@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Wednesday, July 14, 2010

Judy Ann Santos will take her time before returning to work after giving birth

Judy Ann Santos will take her time before returning to work after giving birth



"Siyempre nakakatuwa kasi yun ang una ko talagang naging apprehension na kapag nagbuntis ako, ayokong sabihan ako na pangit ako! Siguro lumalabas talaga yung pakiramdam mo dun sa bata, or yung ikaw mismo kung gaano ka kasaya sa married life mo, sa personal life mo. Lalabas yun sa iyo, e. Hindi mo na kailangang mag-effort at all," says Judy Ann Santos on staying beautiful while pregnant.

Judy Ann Santos will take her time before returning to work after giving birth

Glen P. Sibonga

Rating

Ang Hating Kapatid na raw ang huling pelikulang gagawin ni Judy Ann Santos hanggang sa makapanganak siya. October 14 ang due date niya. Six months na ang baby boy sa kanyang sinapupunan na may palayaw na "Buchochoy."

Ano ba ang puwede niyang gawin habang naghihintay ng kanyang panganganak?

"Siguro mga pictorials na lang, photo shoots, ganun na lang. Kung may endorsements na papasok, puwede pa. Kung gusto nila akong i-shoot na ganito ako kalaki, bakit hindi, di ba? Pero most definitely, hindi na muna ako magteteleserye. Siguro one year muna akong magpapahinga sa TV, sa movie baka din. Depende kasi lahat 'yan kung makakabalik pa agad ako sa dating katawan ko after I give birth," sabi ni Juday sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Hating Kapatid sa Citibest restaurant sa Tomas Morato, Quezon City noong Miyerkules, July 7.


NOT IN A HURRY TO GO BACK TO WORK. Hindi naman daw nagmamadali si Juday na makabalik sa showbiz agad dahil gusto nga niyang maalagaan mabuti ang parating na baby nila ng mister niyang si Ryan Agoncillo.

"Ang masisigurado ko lang, hindi ako nagmamadali kasi ang tagal kong hinintay ang pagdating ng baby, e. Ie-enjoy-in ko talaga yung moment na magbe-breastfeed, mag-aalaga, yung paglaki ng bata. A year or more siguro bago ako tuluyang bumalik sa showbiz."

Isa sa kinu-consider ni Juday sa kanyang pagbabalik ang mag-host ng isang talk show.

"Siguro yung ang una kong iisipin, yung talk show," banggit niya. "Kasi yun ang pinakamagaan. Gusto ko ng trabaho for me na hindi ako malalayo nang matagal sa pamilya ko, hindi ako mahihirapan. Most definitely, bago ako bumalik, paghahandaan kong mabuti."

Ready na ba siya sa kanyang semi-retirement habang inaalagaan niya ang baby niya?

"You're never ready, e, di ba? Hindi mo masasabi kung kailan ka magiging ready sa panahong sa tingin mo magre-retire ka. Ang masasabi ko lang, basta kakayanin kong magtrabaho sa mga panahong kakayanin kong iwanan ang mga bata. Pero siyempre, most definitely my time and attention will be for my baby and my family. Kasi I've given a lot of time already in this business. So, yung ibang oras ko naman ibibigay ko na sa pamilya ko," saad niya.

ENJOYING HER PREGNANCY. Ine-enjoy ni Juday ang kanyang pagbubuntis dahil hindi naman siya nahihirapan, lalo pa nga kapag sinasabi sa kanyang ang ganda niyang magbuntis kahit na lalake ang magiging anak niya. May paniniwala kasi ang mga Pinoy na kapag lalake ang magiging anak ay hindi ganung kaganda ang nanay kapag nagbubuntis. Pero ibang-iba nga yata kay Juday dahil blooming siya.

