@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Thursday, September 2, 2010

Ryan Agoncillo endures the "pain" of playing a drag queen in Lady Dada



Ryan Agoncillo endures the "pain" of playing a drag queen in Lady Dada

Rey Pumaloy

Thursday, September 2, 2010
12:25 PM
Rating




Share
Ilalabas na ngayong September ang miniseries ni Ryan Agoncillo sa TV5, ang Lady Dada. Kuwento ito ng isang tatay na napilitang magdamit-babae at maging impersonator para sa kanyang anak.

Sa trailer ng Lady Dada, na ipinakita sa presscon nito last August 27, may mga eksenang nakadamit-babae at kuntodo makeup si Ryan. May mga eksena rin siyang naka-costume at drag make-up na mala-Lady Gaga, kasama ang co-star niyang si Keempee de Leon.

Marami raw pinagdaanan si Ryan para gampanan ang character nito, gaya ng pagsusuot ng six-inches heels, dalawa hanggang tatlong oras na make-up, pagpapa-wax ng kanyang mga balahibo sa legs at kilikili, at ang pagta-tuck in o pag-iipit ng kanyang kaselanan.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ryan during the presscon, sinabi niyang pinakamahirap na parte ng taping niya dito ay ang "pagta-tuck in" ng kanyang pagkalalaki.

"Masakit, e!" natatawa niyang sabi. "Hindi ka makalakad nang tama!"

Ipinaliwanag sa amin ni Ryan kung bakit hindi siya nakipag-compromise na dayain na lang para hindi na niya gawin ang pag-iipit ng kanyang pagkalalaki.

"No, I really wanted to try," sabi niya. "Kasi nong nakita ko yung costumes na inihanda ni Ga [Dante Nico Garcia, costume, at production designer ng serye niya] parang ano kasi... Siyempre, binubuo namin yung gagawa ng Lady Dada, choices on board. Then, unanimous yung choice na si Ga ang production designer. 

"Medyo few days later, na-realize ko na, oo nga pala, I'm subjecting myself to my wife's best friend and they're very demanding directors, both of them [Dante Garcia at Joyce Bernal], tapos paglalaruan ako. Parang ano na ako, commit na, commit na to the project.

"May mga eksenang winax ako, yung kilikili ko, yung legs ko. Hanggang doon. Tapos yun nga, yung pagta-tuck in. I knew it, I knew it na gagawin ko yun." lahad ni Ryan.

Hindi raw nahirapan si Ryan sa pagdadamit-babae, pagme-makeup, o maging sa pagwa-wax. Tanging yung pagta-tuck in lang daw ang bukod-tanging nagpahirap sa kanya.

"Yung waxing kasi... Well, sa legs marami, pero hindi naman masakit kasi tolerable naman yung pain. Yung sa kilikili, nakikiliti ako. The pain was bearable.

"Yung tucking in is unbearable, pero it's unnatural na parang pinalakad mo akong paatras!" tawa ni Ryan, na sumusumpang hindi na niya gagawin ito uli. Nakipag-usap na rin siyang gumawa na lang ng paraan para hindi makita sa kamera ang bukol sa kanyang harap.

REACTION OF YOHAN & JUDAY. Maliban sa mga tao sa set, ang iba pang nakasaksi sa pagbabago niya ng hitsura ni Ryan ay ang adopted daughter niyang si Yohan at ang asawang si Judy Ann Santos.

"Well, she's a very intelligent kid so she knew it was for a role," sabi ni Ryan tungkol sa reaksiyon ni Yohan. "'Oh, my God! You're Lady Dada! You're Lady Gaga!' Not much explaining has done. It's just that, of course, you have to remind her na, 'Sweetheart, this is just pretend, ha?' 'Yeah, that's for your role, that's for your work, 'no?' Okey naman. Alam naman niya na... It's like na pag ako nag-amerikana, for Talentadong Pinoy. 'Eto, nag-wig ako, para sa Lady Dada. Ganun ang pagkakaintindi niya.

"Si Juday naman, e, parang na-shock siya na ginawa ko at all. She never thought na I'll subject myself to that. Kumbaga, nagawa kong magbihis-babae noon sa ABS sa isang episode doon, hindi niya alam na itotodo ko dito. Medyo tumodo kasi ako dito. Natawa rin siya. Naaliw siya, e. Parang, 'Ano ba ito? Ano ba itong ginagawa mo?'"

Malaki ang chance na mag-rate ang Lady Dada dahil na rin sa putaheng first time ni Ryan na lalabas sa ganitong klaseng role. Paano kaya kung hilingin ng TV5 management na ituloy na ito pagkatapos ng limang episodes?

"Sana magustuhan muna," sabi niya. "I'm very nervous, to tell you the truth. Hindi ko alam kung paano ko nagawa. Kung magustuhan ng tao, sana. 

