Juday at Ruffa, tinalo sa ganda ni Ryan! Ryan, pinakamagandang drag queen sa ‘Lady Dada’!
by Alfie Lorenzo
Walang ibang network ang nakaisip na bigyan si Ryan Agoncillo ng role na drag queen bilang “Lady Dada”, spoof ni Lady Gaga.
Anong mangyayari kung sa isang iglap ay maging isang magandang drag queen ang guwapong aktor? Aba, siya na ang pinakamagandang drag queen ever na lumitaw sa kasaysayan ng pagbabakla-baklaan sa pelikula man o telebisyon.
Compared to Dolphy, Roderick Paulate, Janno Gibbs, Keempee de Leon, Joey de Leon, Ronaldo Valdez, Dindo Fernando, Paolo Ballesteros, Toffee Calma, Bebe Gandangwala, Jose Mari, Eddie Gutier*rez, Armando Go*yena, nilalahat ko na ang lahat ng mga gumanap na bakla sa pelikula man o sa tunay na buhay -- winner hands down si Ryan Agoncillo!
Mas maganda pa pala siyang babae kesa sa lalake. Tinalo niya sa ganda sina Juday at Yohan huh!
Even Ruffa Gutierrez can’t hold a candle beside Ryan! Kung tunay na babae lang si Ryan, aba, eh hindi lang major-major kundi general-general problem na siya ng alinmang beauty pageants!
Bihisan mo ng ganyan si Ryan na ala-Lady Gaga nga at dalhin natin sa Mabini sa bahay pokpokan, tingnan ko lang kundi magpatayan sa pag-aagawan sa kanya ang mga foreigners!
Naku, sayang Noel Ferrer, sana nu’ng nasa New York tayo eh binihisan natin si Ryan ng ganyan at ipinarada sa 8th Avenue, eh ‘di ang dami sana nating dollars na pang-shopping sa Times Square.
Natanong ko nga kay Ryan nu’ng preskon, bakit niya tinanggap itong “Lady Dada” eh inaalok siya ng Star Cinema noon na movie with Juday and Piolo Pascual at sabi niya, gusto niyang maging role ay isang bakla? Bakit ‘di natuloy ‘yun?
“Biru-biruan lang po ‘yun at sabi-sabi, hindi naman ako seryoso nu’n,” depensa ni Ryan.
Bakit, ayaw ba niyang maging ‘kabit’ ng Papa Piolo ko kahit sa movie man lang? Smile lang ang una kong ini-stalker!
Weekly series ang “Lady Dada” na magsisimula sa Miyerkules and every Wednesday thereafter from 8:00-9:00 p.m. na siyang papalit sa TV5 Specials ni JC de Vera.
Eh teka, meron pa yatang isa pang JC de Vera sa Miyerkules, ah? Ewan?
Gaganap si Ryan bilang si Dindo, ang lala*king saksakan ng malas na ‘di makahanap ng trabaho kaya hiniwalayan ng misis niyang si My*lene Dizon hanggang sa pagbawalan pa ng korte na makalapit sa kanyang anak gawa ng panggugulo sa bar na pag-aari ng misis niya at dating manliligaw niyang si Ryan Eigenmann. Uhum, shades of James Yap ba?
Papasok sa eksena si Kylie, ang bading na bestpren ni Ryan at tinulungan siyang mag-audition sa bar bilang drag queen. Pumayag si Ryan para makalapit sa anak niya.
Sa pagdadamit-babae niya ay nagustuhan naman siya ng bayaw niyang si Roderick Paulate na isang biyudo. First time ni Q.C. konsehal na gumanap bilang la*lake, ha!
Dalawang taon na si Ryan bilang host ng flagship show ng TV5 na “Talentadong Pinoy” na pinagkopyahan ng iba pang talent and game shows! Balik-akting si Ryan matapos ang ilang buwan na paghu-host.
Tinanggap ni Ryan ang role niya rito dahil kakaiba at first time nga niyang gagampanan. Ito ay para rin malayo sa co*medy show nila ni Juday na “George & Cecil” na gustong i-revive ng ABS-CBN sa pagbabalik-TV ni Juday pagkapanganak.
Ganoon din ang puwedeng maging sequel ng dalawang blockbuster movies nilang “Kasal, Kasali, Kasalo” at “Sakal, Sakali, Saklolo”, if ever dahil sa pinirmahan ni*lang kontrata sa Dos.
At nakatengga pa rin until now ang pirmadong kontrata nina Juday at Ryan sa Regal Films na isang pang-film festival movie.
Puwes, abangan ang launching ng “Lady Dada” sa Miyerkules. Tingnan natin kung anong sasabihin ni Yohan sa kanyang “dada” pagkapanood niya nitong “Lady Dada”.
No comments:
Post a Comment