@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, November 21, 2010

Ryan bares offers for Baby Lucho to appear in commercials


 
Last Sunday, November 14, bininyagan na nga ang anak nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na si Juan Luis Santos Agoncillo or Baby Lucho.

Si Father Tito Caluag ang nag-officiate ng christening sa Sacred Heart Parish sa Hillsborough, Alabang, at sa isang restaurant naman sa The Fort ginanap ang reception.

Sa Startalk kahapon, November 20, isang exclusive interview ang ginawa ng program co-host na si Joey de Leon kay Ryan habang nasa dressing room sila ng Eat Bulaga. Si Ryan ay co-host sa naturang lunchtime show ng GMA-7.

Ang binyagan ay naging napaka-pribado at halos sikreto sa karamihan, walang kaibahan nang maganap din ang church wedding nina Juday at Ryan.

Ayon nga kay Ryan, "Unang-una po, gusto kong magpasalamat sa staff ng Eat Bulaga, Pinoy Henyo at kay Joey at kay Bossing [Vic Soto] sa ipinambayad namin sa binyag. Marami-raming shower 'yun," biro niya na natatawa.

At dahil pribado nga ang naganap na binyagan, unang tinanong ni Joey kay Ryan ay kung sinu-sino ang mga ninong at ninang na kinuha nila para kay Lucho.

Aniya, "'Yung mga ninong at ninang na kinuha namin—si Beth Tamayo, best friend ni Juday. Pero proxy lang kasi, wala siya sa Pilipinas ngayon. Tapos, yung kuya ko, si Kuya Dondi, nag-iisa kong kapatid. Siya ang kinuha naming ninong. Si Yohan kasi, yung panganay namin, puro ang mga ninong at ninang, kay Misis.

"Ngayon, kay Lucho, sa amin naman, sa amin naman nakuha."

Nagawa rin ng mag-asawang Ryan at Juday na hindi muna maipakita or maglabas ng picture ng almost one-month-old nilang baby simula nang maipanganak ito ni Juday noong October 7. Pero tinupad din nila ang promise na pagkabinyag ng bata ay ipapakita at ipapakita na nila ang picture ng anak.

LUCHO HAS RYAN'S EYES. Ang madalas nga raw itanong ay kung sino ang kamukha ni Lucho.

Ayon kay Joey, sa TV raw, si Juday ang kamukha, although sa personal, mas si Ryan naman.

Naniniwala si Joey na magbabago pa rin daw ang features ni Lucho. Sa ngayon, kapansin-pansin lang na ang mata ay kuha kay Ryan.

Natawa si Ryan sabay sabi nang, "bilog na bilog, bright na bright."

Gumigising din ba siya at nag-aalaga sa madaling-araw?

"Sa ngayon, e, moral support support lang ako. Nakikiusyoso lang, nakiki-nerbiyos. Nagbi-breastfeed po kasi."

May kuwento rin si Ryan para raw hindi masyadong makaramdam ng selos si Yohan sa pagdating ng kanyang baby brother.

Sabi nga ni Ryan, "May itinuro sa amin si Ruby [Rodriguez, co-host sa EB]. Kapag nasa lap, lagyan lang ng unan para may feeling si Yohan na involved siya sa pagpapalaki kay Lucho, para responsible siya."

Tinanong din ni Joey si Ryan kung totoo gang gusto na raw ni Juday masundan agad si Lucho para magkakabarkada na?

"E, basta ba may go-signal na ng doctor, e," natatawa niyang sabi.

Mas gusto rin ba niya na dikit-dikit ang ages ng mga baby?

"Ako pa ba ang tatanggi? E, okay lang, maganda naman ang kinakalabasan, e."

PRODUCT ENDORSEMENTS. In terms of commercials and endorsements for baby products, meron na raw bang offer kay baby Lucho?

"Sa ngayon, ang alam ko, meron na," prangkang sagot ni Ryan. "Pero si Mommy ang nakikipag-usap, e. Pinapabayaan ko na si Juday ang makipag-usap. Kasi, hindi ko na ano yun, e, mas linya na niya yun."

