@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Saturday, July 3, 2010

Judy Ann Santos talks about her six-month pregnancy

Judy Ann Santos talks about her six-month pregnancy




"Yung ngayon, sa totoo, wala akong naramdamang pagbabago maliban sa hirap akong maghanap ng damit na susuotin. Kasi syempre, di ba, nagbabago na yung size mo? Iba na yung size ng undergarments mo. Nagbago talaga lahat," says Judy Ann Santos about her pregnancy.

Judy Ann Santos talks about her six-month pregnancy

Glen P. Sibonga

Rating

Malaki na ang tiyan ni Judy Ann Santos nang makaharap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa shooting ng Viva Films movie niya with Sarah Geronimo naHating Kapatid. Ginanap ang shooting sa Steaktown restaurant sa Sgt. Esguerra, Quezon City, kahapon, July 1.

"Six months na. Boy siya," sagot ni Juday nang kumustahin ng PEP ang baby niya sa sinapupunan. "Pero itatanong namin ulit sa OB. Every month naman pinapatanong namin, sinisigurado namin kung boy talaga. Para sigurado kasi siyempre yung mga gamit na bibilhin namin, di ba?"

Nag-4D ultrasound na ba siya?

"Nitong pa-checkup pa lang ngayon. Kasi before 3D lang, e. Pero nitong huli, nakita na namin yung face, e," banggit ng young superstar.

Naglilikot na ba ang baby?

"Malikot pero yung malikot na masaya. Hindi yung malikot na masakit," sagot ni Juday.

Hindi rin daw nahihirapan si Juday sa kanyang pagbubuntis.

"No, not at all. Sobrang suwerte talaga ako. Ano lang siya ngayon, e, yung nagpaparamdam-ramdam. Parang may bula lang sa loob mo. Tapos pag madaling-araw, gising din siya. Ngayon, makikita mo parang tambol yung tiyan ko. Pero hindi pa yung bumubukul-bukol at nagwe-wave pag gumagalaw siya," paglalarawan niya.

Pero so far, ano yung mahirap sa kanyang pregnancy?

"Yung ngayon, sa totoo, wala akong naramdamang pagbabago maliban sa hirap akong maghanap ng damit na susuotin. Kasi syempre, di ba, nagbabago na yung size mo? Iba na yung size ng undergarments mo. Nagbago talaga lahat."

"SI RYAN ANG NAGLIHI." Isa pa raw sa hindi niya naranasan ay ang paglilihi, bagkus ang asawa niyang si Ryan ang naglihi.

"Siya yung naghanap ng siomai. Siya yung ayaw ng pabango ko. Siya yung may slight kasungitan. Pero ako, wala, wala talaga. Yun nga ang hinahanap ko, e, yung maglihi ako. Pero spoiled pa rin ako kay Ryan. Kung ano yung hingin ko, ibinibigay naman niya," sabi ni Juday.

Mas naging maalaga ba si Ryan sa kanya ngayong buntis siya?

"Oo naman," mabilis niyang sagot. "Maalaga naman siya before, pero ngayon talagang extra concern din siya sa akin. Every now and then, he would ask me kung okay ako sa set. Sana hindi ako naiinitan. Kasi alam nga niya pag buntis, mabilis mapagod. Yung pag-akyat ko nga lang dito, parang hapung-hapo ako na parang tatalon yung puso ko."

COMPLETE FAMILY. Bagamat sinasabi ni Juday na naranasan na niyang maging ina sa pag-aalaga sa kanyang adopted daughter na si Yohan, iba pa rin daw siyempre yung sa kanya na manggagaling ang isisilang niya. Naka-mindset na ba siya para rito?

"Oo naman. At saka blessing na nga na nagka-baby kami after our first year anniversary. Mas blessing na naging lalake pa siya. So, kung magkakaroon pa ng susunod na baby, hindi na pressure na, 'Dapat lalake, dapat lalake!' Kumpleto na talaga."

Kailan ang due date niya?

"October po ang due. Ang sabi October 14, pero it can be two weeks before or two weeks after. So, naglalaro sa kabuuan ng October."

May napili na ba silang pangalan for the baby?

"Nag-iisip pa rin kami. Si Yohan nga ang pinapapili namin. Sa ngayon, Bochochoy ang name niya [baby]. Si Yohan kasi, Boding. Lahat naman kasi ng mga bata dumaraan sa ganung stage na kailangan may pet name. Ako nga 'Wanbol' dati ang tawag sa akin nina Mommy at Daddy!" natatawa niyang kuwento.

Kukuha ba siya ng yaya?