"There's a lot of our self-made actors who went through doing this role. I mean, Joey de Leon did it. Kuya **** [Roderick Paulate, na kasama rin sa cast] did it. And a lot of respected Hollywood actors did it also. Tito Dolphy also did it. If I pull it off, kung mag-extend, I'll do it."

Handa rin daw si Ryan na pagdaanang muli ang mga hirap na dinanas niya sa miniseries na ito.

"Oo, I'm willing to do it. Oo, wala naman...hindi naman sinabi ng Diyos na... Sabi lang naman niya na masarap magkapamilya, hindi naman niya sinabing madali. Gagawin natin 'yan," saad niya, na ang ibig sabihin ay gagawin niya ang lahat para sa kanyang pamilya.

JUDAY'S DECISION TO TAKE A BREAK. Nagdesisyon na si Juday na magpapahinga siya ng isang taon pagkatapos niyang manganak para maalagaan niya hindi lang kanyang pamilya kundi pati na ang kanilang anak. Ano ang masasabi ni Ryan dito?

"Hindi ko alam sa kanya," sagot ng TV host-actor. "Ang ibinigay ko lang na choice sa kanya, 'If you wanna rest, you can rest.' Sabi niya, sa ngayon, parang a year and a half yata siya magbe-break? Ano siya ngayon, it's been a month or two ngayon nasa bahay lang siya. Aayusin niya ang mga gamit ko, nagluluto siya ng mga ano... Kagabi, nasa set siya, dumadalaw siya. She's really just enjoying herself."

Sariling desisyon ba ito ni Juday o sinabi rin niya sa kanyang kailangan niyang magpahinga muna?

"Ang desisyon na 'yan, pareho naming ginusto," sabi ni Ryan. "But I had to think kung kaya ko ba? Kung kaya ko bang mag-isa? Yun lang. Thank God, I thank my managers, si Noel [Ferrer], si Tina, and TV5. The work is steady.

"So, yun naman ang promise ko sa kanya [Juday] bago kami ikasal, na meron siyang choice, bibigyan ko siya ng choice. Kung gusto niyang magpahinga, sige pahinga ka. Mukhang okey naman, ini-enjoy niya yung pagiging housewife niya."

May hatid daw na kakaibang kaligayahan kay Ryan ang araw-araw niyang nadadatnan sa kanilang bahay ang asawa.

"Masarap! Masarap!" bulalas niya. "We're pretty normal. The household is pretty normal, that's what I like. Kasi sa Eat Bulaga!, parang pumapasok lang ako sa opisina, e. So, aalis ako sa umaga, darating ako sa hapon. Pag may taping lang, doon lang may irregular na para kang nag-o-overtime. Gano'n. Yung dramang uuwi sa bahay, mag-date tayo, gano'n! Or labas tayo, magkape tayo.

"Before, schedule, e. Magla-lunch lang kami, i-schedule pa namin. Sarap talaga. Sarap!" nangingiti niyang pagsasalarawan sa buhay nila ngayon ni Juday.

Hindi rin daw masyadong nag-adjust sina Ryan at Juday sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

"Pareho pa rin, e. Mahilig kaming magbigayan sa isa't isa. Like siya, pinagbibigyan niya ako. Halimbawa, may mga times na hindi talaga ako makaka...like, manood ng sine. Sabi ko, 'Sweetheart, maybe tomorrow.' Pero like now, buntis, maalaga. 'Gusto mo ng restaurant na 'to? Dito tayo. Gusto mong bumili ng damit na ito? ng bag na ito?' 'Sige, go!'"

Isa sa gusto rin ni Ryan sa kanyang asawa ay hindi nito pagbibigay sa kanya ng sakit ng ulo gaya ng tantrums.

"She never had. She never had tantrums," pagpapatunay ni Ryan.

JUDAY'S DELIVERY. Hindi pa rin nababago ang schedule ng panganganak ni Juday base sa advice ng kanilang doctor. Magsisilang raw ang young superstar sa kalagitnaan ng buwan ng October.

Paano nila hinahanda ang kanilang sarili sa pagdating ng baby nila?

"'Eto na, trabaho! Ngayon, pinapagawa namin yung kuwarto ng bata. Pero ako, on my end, trabaho talaga ako," nakangitng sabi ni Ryan.

Taliwas sa kinatatakutan ng mga malalapit kay Juday nong bago ito magbuntis, na baka maratay ito sa higaan dahil hirap itong mabuntis, ayon kay Ryan, kahit malaki na ang tiyan ng asawa ay maliksi itong kumilos at nakakarating sa gusto nitong puntahan nang walang pag-aalala.

Ayon pa kay Ryan, napakagaan ng pagbubuntis ni Juday at hindi sila binigyan ng hassle nito. Iniisip daw ng kanyang misis na baka mag-normal delivery ito at hindi magpaturok ng anaesthesia. At baka hindi rin ito kumuha ng yaya para hands-on na maalagaan ni Juday ang kanilang anak na papangalanan nilang Juan Luis.

No comments:

Post a Comment