Sa huli, nagpasalamat si Ryan sa mga taong nakinig at sumunod daw sa naging request nilang maging pribado ang binyag ng anak.

Aniya, "Sa mga nag-grant po ng request namin and to those who patiently waited sa picture ni Lucho, maraming salamat po sa paghihintay... and to all the well-wishers, marami pong salamat."

Juday, Ryan at dalawang anak package deal sa endorsements

Juday, Ryan at dalawang anak package deal sa endorsements 


Talong Anonymous (Pilipino Star Ngayon) Updated November 19, 2010 12:00 AM


TRUE : May mga natanguang product endorsements na si Judy Ann Santos kasama si Baby Lucho.

Medyo mataba pa si Juday kaya nagpapapayat pa ito para bago mag-shoot ng commercial para sa endorsement na iyon ay medyo payat na siya.

Hindi pa puwedeng i-reveal kung anong produkto ito pero ang nakarating sa aming kuwento, ayaw daw ni Juday kung silang dalawa lang ni Baby Lucho. Gusto nitong kasali rin si Yohan o mas okay kung kumpleto sila pati si Ryan Agoncillo.

Kaya malamang na ang una nilang gagawin ay kumpleto silang pamilya.

Abangan sa Startalk ang exclusive interview ni Joey de Leon kay Ryan para sa iba pang detalye ng kuwento sa binyag ni Baby Lucho.

Sunday, November 14, 2010

Lucho, mas humahawig na kay Ryan Agoncillo kesa kay Judy Ann Santos


TALIWAS sa inaasahan ng lahat na magiging kahawig ni Judy Ann Santos ang kanyang panganay na anak na si Juan Luis o Lucho, ngayon pa lang ay humahawig na ang sanggol kay Ryan Agoncillo.
Ito ang ipinahayag ni Jeffrey Santos kamakailan nang makorner namin siya sa premiere night ng pelikulang “Ang Babae sa Sementeryo” ng AEI Movie Productions sa The Block ng SM City.
Ayon kay Jeffrey, habang lumalaon ay nakakamukha ni Ryan ang kanyang pamangkin.
“’Yong noo niya, ‘yong eyes, ‘yong cheek, ‘yong nose, halos lahat kay Ryan, e. Pero ‘yong lips, sa mga Santos,” masayang pahayag ng mas matandang Santos.
Idinagdag ni Jeffrey na magkagayunman ay mahal na mahal nila si Lucho.
***
Inihayag din ng aktor na mas malamang kaysa hindi ay sa isang taon pa o pagkaraan ng isang taon pa magbabalik si Juday sa showbiz.
“Ayaw kasi nilang kumuha ng yaya para mag-alaga sa baby. Gusto nina Juday at Ryan na lumaki si Lucho na may sarili silang hands on na care. Kasi nga, excited na sila pareho sa paglaki no’ng baby,” pagbabalita pa ni Jeff.
“Kaya mga isang taon pa ang hihintayin ni Juday para makabalik siya sa trabaho. Mas maganda nga ‘yon para mas personal care kay Lucho, di ba?” tanong ni Jeff.
Si Agoncillo na lang muna ang nagpapawis ngayon bagamat marami ring naipon si Santos sa kanyang pag-aartista.
***
Ayon kay Jeffrey, ang kanyang inang si Carol Santos ang madalas na dumalaw sa kanyang pamangkin.
“Naku, si Mommy, lagi kina Juday. Halos araw-araw nando’n. Hindi na namin ‘yan makapa sa bahay dahil nando’n lagi kay Lucho, sa kanyang apo.
“Nagdadala lagi ‘yan ng pagkain at laging nakatitig sa kanyang apo. Exciting talaga. Ako naman, pag may time, yes, nando’n din ako,” pagtatapat ni Jeff.
Sa ngayon ay pinaplano na ang pagpapabinyag kay Lucho pero pulido ang preparasyon para walang bulilyaso.

Judy Ann, Ryan enjoying parenthood




MANILA, Philippines - It’s fiesta time almost everyday at the Agoncillo house in Muntinlupa.

This was how actor Jeffrey Santos described the atmosphere of his younger sister Judy Ann Santos and brother-in-law Ryan Agoncillo’s household.

“Parang laging may selebrasyon. Araw-araw, hindi nawawalan ng mga bisita,” informed Jeffrey at the premiere showing of the film “Ang Babae sa Sementeryo” where he was supposed to have played a major role but cancelled it in the last minute.

The party-like mood inside Judy Ann and Agoncillo’s abode is because of the presence of their newly born babe, Juan Luis Santos Agoncillo, nicknamed Lucho, who is a month old.

According to Jeffrey, his mom, Carol Santos, is always at her grandson’s side.

“Si Mommy ang talagang laging excited na makita ang kanyang apo. Naku, basta’t may time lang ‘yan, punta ‘yan nang punta kina Judai (Judy Ann). Kinikilig kay Lucho,” chuckled Jeffrey.

Meanwhile, Jeffrey is also a frequent visitor of his nephew, who, he said, looks like Ryan.

“Ngayon, ang dami nang hawig kay Ryan, ‘yong mga mata, ‘yong ilong, ‘yong pisngi. Pero ‘yong mga lips, sa mga Santos. Nakaka-excite nga,” he said.

“Pag wala akong shoots, dinadalaw ko ang pamangkin ko dahil nakakabata rin ang pakiramdam kapag nakikita ko siya. I am a proud uncle of the baby boy,” he beamed

Judy Ann, he said, is enjoying every minute of rearing and taking care of Lucho.

“Si Judai lahat ang nag-aasikaso kay Lucho. Si Ryan, excited rin sa pag-aasikaso but he has to work,” reported Jeffrey.

Judai’s older brother confirmed that the actress will return to show business next year.

“Mga one year pa ang hihintayin ni Judai bago siya bumalik sa trabaho para mag-alaga ng baby,” he said. -Report by Boy Villasanta, abs-cbnNEWS.com

Baptism of Judai's first baby set this month




MANILA, Philippines – Actor Jeffrey Santos confirmed that the baptism of Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo’s first baby will take place this month.

Judy Ann, fondly called Judai, gave birth on October 7 to Juan Luis, nicknamed Lucho. She and Agoncillo have an adopted daughter named Yohan.

The 2 stars have been very private about the delivery of the baby. Jeffrey said expect them to also make the baptism a very private occasion.

Two sources confirmed that the baptism will happen this Sunday. But Judy Ann’s manager, Alfie Lorenzo, said the actress has yet to inform him about it.

Jeffrey, Judai’s older brother, on the other hand, said he expects to be told at least 3 days before the event.

Meanwhile, Jeffrey also shared that Agoncillo and Judai are still enjoying parenthood and the privacy of their new family. He said the couple will release a photo of baby Lucho when they are ready.

He said Lucho looks more and more like Agoncillo now, but he has Judai’s kissable lips.

Sunday, October 31, 2010

Wednesday, October 27, 2010

Ryan still euphoric on having a baby with Juday



Weeks have passed since his wife top actress Judy Ann Santos gave birth to their first son, Juan Luis, actor and television host Ryan Agoncillo is still euphoric.
“Sarap! Hindi pa siya totally nagsisink-in ngayon. Natitigilan pa rin ako ‘pag tinititigan ko siya. Napakasarap ng feeling,” the TV host-actor said in an interview aired on “Paparazzi,” Oct. 12.
Ryan & Juday

Julien Merced C. Matabuena reported on the interview, stating that Ryan admitted feeling nervous, scared and excited the whole time Juday was in labor.
“Hawak ko ‘yung gunting the whole time para pang-cut ng umbilical cord. Ganun pala ‘yun, parang makunat!” he said, laughing.
Their son, Juan Luis, will be nicknamed Lucho, according to Ryan, who added that the baby boy has long limbs and with looks that he gets from both him and Juday.
The couple has declined requests to show their baby’s pictures, saying this will come after his baptism.
“Gusto lang namin simpleng binyag as soon as possible, kasi ‘yung sinasabi nila na bawal munang ilabas ang bata habang hindi pa nabibinyagan,” Ryane said.
Will Lucho be allowed later to join show business?
Ryan has a ready answer. He said he ‘ll leave that decision up to Juday.
He disclosed that this early, the couple has received offers for Lucho to appear in TV commercials.
Juday’s mother is all praises for her son-in-law, saying he loves her daughter very much.
“You know when you have a wife like my wife Judy Ann, wala eh, mamahalin mo talaga dahil napaka-dedicated mother niya and napaka-dedicated wife. Wala akong kaangal-angal kaya ang gagawin ko na lang bilang asawa ay [to] make sure masaya siya,” Ryan said.
He gave a message to his son.
“Lucho, my man! Maybe when you grow up you’ll get to watch this, but I just want you to know that dad is very proud of you. Your mom did a very good job in making sure you’re okay and maraming tao ang masaya na nandito ka, and that includes me, your mom and Yohan and everyone. So I can’t wait to spend time with you.”
And to Juday?
“Sweetheart! You the best!”

The 24th Star Awards for Television 2010 Nominees


The Philippine Movie Press Club (PMPC) have finally revealed the nominees for the forthcoming 24th Star Awards for Television to be held on November 13, 2010 at the Resorts World Manila, Newport City in Pasay with a delayed telecast on ABS-CBN on the 20th.

Here are the nominees for the 24th Star Awards for Television:


BEST NEW MALE TV PERSONALITY
CJ Caparas (Kroko, IBC 13)
Elmo Magalona (Party Pilipinas, GMA)
Hermes Bautista (Your Song: Isla, ABS-CBN)
Jason Francisco (Melason In Love, ABS-CBN)
Johan Santos (PHR: Love Me Again, ABS-CBN)
Julian Trono (Panday Kids, GMA)
Paul Jake Castillo (Your Song: Isla, ABS-CBN)
Tom Rodriguez (Your Song: Isla, ABS-CBN)

BEST NEW FEMALE TV PERSONALITY
Alyna Asistio (Lokomoko U, TV5)
Carla Abellana (Rosalinda, GMA)
Cathy Remperas (PHR: Love Me Again, ABS-CBN)
Melai Cantiveros (Melason In Love, ABS-CBN)
Princess Velasco (ASAP XV, ABS-CBN)
Sabrina Hann (Panday Kids, GMA)
Xyriel Manabat (Agua Bendita, ABS-CBN) 

BEST DAYTIME DRAMA SERIES
Kambal Sa Uma (ABS-CBN)
Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin (GMA)
Magkano Ang Iyong Dangal (ABS-CBN)
Nagsimula Sa Puso (ABS-CBN)
PHR: Impostor (ABS-CBN)
Rosalka (ABS-CBN)

BEST COMEDY SHOW
Darling Kong Aswang (TV5)
Everybody Hapi (TV5)
George & Cecil (ABS-CBN)
Pepito Manaloto (GMA)
Show Me Da Manny (GMA)

BEST COMEDY ACTOR
Jayson Gainza (Banana Split, ABS-CBN)
Michael V (Bubble Gang, GMA)
Ogie Alcasid (Bubble Gang, GMA)
Pooh (Banana Split, ABS-CBN)
Vic Sotto (Darling Kong Aswang, TV5)

BEST COMEDY ACTRESS
Angelica Panganiban (Banana Split, ABS-CBN)
Judy Ann Santos (George & Cecil, ABS-CBN)
Nova Villa (Everybody Hapi, TV5)
Pokwang (Banana Split, ABS-CBN)
Rufa Mae Quinto (Bubble Gang, GMA)

BEST DRAMA MINI-SERIES
PHR: Love Me Again (ABS-CBN)
SRO Cinemaserye: Exchange Gift (GMA)
SRO Cinemaserye: The Eva Castillo Story (GMA)
Your Song: Gaano Kita Kamahal (ABS-CBN)
Your Song: Love Me, Love You (ABS-CBN)

BEST DRAMA ANTHOLOGY
MMK (ABS-CBN)
Maynila (GMA)
5 Star Drama Special (TV5)

BEST PRIMETIME TV SERIES
Agua Bendita (ABS-CBN)
Dahil May Isang Ikaw (ABS-CBN)
Habang May Buhay (ABS-CBN)
Ikaw Sana (GMA)
Kung Tayo’y Magkakalayo (ABS-CBN)
Tanging Yaman (ABS-CBN)

BEST DRAMA ACTOR
Coco Martin (Kung Tayo’y Magkakalayo, ABS-CBN)
Dingdong Dantes (Stairway to Heaven, GMA)
Gerald Anderson (Your Song: Isla, ABS-CBN)
Jericho Rosales (Dahil May Isang Ikaw, ABS-CBN)
John Estrada (Dahil May Isang Ikaw, ABS-CBN)
Piolo Pascual (Lovers in Paris, ABS-CBN)
Sid Lucero (Dahil May Isang Ikaw, ABS-CBN)

BEST DRAMA ACTRESS
Angelica Panganiban (Rubi, ABS-CBN)
Cherry Pie Picache (Florinda, ABS-CBN)
Chin-Chin Gutierrez (Dahil May Isang Ikaw, ABS-CBN)
Judy Ann Santos (Habang May Buhay, ABS-CBN)
Kim Chiu (Kung Tayo’y Magkakalayo, ABS-CBN)
Lorna Tolentino (Dahil May Isang Ikaw, ABS-CBN)
Maricel Soriano (Florinda, ABS-CBN)
Susan Roces (Sana Ngayong Pasko, GMA)

BEST SINGLE PERFORMANCE BY AN ACTOR
Dominic Ochoa (MMK “Kuwintas”, ABS-CBN)
Gerald Anderson (MMK “Lubid”, ABS-CBN)
Jolo Revilla (MMK “Gitara”, ABS-CBN)
Lester Llansang (MMK “Musiko”, ABS-CBN)
Martin del Rosario (MMK “Headband”, ABS-CBN)
Ronaldo Valdez (MMK “Bisikleta”, ABS-CBN)
Zanjoe Marudo (MMK “Bag”, ABS-CBN)

BEST SINGLE PERFORMANCE BY AN ACTRESS
Aiza Seguerra (MMK “Kuwintas”, ABS-CBN)
Angel Locsin (MMK “Litrato”, ABS-CBN)
Dawn Zulueta (MMK “Tsinelas”, ABS-CBN)
Gina Alajar (MMK “Car”, ABS-CBN)
Gretchen Barreto (MMK “Larawan”, ABS-CBN)
Irma Adlawan (MMK “Sulo”, ABS-CBN)
Maricel Soriano (5 Star Special Presents, TV5)

BEST CHILDREN SHOW
Art Angel (GMA)
Batang Bibbo (GMA)
Happy Land (GMA)
Kulilits (ABS-CBN)
Tropang Potchi (Q11)

BEST CHILDREN SHOW HOST
Bugoy Cariño & Cha-Cha Cañete (Kulilits, ABS-CBN)
Ella Guevarra, Sabrina Hann & Julian Trono (Tropang Potchi, Q11)
Love Añover & Patricia Gayod (Happy Land, GMA)
Pia Arcangel (Art Angel, GMA)
Roxanne Barcelo (Batang Bibbo, GMA)

BEST EDUCATIONAL PROGRAM
Born to be Wild (GMA)
Convergence (Net 25)
Matanglawin (ABS-CBN)
Mathinik (ABS-CBN)
Quickfire (Q11)

BEST EDUCATIONAL PROGRAM HOSTS
Chris Tiu (Ripley’s Believe It Or Not, GMA)
Doc Ferdz Recio & Kiko Rustia (Born to be Wild, GMA)
Kim Atienza (Matanglawin, ABS-CBN)
Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr (Kap’s Amazing Stories, GMA)
RJ Ledesma (Mathinik, ABS-CBN)

BEST REALITY PROGRAM
Day Off (Q11)
Pinoy Records (GMA)
Totoo TV (TV5)

BEST REALITY PROGRAM HOST
Ariel & Maverick (Totoo TV, TV5)
Carmina Villaroel & Pekto (Day Off, Q11)
Manny Pacquiao, Chris Tiu (Pinoy Records, GMA)
Mariel Rodriguez (PBB Double Up Uber, ABS-CBN)
Toni Gonzaga (PBB Double Up Primetime, ABS-CBN)

BEST NEWS PROGRAM
24 Oras (GMA)
Bandila (ABS-CBN)
News on Q (Q11)
Saksi (GMA)
Teledyaryo (NBN 4)
TV Patrol World (ABS-CBN)

BEST MALE NEWSCASTER
Alex Castro (TV Patrol Sabado, ABS-CBN)
Daniel Razon (Ito Ang Balita, UNTV)
Julius Babao (TV Patrol, ABS-CBN)
Henry Omaga-Diaz (Bandila, ABS-CBN)
Mike Enriquez (24 Oras, GMA)
Ted Failon (TV Patrol, ABS-CBN)

BEST FEMALE NEWSCASTER
Angelique Lazo (Teledyaryo, NBN 4)
Bernadette Sembrano (TV Patrol Sabado, ABS-CBN)
Ces Oreña-Drilon (Bandila, ABS-CBN)
Karen Davila (TV Patrol, ABS-CBN)
Mel Tiangco (24 Oras, GMA)
Vicky Morales (Saksi, GMA)

BEST YOUTH-ORIENTED PROGRAM
Ka-Blog (GMA)
LipGloss (TV5)

BEST HORROR / FANTASY PROGRAM
Agimat: Elias Paniki (ABS-CBN)
Agimat: Pepeng Agimat (ABS-CBN)
Agimat: Tiagong Akyat (ABS-CBN)
Agimat: Tonyong Bayawak (ABS-CBN)
Midnight DJ (TV5)

BEST TALENT SEARCH PROGRAM
Are You the Next Big Star? (GMA)
Shall We Dance (TV5)
Showtime (ABS-CBN)
StarStruck V (GMA)
Talentadong Pinoy (TV5)

BEST TALENT SEARCH PROGRAM HOST
Anne Curtis, Vhong Navarro, Kim Atienza & Vice Ganda (Showtime, ABS-CBN)
Lucy Torres-Gomez (Shall We Dance, TV5)
Luis Manzano & Billy Crawford (Pilipinas Got Talent, ABS-CBN)
Regine Velasquez & Ogie Alcasid (Celebrity Duets, GMA)
Ryan Agoncillo (
Talentadong Pinoy, TV5)

BEST CELEBRITY TALK SHOW
Full Time Moms (Q11)
Jojo All The Way (TV5)
Spoon (Net 25)
Sweet Life (Q11)
Tonight with Arnold Clavio (Q11)

BEST CELEBRITY TALK SHOW HOSTS
Arnold Clavio (Tonight with Arnold Clavio, Q11)
Carmina Villaroel, Janice and Gelli De Belen (SiS, GMA)
Christine Jacob-Sandejas & Susan Entrata (Full Time Moms, Q11)
Janice De Belem (Spoon, Net 25)
Lucy Torres & Wilma Doesn’t (Sweet Life, Q11)

BEST VARIETY / GAME SHOW
Cool Center (GMA)
Kitchen Battle, Q11)
Pilipinas, Game KNB (ABS-CBN)
PO5 (TV5)
Wowowee (ABS-CBN)

BEST GAME SHOW HOSTS
Bianca Gonzales (PBB Double Up Uplate, ABS-CBN)
Edu Manzano (Pilipinas, Game KNB, ABS-CBN)
Ogie Alcasid & Michael V (Hole in the Wall, GMA)
Richard Gomez (Family Feud, GMA)
Vic Sotto (Who Wants To Be A Millionaire, TV5)

BEST GAG SHOW
Banana Split (ABS-CBN)
Bubble Gang (GMA)
Goin’ Bulilit (ABS-CBN)
Laf En Roll (GMA)
Wow Mali (TV5)

BEST SHOWBIZ-ORIENTED SHOW
ELive (ABS-CBN)
Juicy (TV5)
Showbiz Central (GMA)
SNN (ABS-CBN)
Startalk (GMA)
The Buzz (ABS-CBN)

BEST MALE SHOWBIZ-ORIENTED SHOW HOSTS
Boy Abunda (The Buzz, ABS-CBN)
Joey de Leon (Startalk, GMA)
Luis Manzano (ELive, ABS-CBN)
Raymond Gutierrez (
Showbiz Central, GMA)
Tim Yap (Tweetbiz, Q11)

BEST FEMALE SHOWBIZ-ORIENTED SHOW HOSTS
Bianca Gonzales (ELive, ABS-CBN)
Cristy Fermin (Juicy, TV5)
Kris Aquino (SNN, ABS-CBN)
Pia Guanio (Showbiz Central, GMA)
Toni Gonzaga (ELive, ABS-CBN)

BEST MUSICAL VARIETY SHOW
ASAP XV (ABS-CBN)
Party Pilipinas (GMA)
Sharon (ABS-CBN)
Walang Tulugan with Master Showman (GMA) 

BEST MALE TV HOST
Allan K (Eat Bulaga, GMA)
Joey De Leon (Eat Bulaga, GMA)
Luis Manzano (ASAP XV, ABS-CBN)
Martin Nieverra (ASAP XV, ABS-CBN)
Ogie Alcasid (Party Pilipinas, GMA)
Piolo Pascual (ASAP XV, ABS-CBN)
Vic Sotto (Eat Bulaga, GMA)

BEST FEMALE TV HOST
Lucy Torres (PO5, TV5)
Pia Guanio (Eat Bulaga, GMA)
Pokwang (Wowowee, ABS-CBN)
Regine Velasquez (Party Pilipinas, GMA)
Sarah Geronimo (ASAP XV, ABS-CBN)
Toni Gonzaga (ASAP XV, ABS-CBN)

BEST TV STATION
ABS-CBN 2
GMA 7
IBC 13
NBN 4
Net 25
Q 11
RPN 9
Studio 23
TV 5
UNTV 37


Tuesday, October 26, 2010

JUDY ANN SANTOS THE FASHIONISTA



Please click on to zoom in....

Sunday, October 24, 2010

BABY SHOWER (Sharon Mag)






Juday at Ryan, ‘di gagawing sirkus ang binyag ng anak



October 22, 2010 

ChorBA!
by Melchor Bautista

CONSISTENT SINA JUDY Ann Santos at Ryan Agoncillo sa pagiging kakaiba nilang mag-asawa kumpara sa ibang mga sikat na artista, na kapag nag-celebrate ng kung anu-anong mahahalagang okasyon sa buhay at pamilya, halos ipinangangalandakan sa buong showbiz ang pagpapabongga. Una nga sa lahat, wala sa intensiyon nila ang magyabang. Hindi mo rin naman kasi sila mabubutasan kung tungkol din lang naman sa tunay na pakikisama bilang kaibigan ang pag-uusapan.

Welcome namang pareho kina Juday at Ryan ang maraming kaibigan. Kaya lang, alam nila sa pakiramdaman kung sino ang mga tunay nilang kaibigan, o ‘yung mga taong lumalapit at nakikipagkaibigan lamang, pero sino-showbiz lang naman sila. Napatunayan nga iyan, dahil nu’ng magpakasal sila, mga piling-piling tao lang na malapit sa kanilang pamilya na malapit din sa kanilang puso bilang mga kaibigan ang kanilang mga inimbita.

