*snipped
Close ang TV host-actress sa direktor ng kanyang pinagbibidahang teleserye, at ayon pa rin kay Toni, si Direk Wenn ang isa sa nagbigay ng lakas ng loob sa kanya upang aminin sa publiko ang tungkol sa kanila ni Mariel.
Sa presscon ng Petrang Kabayo noong September 21—ng pelikulang ipapalabas na sa October 13—nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Direk Wenn at kinumpirma niya ang kanyang mga naging abiso kay Toni.
"Kami kasi ni Toni, we talk a lot. Sa mga isyu na lumalabas, lagi kong sinasabi sa kanya is, 'Dun ka lang sa totoo, wag kang matakot na sabihin sa tao na, "Yes, I'm hurting; yes, may away kami ni Mariel," kasi yun ang totoo," panimula ng direktor.
"'At the end of the day kasi, wala kang ibang puwedeng sisihin kungdi ang sarili mo kasi di ka nagpakatotoo. Pero kung nagpakatotoo ka, di ka nagmalabis sa kapwa mo, at wala kang ginawang masama, wala kang dapat ikatakot.'"
Aminado si Direk Wenn na mas malapit siya kay Toni kaysa kay Mariel, pero ikinalungkot pa rin niya ang naging tampuhan ng dalawa, lalo't alam niya na malalim ang naging pagkakaibigan ng mga ito.
"Siyempre, unfair, kasi di pa kami humahantong ni Mariel sa ganung klaseng friendship. Ano pa lang kami, text-text, hi, hello, bati-bati.
"Kami ni Celestine [Toni] ay iba. Mahal na mahal ko yun dahil nakakita ako uli ng isang kaibigan.
"Parang si Judy Ann Santos 'yan sa akin, na after ng trabaho kaibigan mo pa rin. Hindi man kami magkatrabaho—text, magkikita, magkukuwentuhan, magsasabihan ng loob. At saka hindi showbiz.
"Kami ni Mariel, magkaibigan kami, magkaibigan kami ni Robin. Mas magkaibigan kami ni Robin, nagmamahalan kami niyan.
"Nalulungkot ako sa nangyayari kasi masyadong magkaibigan sila ni Toni at masyado siyang nasaktan. Sabi ko nga kay Toni, maaayos at maaayos 'yan in time. Wag nilang madaliin, wag nilang puwersahin, maaayos din yan."
No comments:
Post a Comment