporters na hanggang ngayon kinukulit pa rin kami for a book two or for a movie, it’s overwhelming. Ang mga tao pag gumawa ka ng teleserye they can’t help but compare so extra ingat din siguro kung ano ang story ang gagawin kasi since may advocacy kaming ginawa dito, gusto mo sa susunod na teleserye na gagawin mo, may advocacy ka pa rin.

“It depends kasi sa Huwag Ka Lang Mawawala dumepede kami sa story bago nag-cast. Mahirap magpangalan kung sino ng mga gusto kong maksama kasi baka dun umikot ang story sa cast. YungHuwag Ka Lang Mawawala kasi umikot sa istorya at hindi sa cast. Mahirap pa magsalita sa ngayon, we’ll see.”

“Wala akong nami-miss pero excited akong makatrabaho ang mga bagong artista, yung may mga potensyal. Gusto ko lang ma-experience kasi sayang naman ang youth ko kundi ko sila ma-experience.”

No comments:

Post a Comment