"Siyempre nakakatuwa kasi yun ang una ko talagang naging apprehension na kapag nagbuntis ako, ayokong sabihan ako na pangit ako!" sabay tawa ni Juday. "Siguro lumalabas talaga yung pakiramdam mo dun sa bata, or yung ikaw mismo kung gaano ka kasaya sa married life mo, sa personal life mo. Lalabas yun sa iyo, e. Hindi mo na kailangang mag-effort at all."

Hindi naman siya taun-taon magbubuntis?

"Hindi naman. At saka mahirap nang bumuo ng pamilya ngayon," sagot ni Juday.

Ilang anak ba ang gusto nila ni Ryan?

"Maximum of three. Minumum of two. Pag nahirapan akong manganak, baka two na lang!" sabay tawa ni Juday.

ATE TO SARAH. Ateng-ate naman ang dating ni Judy Ann sa co-star niya na si Sarah Geronimo sa grand presscon ng pinagbibidahan nilang pelikula, ang Hating Kapatid ng Viva Films.

Tulad ng isang ate, may mga bagay na pinapansin at may mga bagay na pinupuri si Juday kay Sarah.

"Walang kuwenta, walang kuwentang kasama 'yang batang iyan," pabirong sagot ni Juday nang matanong siya ng PEP at iba pang press kung kumustang kasama si Sarah.

"Hindi, kailan ka ba nakarinig ng masama sa co-star, di ba?" seryoso na niyang sabi. "Pero sa pagkakataong ito, kay Sarah, wala naman akong puwedeng sabihing hindi maganda sa kanya. Kasi magsisinungaling ako kung ganun. Napakabuting bata, napakabuting anak. And at the same time, sa sobrang buti niya, minsan nakakalimutan na niyang makipag-usap. Iyon ang pina-practice namin sa kanya. Masyado lang sigurong mahiyain."

Nang gawin ni Juday ang pelikulang Magkapatid with Sharon Cuneta ay mas tumodo ang friendship nilang dalawa, na naging matron of honor pa niya ang Megastar sa kasal. Ngayon bang magkasama sila ni Sarah sa Hating Kapatid ay posibleng umabot sa gano'ng level katulad ng kay Sharon ang friendship nila ni Sarah?

"Kami naman ni Ate Sharon, yung pagiging magkapatid naman namin, hindi namin ine-expect na aabot sa puntong mamahalin namin ang isa't isa nang sobra-sobra," sabi ni Juday. "Hindi ko naman sinasabing hindi aabot sa puntong iyon kami ni Sarah, pero hindi iyon yung pagiging magkaibigan na tinatrabaho mo. It naturally happens.

"Naniniwala ako na yung pagmamahalan namin ni Sarah ay hindi matatapos hanggang mai-showing na ang pelikulang ito dahil si Sarah yung nakikita ko na hahanap-hanapin mo after the project. Nagkataon lang na yung sa amin ni Ate Sharon, gave us more time to know each other better. Pero si Sarah, may effort din naman siya to do the same. Willing akong maging ate ni Sarah kung gugustuhin niya."


Ano ang hindi niya nagawa in life na puwede niyang ipayong gawin ni Sarah?

"Ako, palagi kong sinasabi sa kanya to travel," sabi ni Juday. "Travel the world, explore the whole world. Kasi ang laki ng mundo. Marami rin naman siyang kinikita. Yung kahit papaano do something for yourself. Because time will come na hindi mo na mababalik 'yan. Hindi mo na magagawang enjoy-in ang buhay mo. So, enjoy-in niya yung buhay niya.

"Sa buhay ko naman, wala akong regret. Nagtrabaho ako nang puspusan dahil ginusto ko. Pero sinasabi ko lang sa kanya, travel alone para maging adventurous siya. Not naman to do something bad. Pero masaya rin naman yung to travel with your family and friends. Sometimes nga lang, try it alone. Iba kasi yung ikaw lang, e, mas magiging independent ka. Meron kang bagong personality sa sarili mo na hindi mo ine-expect na madi-discover mo."


No comments:

Post a Comment