@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, March 20, 2011

Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo answer tough questions from six-year-old daughter Yohan

Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo answer tough questions from six-year-old daughter Yohan

Ruel J. Mendoza

Sunday, March 20, 2011
11:43 AM




"Alam namin na one day, magtatanong na talaga si Yohan about sa pagkatao niya. Ayaw naming isipin niya na naging ibang tao siya sa amin. Lagi naming pinaparamdam sa kanya na special siya sa buhay naming mag-asawa," says Judy Ann Santos.




May magandang explanation nga si Judy Ann Santos-Agoncillo kung bakit hindi niya sinama ang 6-year old daughter nila ni Ryan Agoncillo na si Yohan sa launch nila bilang endorser ng Lactum 6+ Powedered Milk Drink noong nakaraang Thursday (March 17) sa 55 Events Place in Quezon City.



Sabi ni Juday na mahirap na raw na isama niya ang bata sa gano'ng klaseng event dahil baka matanong daw ito ng kung anu-ano, lalo na ang pagiging ampon nito. Gusto kasi ni Juday at ng mister niyang si Ryan na manggaling sa kanila ang katotohanan na adopted child siya.



"Hindi naman sa ayaw naming papuntahin si Yohan. Excited nga ang bagets na sumama sa akin. Pero may mga bagay-bagay na dapat ay naaayos muna namin lalo na kung tungkol sa kanya.



"Mahirap na kasi na biglang may magtanong sa kanya tungkol sa pagiging adopted niya. Hindi kaagad na maiintindihan ng bata iyon. Ayokong makaramdam siya ng kung anu-anong hindi magandang feeling dahil may nagsabi na ampon siya.



"Kami naman ni Ryan, we try our best na ma-explain sa kanya kung ano ba talaga siya sa buhay namin. Inuunti-unti namin ang pag-explain sa kanya. Hindi mo naman maaasahan na maiintindihan niya kaagad lahat ng sasabihin mo sa kanya," pahayag pa ni Juday.



CHILD'S CURIOSITY. Naikuwento nga ni Juday na nagsisimula na ngang magtanong-tanong si Yohan tungkol sa pagiging anak niya. Wala naman daw gustong itago si Juday at Ryan kay Yohan kaya may mga paraan sila para kahit paano ay maiintindihan sila ng bata.



"One time kasi nagpapa-breastfeed ako kay Lucho (ang five-month old baby boy nila ni Ryan), nagtanong si Yohan kung siya ba ay nag-breastfeed din sa akin tulad ni Lucho. Sinagot ko naman na hindi kasi malaking baby na siya noong dumating siya sa amin ni Ryan.



"Then nagtanong din siya kung lumabas din daw ba siya sa tiyan ko tulad ng kapatid niyang si Lucho. I said naman na hindi kasi big baby na siya noong naging baby namin siya ng daddy niya.



"Yung mga tanong na gano'n, alam mong parang wala lang kay Yohan. Nagtanong lang siya. Kapag sinagot mo naman, sasagot lang siya ng 'Okay!' So for a child like her parang wala lang iyon talaga, pero sa tulad namin ni Ryan, parang ang hirap sagutin. Yung hahanap ka talaga ng magandang pagkakataon para maganda ang isasagot mo sa kanya.



"Kaya nga noong natututo nang magbasa si Yohan, may mga children books kami na binibigay sa kanya tungkol sa mga adopted children. Gusto naming ma-absorb muna niya ang kalagayan ng mga gano'ng bata. Then unti-unti naming sinasabi sa kanya na, 'Alam mo anak, you're like them, too. But now you have a mommy and a daddy. And we love you very much.'



"Kaya nga hinahanda na namin ni Ryan ang sarili namin sa gano'ng situwasyon. Alam namin na one day, magtatanong na talaga si Yohan about sa pagkatao niya. Ayaw naming isipin niya na naging ibang tao siya sa amin. Lagi naming pinaparamdam sa kanya na special siya sa buhay naming mag-asawa."



ATE YOHAN
. Inamin din ni Juday na nararamdaman niya na may selos na namumuo kay Yohan dahil nga sa atensyon na binibigay kay Baby Lucho. Kaya nga hindi nila pinapabayaan nila Juday at Ryan na mawalan sila ng oras at panahon para kay Yohan.



"Bilang magulang, nararamdaman ko iyon. Hindi naman siguro mawawala iyong selos sa mga bata. Kapag na kay Lucho ako, nakikita ko na nandiyan din si Yohan. Yung parang nagpapapansin.



"Ayoko namang may mabuo siyang galit sa kapatid niya. Sinasabi ko kay Yohan na mas kailangan ng alaga ng baby brother niya kasi maliit pa ito. Gusto ko siyang maging mabait na Ate Yohan sa baby brother niya. Through that, medyo naiintindihan niya.



"Kung sino nga ang available sa amin ni Ryan, siya ang nakakasama ni Yohan. May nakalaan kaming day for her talaga para ma-feel niya na importante siya sa amin. Minsan kaming dalawa ni Yohan, mamamasyal kami sa mall para mag-shopping, para kumain or manood kami ng sine. Gano'n din si Ryan. Hindi nawawala ang paglalaro nila kapag magkasama sila.



"Kaya very thankful ako sa Mead Johnson dahil kinuha kami ni Yohan to endorse Lactum 6+. Sa pamamagitan nga nitong ginawa naming commercial, alam na ni Yohan kung gaano siya ka-special sa amin ni Ryan.



"Gusto kasi namin na si Yohan ay maging responsible na sister siya sa kanyang kapatid. Ayaw namin na magkaroon sila ng sibling rivalry. Gusto kong maging close silang magkakapatid."



WORKING OUT
. Round-the-clock nga ang pagiging ina ni Juday kaya wala pa itong time para isipin ang pagpapapayat. Inamin ni Juday na sa sobrang saya niya bilang isang ina ay kinalimutan na niya ang magpa-sexy ulit.



"Kitang-kita naman kung gaano ako kasaya, 'di ba?" sabay tawa niya. "Naku, dedma ako sa mga sasabihin sa akin ng mga tao. Kesehodang tumaba ako, masaya ako, eh. Kita n'yo naman, kahit ganito ang figure ko, nagkaroon pa ako ng endorsement! Ang saya, 'di ba?



"Pero just recently ay nagsimula na ako ulit na mag-gym. Paunti-unti na cardio, stretching at diet. Ayokong biglain ang katawan ko kasi nga nagpapa-breastfeed pa ako. Mahusay nga raw na pagbawas ng timbang ang pagpapa-breastfeed.



"Kapag may mahaba-haba akong time talaga, doon lang ako nakakapag-exercise. Pinapa-lose na nga nila ako ng weight dahil may isang movie akong gagawin this year at mag-host din ako noong Junior Master Chef. For that show, nag-aral pa ulit ako ng isang short course ng culinary arts. Para lang ma-refresh ako sa kung ano ang bago sa culinary ngayon."



Isang registered nurse nga ang kinuha nila Juday at Ryan para mag-alaga sa kanilang anak kapag wala sila sa bahay. Sa payo nga raw ng ninang nilang si Sharon Cuneta-Pangilinan, mas mabuti na raw na nurse ang kanilang kunin para kung sakaling may mangyaring hindi maganda habang wala sila, alam nito ang kanyang gagawin lalo na pagdating sa pagbigay ng first aid.



"Hindi naman sa wala akong tiwala sa mga mid-wife. Mid-wife naman ang kinuha ko noong una. Pero nag-suggest nga si Ate Shawie na it's better to hire a nurse para alam na nito ang pagbigay ng first aid at kung anong gamot ang tamang ibigay in case magkasakit ang mga bata na wala kami sa bahay.



"Kaya ngayon ay mas kampante na kami ni Ryan na umalis ng bahay kasi alam namin na safe ang mga bata kapag wala kami at nasa trabaho or kapag nagde-date kaming dalawa.



"Tulad nga noong time na bigla kaming nagbakasyon sa Shanghai, China, 'yung Operation: The Tourist kung tawagin namin, hindi na ako masyadong nag-alala kasi alam kong professional ang nurse na nakuha namin para sa dalawang bata."



SURPRISE GIFT
. Next month ay magse-celebrate sila Juday at Ryan ng kanilang second wedding anniversary. Ayon kay Juday ay may magandang sorpresa raw ulit ang kanyang mister sa kanya. Hindi nga raw makapaghintay si Juday para sa sorpresang iyon.



"Ayoko na siyang kulitin at baka hindi pa niya ibigay!" tawa pa ni Juday.



"Wait ko na lang daw para mas may suspense. Parang ilang weeks pa ang hihintayin ko, 'di ba? Ayaw ngang magbigay ng clue kung ano iyon. Basta sigurado raw na magugustuhan ko dahil matagal ko nang hinihiling iyon.



"Kaso ang dami kong hinihiling sa kanya, hindi ko na alam kung alin doon. Kaya maghintay talaga ako ng wedding anniversary namin para malaman ko kung ano iyon," pagtatapos pa ni Judy Ann Santos-Agoncillo.

No comments:

Post a Comment