Judy Ann umaming may kasalanan
Humingi ng paumanhin si Judy Ann Santos dahil sa pagkakabalam ng shooting ng pelikula nila niSarah Geronimo na Hating Kapatid. Inamin niya ang kasalanan dahil 10 oras lamang siya puwedeng magtrabaho dahil sa kanyang kalagayan. Tapos nagbakasyon pa sila ni Ryan Agoncilloat anak nilang si Yohan sa US. Talagang para sa bata ang nasabing ba kasyon. Ipinasyal nila ito sa Disneyland at Universal Studios.
Hindi rin nila sinisisi na pinalitan sila ni Ryan ni Direk Marilou Diaz-Abaya sa isang pelikula na nasimulan na niya dahil may hinahabol itong playdate at kailangang matapos sa kapistahan ng Our Lady of Pe�afrancia.
Sa ngayon, naka-focus si Juday sa kanyang pagbubuntis. Ramdam na ram dam na niya ang pagkakaroon ng laman ng kanyang sinapupunan at nag bibigay sa kanya ng excitement ang kakaibang karanasan sa kanyang pagdadalang-tao.
No comments:
Post a Comment