"Kumuha kami ng assistance ng midwife just to assist me. Pero not really to take care of the baby. Kasi siyempre, limang taon na rin si Yohan. Nung huli ko siyang inalagaan, ibang-iba naman yun ngayon. At saka hindi ko alam kung paano mo siya... Ngayon pa lang naman ako manganganak. Hindi ko alam kung gaano kasakit pagka nanganak ka na. Kakayanin mo bang kumilos kaagad? Assistance lang," sabi ni Juday.

Sigurado rin daw na ibe-breastfeed niya ang kanyang baby.

ENDORSEMENTS AWAIT THE BABY. Inamin din ni Juday na hindi pa man naisisilang ang baby niya ay may mga gusto na agad kunin ito for commercials and endorsements.

"May mga inquiries," banggit niya. "Wine-welcome naman namin yung mga nagtatanong. Sino ba naman kami para sabihing, 'Bakit n'yo kami pinangungunahan?'"

Sa totoo raw, nae-excite pa nga sila ni Ryan kapag nakakatanggap sila ng inquiry. Maging ang endorsement daw nila ni Ryan ay hindi naman ganun kaapektado. May ilan na nga rin daw lumalapit kay Juday na endorsements para sa pagiging nanay niya.

"Nakakatuwa lang isipin na may mga nag-aabang. Siyempre, artista ka. Normally pag nabubuntis ang isang artistang babae, siyempre parang handa na yung mga tao na hindi ka makita kasi mommy ka na. Pero sa point na ito ng career ko at career ni Ryan, parang hindi naman. May mga endorsements naman na nagsasabing, 'We'll be waiting for you until you go back to your old body.' Nakakatuwa. Kasi may nag-aabang sa baby, may nag-aabang din sa akin."

Babalik ba agad siya sa trabaho pag nakapahinga na siya after ng panganganak?

"Hindi ko po masabi, e. Kung sa akin lang, kung pagkapanganak, kung makakabalik agad-agad, bakit hindi. Pero sa sitwasyon ko ngayon na relax na relax ako at wala naman akong planong madaliin yung pagne-nurse dun sa bata, ie-enjoy-in ko siya kasi ang tagal din naman naming hinintay ito, ang tagal naming ipinagdasal ito. So, hangga't kung gaano ko siya katagal puwede ko siyang i-nurse, ine-nurse ko siya nang bonggang-bongga. Kung babalik man ako kaagad sa pagtatrabaho, siguro yung light lang. Siguro yung talk show or pictorial, ganyan. Hindi muna mabibigat."

HATING KAPATID. Dahil nga sa kanyang kalagayan ngayon kaya pinipilit na rin nilang tapusin ang shooting ng Hating Kapatid, lalo na't nalalapit na rin ang showing nito sa July 21. May tatlong shooting days pa raw silang natitira.

"Ako si Rica dito, ang panganay na kapatid ni Cecil [Sarah], na overprotective sister. Kasi mula nung umalis yung parents nila para magtrabaho sa Saudi, siya na yung tumayong nanay at tatay. Siya talaga yung naghirap. Yung buong mundo niya umikot na kay Sarah. Kaya ganun siya ka-protective dun sa kapatid niya," paglalarawan ni Juday sa kanyang role.

First time makatrabaho ni Juday si Sarah, pero puring-puri niya ang kanyang co-actress.

"Si Sarah, wala ka namang maipipintas sa batang iyan, e. Kung may isang bagay man akong ipipintas sa kanya, yun yung hindi siya nakakapagpahinga. Hindi niya nae-enjoy yung buhay niya," sabi niya.

Nakita niya ba ang sarili niya kay Sarah sa pagiging workaholic?

"Oo, at mas higit pa," sambit ni Juday. "May humigit pa pala sa akin sa kasipagan ko noong araw. Yun ang sinasabi ko sa kanya na sana ma-enjoy niya yung youth niya. Kasi hindi mo naman maire-rewind itong part na ito ng buhay mo, di ba? Yun ang sinasabi ko sa kanya na sa bawat trabaho na ginagawa niya, make sure na ma-enjoy niya."

Love interest ni Juday sa movie si JC de Vara, habang si Luis Manzano naman ang love interest ni Sarah. Kumusta naman katrabaho sina JC at Luis?

"Si JC, nakatrabaho ko una sa Ouija. Magka-love team kami dito. Unang eksena nga namin dito, ang tawag ko sa kanya pamangkin bilang batang-bata, di ba? Pero sa screen, may chemistry naman. So, sana makalusot.

"Naku, si Luis, e, ano naman 'yan, e, kengkoy! Parang hindi mo nakikitaan ng kapaguran," sabi niya tungkol sa dalawang leading men ng pelikula.

Directed by Wenn Deramas, ang Hating Kapatid ay kinabibilangan din nina Gina Pare�o, Cherry Pie Picache, Al Tantay, DJ Durano, at si Vice Ganda.

No comments:

Post a Comment