@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, March 20, 2011

REASON KUNG BAKIT DEADMA ANG GMMSF KAY JUDAY?



Wow, nagtataka raw ang Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation kung saan nanggaling ang anunsyo na sina Bong Revilla at Vic Sotto na ang box-office kings at si Ai Ai delas Alas na ang box-office queen. Eh sino pa ba?


Hindi pa raw sila nagbobotohan o deliberations hanggang ngayon at hindi pa raw kumpleto ang nakalap nilang box-office returns at pagkatapos ng Mahal na Araw pa lang sila maglalabas ng desisyon nila!


Anoh? Naghihintay pa sila ng mag-aareglo? Depende sa usapan? May aregluhan bang nagaganap diyan? Eh palpak naman palagi ‘yang mga favori*tism awards diyan! Industry award ba naman ‘yan at kailangang pagnasaan?


Eh ano kundi ka magkaroon ng GMMSF award, kabawasan ba ‘yun sa income ng isang artista?

Makakadagdag ba naman ng bayad sa artista per movie ‘pag nanalo riyan ng award?


Palpak awards ang dapat itawag diyan!!!


Anong kailangang pagbotohan at pagdeliberasyunan?


Ang box-office returns ay alam na kahit na ongoing pa ang festival or pagkatapos ng showing ng movie kahit na sa mga probinsya. Eh bakit aabutin pa sila ng tatlong buwan bago makapagdesisyon?


Napakadaling kumuha ng gross ng pelikula kahit na showing pa ito from Mother Lily pa lang. Sa tagal na ni Mother Lily sa showbiz, first day gross pa lang ng isang pelikula determined na niya kung magkano ang total gross na maiuuwi nito sa producer.


Eh ang mga komite ng MMFF, isang linggo pa lang binibigay na ang top-grosser awards noh! Mag-iinarte pa ang GMMSF sa bibigyan nila ng box-office king and queen awards, eh publiko na nga ang nagdesisyon sa MMFF gross ng mga pelikula.


‘Yung movies nina Bong, Vic at Ai Ai ang nanguna sa takilya -- ano, naghihintay pa ba silang makausap si Kris Aquino para may pabor na mahihingi sa kuya niyang presidente?


Tahasan kong sinasabi na palpak nga ang box-office king and queen awards na ‘yan sa GMMSF awards! Dahil ‘yung entries nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na Kasal, Kasali, Kasalo at Sakal, Sakali, Saklolo ay dalawang magkasunod na year na naging top-grossers pero never kinoronahan bilang box-office queen and king sina Juday at Ryan, o nananalo man lang ang direktor nilang si Joey Reyes ng award!


Eh bakit nga ba? Kasi, hindi nila isinasali si Juday sa pilian ng bibigyan ng awards! And why?


Kasi nu’ng sina Juday at FPJ ang kokoronahan bilang box-office queen and king para sa movie nilang blockbuster na Isusumbong Kita Sa Tatay Ko ay hindi dumalo si Juday dahil sa may taping siya.


Pinuntahan sa set si Juday at kinunan na lang ng message niya for the evening. And FPJ too refused to attend the ceremony dahil ayaw raw niya koronahan siyang box-office king na walang queen!

Pangit nga namang lilitaw onstage ‘yung nakaupo si Da King na empty seat ang katabi niya!


Aba, pinersonal na ‘yun ng GMMSF at mula noon eh disqualified na si Juday sa mga awards nila! Is that fair and square? Kung sadyang karapat-dapat sa awards, kagalit mo man o kaaway, dapat lang bigyan in the name of fairness!


That way, hindi makukuwestyon ang mga pinamumudmod na awards. Eh kasi, kabawasan nga naman ng manonood ‘yung absence ng king and queen pa mandin, debah naman?


There’s no doubt na sina Bong, Vic at Ai Ai ang true winners. ‘Pag binago pa ‘yan, lalabas lang na totoong-totoo talaga itong binabasa ninyo ngayon! Umayon man sila sa desis*yon ng publiko na una nang napabalita, sumunod lang ang GMMSF sa talagang nararapat at totoong nangyari at naganap ang sinulat kong ito!

No comments:

Post a Comment