@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, December 18, 2012

Anak ni Juday, excited sa 'Agimat'

http://www.abante-tonite.com/issue/dec1912/showbiz_ad.htm#.UNIka-SXKuk

KAHIT napi-pressure ay tinatawanan na lang ni Judy Ann Santos 'yung statement niya na baka kapag hindi nanguna sa takilya ang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako sa MMFF 2012 ay siya ang sisihin.
"Eh, ako lang naman ang bago dito, 'di ba? Ha! Ha! Ha!
"I mean, syempre hindi mo naman maiaalis 'yung kaba, 'di ba? Kasi siyempre, tried and tested na talaga 'yung tandem nina Senator (Bong Revilla) at Bossing (Vic Sotto).
"So, bilang ako 'yung pinakabago rito, kung hindi man siya mag-topgrosser, malamang ako lang 'yung makikitaan ng problema.
"Pero I'm hoping and I'm praying na suportahan siya ng mga tao. Kasi, talaga namang maganda 'yung pelikula, nakakatuwa," masayang bulalas ni Juday sa presscon ng nasabing filmfest movie.
Mas ramdam ba niya ang pressure ngayon sa pelikulang ito?
"Palagi naman akong napi-pressure 'pag may pelikula akong ginagawa. Kasi syempre, may expectations ang mga tao. At syempre, hindi sa lahat ng oras, maa-achieve mo 'yon, eh. Pana-panahon din talaga.
"At saka ngayon, ang lahat ng tao, may opinyon na, eh. So, dasal na lang. 'Yun na lang talaga 'yung kakampi mo ngayon. Ha! Ha! Ha!"
Tinanong namin si Juday kung mas mapi-pressure siya dahil sa binita- wang linya ni Kris Aquino sa presscon ng Sisterakas na ang target nito ay maging #1 sa MMFF sa taong ito.
"'Yun naman ang target ng lahat, 'di ba? Ha! Ha! Ha!" tawa ng young Superstar.
"Walang masama na 'yun ang target ng lahat. 'Yun din ang target namin! Ha! Ha! Ha! So, kung mag-#1 lahat at kung magpantay-pantay sa box-office, eh 'di everybody happy! Masaya!"
Itong Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako ang first fantasy entry ni Juday sa MMFF.
Nakita na ng daughter niyang si Yohan ang trailer ng movie at excited nang manood ang bagets.
"At happy ako dahil maiintindihan na ni Yohan 'yung ginagawa ko. And at the same time, para sa mga bata talaga 'yung pelikula. Ewan ko lang kung magpapagawa siya ng costume na parang 'yung sa akin," nakangiting pakli ni Juday.
Ang bunso nila ni Ryan Agoncillo na si Lucho ay hindi pa naiintindihan ang movie, pero 'pag nakikita siya nito sa TV, ang sinasabi ng bagets ay, 'That's mommy's work!'
***
Totoo ba 'yung tsikang buntis na naman si Juday?
"Saan galing?! Ha! Ha! Ha! Hindi, malalaman n'yo naman kung buntis ako. Susmaryosep, kaila- ngan pa bang itago 'yon?
"Hindi pa po. Hindi pa. Napapag-usapan, pero hindi namin pinaplano," dayalog ni Mrs. Agoncillo.
Ang plano ni Juday sa Pasko ay magpahinga. Looking forward siya sa bonggang Noche Buena dahil Disyembre 23 na ang parada ng filmfest.
Iyung buong araw ng bisperas ng Pasko ay may mahaba siyang oras para maghanda ng Noche Buena.
"Alam mo ba, mga ilang linggo ko nang iniisip kung anong lulutuin kong Noche Buena? Sa sobrang daming pumapasok sa isip ko, hindi ko alam kung anong uunahin. Ha! Ha! Ha! Excited talaga akong magluto ng Noche Buena!"
Tsika ni Juday, kapag gabi ng bisperas ay sa kanila natutulog ang kanyang Santos family. Christmas night kasi ay may yearly thanksgiving mass sila sa bahay na invited din ang malalapit nilang kaibigan.
'Yung mga susunod na araw ay bahala na ang mga bata kung saan nila gustong pumunta.
Nagreregaluhan pa ba sila ni Ryan?
"Alam mo, wala na nga kaming maisip na puwedeng iregalo sa isa't isa. Siguro, 'pag 'yung atensyon mo nasa mga bata na, hindi mo na talaga naiisip kung ano pa ba 'yung gusto mo.
"Totoo pala 'yon, na 'pag may anak ka na, mas less na 'yung pag-iisip mo sa materyal na bagay para sa sarili mo. Although syempre, meron ka pa ring mga gustong bilhin, pero hindi 'yon 'yung top prio- rity mo.
"Nagtanungan kami nu'ng isang araw kung ano 'yung gusto naming regalo. Siya ang unang nagtanong, wala akong naisip. Normally kasi, makakasagot kaagad kami, eh. 'Yung ngayon, parang hindi ko maisip."
Eh siguro nga kasi, nasa kanila na lahat?
"Siguro, mas praktikal lang kami ngayon pagdating sa mga materyal na bagay. Kasi, parang iniisip na rin namin, 'Ito ba, in the long run, puwede ba siyang maibenta? Mag-a-appreciate ba siya o magde-depreciate? Mapapagkakitaan pa ba 'to?' Ganu'n na ang mga usapan, teh!!
"Parang nakasentro na kami ngayon sa pagbili ng mga gamit na puwede naming pagkakitaan in the long run. Siguro, may mga konting splurges lang on the side, pero hindi na kagaya 'pag single ka na, 'Go! Buy! Buy!'
"Ngayon, hindi na, 'day! Hindi na talaga puwede! Ha! Ha! Ha! Ha!" 

No comments:

Post a Comment