@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Saturday, September 14, 2013

Juday, nakakabilib ang loyalty


NATUPAD ang secret wish ko na sa ABS-CBN pa rin manatili si Juday despite ‘yung mga hindi magandang nangyari sa paligid ng teleserye niya na gawa ng mga bagong-salta at naghahari-harian at nagrereyna-reynahan sa network.

Ang mga impakto at impaktita riyan ay hindi man lang kinunsidera na almost 25 years na si Juday sa network at bukod-tangi siyang nag-aakyat ng salapi sa kaban ni Papa Gabby sa mahigit dala­wang dekada.

Kundi kay Juday, nasaan kaya ang mga impakto at impaktita na mga yan? Jobless sana till now?
Napabilib ako ni Juday sa kanyang sense of loyalty.

Hayan, Papa Gabby, nalampasan pa ni Juday ang gusto mo noon na sana ten years na ang pirmahang kontrata ni Juday para kahit wala ka na ay nandyan pa rin sa network mo si Juday.

Eh sa yearly at two years contract lang ni Juday eh nakamahigit na dalawang dekada na pala siya!
I was of the belief na pagkatapos ng sama ng loob niya sa nangyari sa kanyang Huwag Ka Lang Mawawala eh ang susunod at tum­pak na moves niya ay ang “Huwag Ka Namang A­alis” at maglilipat-network na siya.

Humingi siya sa akin ng one week vacation. Para raw makapag-isip-isip muna siya.

Nakatulong siguro ang pagkakasakit ni Ryan kaya hindi sila natuloy magpunta sa beach. At sa hospital na nakapag-isip nang tama si Juday.

In fairness to TV5 and GMA 7, no meeting was definitely set at wala kaming naindyan na lunch or dinner or any meeting.

Of course there was an invitation coming from the two networks pero wala pang napag-usapang lipatan or whatever.

Knowing MVP, possible na alukin niya si Juday ng talent fee tulad ng kay Sharon Cuneta. But Juday did not even give that a thought.

Ang nanaig sa kanya ay ang pagiging faithful sa network na kinalakihan niya.

Tulad ng ipinako ko sa kukote niya, ang pag-aartista ay similar to true life na ang mga magulang mo ang nagpalaki sa iyo, o kundi man mga tunay na magulang mo, ‘yung kinalakihan mo at nagpa-improve ng stature mo in life ang huwag mong basta tatalikuran at lalayasan.

Para na ring itinakwil mo ang sarili mong mga magulang pag ginawa ang ganoon.

And I always give her an example ng mga artistang sinikap pasikatin ng mga studio nila at basta na lang lalayasan pag hindi nasunod ang gusto nila.

Nakita ni Juday ang mga artistang lumayas at sa iba lumipat na walang nangyari sa mga career nila.
Basta na lang sila lumubog sa putik ng pagkalaos dahil sa kawalang utang na loob nila.

Hindi gustong mangyari ni Juday ‘yun sa kanya. Kahit na may mga sama siya ng loob ay ganoon din ang nangyayari sa tunay na pamilya, may mga tampuhang nagaganap pero in the end ay nagkakasundo pa rin.

Nagkakapatawaran pero hindi nagkakalimutan. Forgive but never forget, ika nga.

Loyalty over mo­ney, ikanga, ang nangyari nu’ng September 11, 2013 na very memorable dahil Marcos Day, World Trade Center Day, kamatayan ni Chavez at contract renewal ni Judy Ann Santos sa network na nagpalaki sa kanya via Mara Clara and Esperanza (co-starring with the now president and CEO of ABS-CBN Madam Charo Santos)!

Inihahanda na ang susunod na project ni Juday na bagong show na Bet On Your Baby.

“Natutunan ko ang halaga ng pagle-let go ng negative vibes at pagtanggap sa realidad.

Ngayon, alam ko kung nasaan ako at ine-enjoy ko na lang ang lahat,” pahayag ni Juday, na tampok sa Showbiz Inside Report ngayong hapon sa ABS-CBN.

“May susulpot ka­sing challenges na biglang magbabago ng pagkatao mo at magbabalik rin sa iyo sa kung anong tunay na mahalaga -- ang pagmamahal at pamilya.

“Naisip ko rin kasi na kung lahat ng bagay ay seseryosohin ko at dadamdamin, dadami ang wrinkles ko.
“Sayang ang endorsements!” pabirong paliwanag pa ni Juday.

No comments:

Post a Comment