http://www.abante-tonite.com/issue/july1912/showbiz_ad.htm | |||||
|
|||||
Una naming napanood ang Posas (Shackled), tapos ay ang Mga Mumunting Lihim (Those Little Secrets) sa invitational screening nito sa MyCinema, Greenbelt 3 nu’ng Sabado. Gustung-gusto namin ang Mga Mumunting Lihim na film debut ni Direk Joey Reyes sa Cinemalaya. Nagsimula ang pelikula sa libing ni Mariel (Judy Ann Santos) na namatay sa sakit na pancreatic/liver cancer Apektado ng pagkamatay ni Mariel ang kanyang tatlong malalapit na kaibigan na sina Carly (Iza Calzado), Olive (Janice de Belen) at Sandy (Agot Isidro). Isang package ang iniwan ni Mariel para kay Carly. Sina Mariel at Carly ang mag-best friends at mula high school ay close na sila. Nang buksan ni Carly ang nasabing package ay medyo nagtaka siya dahil ang laman nito ay ang diaries o personal journals ni Mariel. Kahit winarningan siya nina Olive at Sandy na huwag niyang babasahin ang naturang diaries ay hindi napigilan ni Carly ang sarili na alamin ang mga isinulat ni Mariel. Tama ang babala ng dalawa dahil ang mga natuklasan ni Carly sa diaries ni Mariel ay nagpabago sa pagtingin niya sa kanyang malalapit na kaibigan. *** Inspirado ang pagkakasulat at pagkakadirehe ni Direk Joey Reyes sa kanyang first Cinemalaya entry na ayon sa kanya ay isang personal film. Alay niya ito sa kanyang dalawang malalapit na kaibigan na sina Direk Don Escudero at Direk Khryss Adalia (na kapwa namatay sa sakit na kanser). Napakasuwerte ni Direk Joey sa kanyang cast na bukod sa napakahuhusay ay hindi raw tumanggap ng bayad para sa proyektong ito.. Makukulay ang karakter ng apat na bida ng pelikula at swak na swak ang mga aktres na nagsiganap dito. Kakaiba si Juday rito dahil hindi siya ‘yung bait-baitan na karaniwan niyang ginagampanan. May pagkabida-kontrabida ang karakter niyang si Mariel na may asawa (Roeder CamaƱag) at dalawang anak, pero hindi masaya sa buhay niya. Sa simula, akala mo ay si Juday ang pinakamaiksi ang role, pero habang umuusad ang kuwento ay doon mas nabubuo ang karakter niya. Ang galing-galing ni Juday sa tender scenes niya lalo na kapag kinakausap niya ang camera. Napakaganda ng screen chemistry nilang apat at makukumbinsi kang close friends sila. Si Iza Calzado ay nagmumura ang ganda sa screen. Bigshot advertising executive ang karakter ni Iza na si Carly. Siya ang pinakamatalino sa grupo kaya siya rin ang pinakapintasera at laitera. Walang eksena rito si Iza na hindi siya maganda. *** Kwela si Janice bilang si Olive na ang asawa ay nasa Dubai. Siya ang medyo kapos sa talino sa apat na magkakaibigan pero nakakatuwa siya. Aliw ‘yung eksenang ipinakilala niya sa friends niya ang kanyang mas batang boyfriend na isang ‘up and coming actor.’ Eksenadora rin ang karakter ni Agot na si Sandra, ang pinakamayaman sa grupo dahil pumatol ito sa isang mayamang matanda na kung tawagin nila ay ‘lolo’. Ang saya nu’ng bonding moment nilang apat na nag-uusap sila tungkol sa sex, kalibugan at vibrator. Nakita namin ang mga kaibigan namin at maging ang aming sarili sa Mga Mumunting Lihim kaya ang lakas ng tama nito sa amin. Ipinakita ritong hindi ganu’n kadali ang mag-alaga ng friendship at tayong lahat ay may kani-kanyang kapintasan, kakulangan at kahinaan. Ganu’n pa man ay mananaig pa rin ang tunay at wagas na pagkakaibigan. *** Magagaling at nagningning ang apat na bida ng Mga Mumunting Lihim. Mas maganda kung mananalo silang lahat dahil sa kapuri-puri nilang ensemble performance. Kung ibababa sa Supporting Actress category sina Janice at Agot ay malakas ang laban ng dalawa, habang sina Juday at Iza ay makikipagpukpukan nang husto para sa Best Actress award ng Cinemalaya! |
Tuesday, July 24, 2012
Juday at Iza, makikipagpukpukan
:judy ann santos. judai,fans,showbiz, celebrity
AGOT ISIDRO,
IZA CALZADO,
JANICE DE BELEN,
joey reyes,
MGA MUMUNTING LIHIM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment