3/24/2011 8:38 AM
by: Rhea Manila Santos
As they celebrate their second wedding anniversary this coming April 28, Judy Ann Santos said she feels lucky that she made the right decision to marry Ryan Agoncillo. “I discovered na he’s a very excellent father and husband as well. He’s a very good provider. Sinasabi ko nga na masyado akong naging masuwerte sa buhay ko ngayon kasi may choice ako sa lahat eh. May choice akong magpahinga habang nagbubuntis ako. May choice akong bumalik sa showbiz. Andiyan yung asawa ko para sabihin na, ‘O sige, ako muna magtratrabaho, ikaw muna magpahinga. Kung gusto mo bumalik sa trabaho, puwede ka bumalik sa trabaho.’ Andiyan din yung mga producers, mga advertisers, and media na ‘pag bumalik ka, naka-abang lang sa ‘yo. Thankful ako kasi andiyan lahat ng kailangan ko para magkaroon ako ng bilib uli sa sarili ko. And they make me take my time,” she said during the Lactum press conference where she was launched as the milk brand’s newest endorser last March 18 at the C55 Events Place in Quezon City.
The 32-year-old actress said there aren’t any special plans set yet for their anniversary, which is just fine with her. “Parang wala pang plans kasi magastos yung panganganak ko eh. (laughs) Kami ni Ry, hindi naman kami madaling magplano sa mga ganyan. Very spontaneous kami pagdating sa mga celebrations. Ang hirap kasing umalis ng bansa kasi may bagets. Parang production number kung aalis kami kasi may bata, may nurse, may yaya, may dalawang bagahe sa bawat bata, bagahe ko pa. Iniisip ko pa lang, nakakapagod na. Pero naiisip naman naming umalis ng bansa. It’s just that kailangan lang talagang planuhin ng maayos. Sa anniversary, baka mag-dinner lang kami somewhere. Tapos na kami sa mga mahal na regalo so oras na para mag-ipon na uli,” she laughed.
When it comes to disputes, Judai shared that she and her husband always try to lessen any disagreements while in the household. ”Pagdating sa mga desisyon, dapat pareho kami nag-a-agree. Kasi importante yun eh. Ang pinaka-ayaw naming pinag-aawayan is money. Kasi money lang yan. Wala ng mas hihigit pang puwedeng pagsamahan ng mag-asawa kundi understanding, loyalty and love. If it’s about money already, parang dun yata nagkakasiraan ng maraming relasyon, hindi lang ang mag-aasawa. So we try not to talk about work when we’re home. ‘Pag nasa bahay kami, happy happy lang kami pero may mga chance na nag-uusap kami tungkol sa trabaho ‘pag talagang kailangan. Yung ‘pag kailangan ko ng advice niya or kailangan niya ng advice ko, yun lang yun pero hindi na ulit nauulit. Kumbaga bago maulit yun dapat pareho kaming lasing,” she joked.
Judai said she and Ryan have already decided to become supportive and open-minded parents to their kids Yohan and Lucio. “Gusto lang naming maging honest sila sa amin. Yung honest na in a way na puwede naming malaman yung mga crush nila, yung mga sikreto nila, yung mga gimik nila. Yung pagiging strikto hindi ko pa masasagot yan not until dumating kami sa puntong kakailanganin na naming magdesisyon para sa gimik ng mga batang ito. Kasi by then iba na yung kalakaran ng mga batang gumigimik, iba na rin yung pananamit,” she said.
As she prepares to host Junior MasterChef by the end of the month, Judai admitted she is excited because she has long been a fan of the reality cooking series. “Mag-sa-start na kami ng auditions ng March 31 for the first 100 kids then down to 50, down to 20, I think. Excited ako kasi napakadami daw mga batang magagaling na nag-o-audition ngayon. Sana talagang abangan ng mga tao ito kasi mahal na mahal ko itong show na ito, pinapanuod ko talaga ito. Nung buntis ako, yinu-You Tube ko talaga yan ng bonggang-bongga,” she admitted.
Judai said she has also asked Ryan for advice on how to be a good host. “Nagtatanong ako actually kay Ry. Pinapapanuod ko nga sa kanya yung Junior MasterChef ‘pag pinapalabas kasi humihingi ako sa kanya ng tips kung paano ba yung okay. Kasi hindi naman ako host eh. Sa presscon puwede akong maging madaldal pero pagdating sa pagho-host, yung puso ko parang nasa kabilang kanto na, natatakot na ako. So kinakalma naman niya ako and sinasasabi niya sa akin yung mga do’s and don’ts sa hosting,” she said.
No comments:
Post a Comment