Nitong isilang na ni Juday ang anak nila ni Ryan na si Baby Lucho, marami ang nag-iisip, na baka sa dami ng mga nagmamahal na tunay na kaibigan ng mag-asawa ay napakaraming magiging Ninong at Ninang ng kanilang anak. Sorry na lang sila. Parang sampal sa gawain ng ibang artista, na kapag nagpabinyag ng anak, paramihan ng Ninong at Ninang ang laban na para bang pinagkakakitaan ang binyagan. Sa katuwiran nina Juday at Ryan na tatayong pangalawang magulang ang magiging Ninong at Ninang ni Baby Lucho, kaya hindi raw nila dinamihan ang pares ng mga kinuha nilang Ninong at Ninang. Ang nasa listahan pa lang ng magiging pangalawang magulang ng kanilang baby ay si Beth Tamayo at ang brother ni Ryan.

Thursday, October 21, 2010

Mara Clara 26 weeks ipalalabas


SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) Updated October 22, 2010 12:00 AM Comments (7) View comments


Photo is loading...

Sa panahong ito na tinatangkilik sa telebisyon ang mga remakes ng mga te lenovela na gawa sa ibang bansa, naisip ng ABS-CBN na gawing muli o i-remake ang itinuturing na the Mother of All Teleseryes, ang Mara Clara na nagsisilbing major core ng lahat ng drama plots. Magsisimula itong mapanood sa Oktubre 25 at kung ang orihinal na serye na nagtampok sa tambalan nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes ay tumakbo ng limang taon sa ere, ang remake ay mapapanood lamang ng 26 na linggo at pangungunahan ng dalawang kabataang artis tang babae na inaasahang lolobo rin ang mga career katulad ng mga sinusundan nilang artista, sina Kathryn Bernardo at Julia Montes.
Sa pamamatnugot ng mga direktor na sina Jerome Pobocan at Tots Sanchez Mariscal IV, ang bagong Mara Clara ay magiging matapat sa orihinal na istorya ng pagkakapalit ng dalawang sanggol na babae nung ka nilang kapanganakan pero ang mga karakter nila ay updated na, isinunod sa makabagong panahon. Kung ang role ni Susan Africa dati bilang tunay na ina ni Clara ay may pagka-martir, ang character na gagampanan ngayon ni Mylene Dizon ay palaban na.
Si Clara naman sa lumang bersyon ay isang bobong babae na madalas mangopya, sa remake ay ginawa siyang matalino, nagtatangkang maging vale dic torian sa kanyang paaralan hanggang sa dumating si Mara na magbibigay sa kanya ng mahigpit na kumpetisyon.
Bagaman at wala nang roles sa remake sina Juday at Gladys, mapapanood sila sa mga teaser para sa bagong serye at nagkaroon ang dalawang bata ng pagkakataong makilala sila.

Ano na ba ang nangyayari sa paborito kong Kapamilya Network?


Nagkakaluwagan na ba talaga ng turnilyo sa systems nila? Sumobra na nga kaya ang power-tripping ng mga wala namang nalalaman diyan?


The corporate group needs a total revamp. Kung sino pa ang mga talagang maasahan at ginagawa what is proper ay sila pa ang mga naglalayasan na dahil siguro hindi na masikmura ang sistema ng lahat ay pawang mga “all knowing” and doesn’t listen to the proper good manners and right conducts.


Ay naku, kung ilalahad ko lang lahat ang mga mali, mali, major-major na mga mali eh baka biglang magdilim sa Sgt. Esguerra at magsara ang buong kalye sa paligid!


‘Yang mga baguhang newly recruited sa network ay walang proper decorum, mga bastos at walang modo. Binabalewala ang mga taong unang nagmalasakit sa network, kulang sila sa research, kulang pa rin sa respeto. Totoo nga kayang nanghiram lang ng mga mukha ang mga hinayupak na ‘yan?


One example na lang itong bubuksang “Mara Clara”. Kinunan si Juday ng endorsement for the new show na ‘di man lang nagpasintabi sa akin. Okay na ako roon. Eh biro mong nagpapreskon pala nu’ng Miyerkules ng gabi na sinaba yan na naman ang blowout party ng “Petrang Kabayo” ni pasintabi eh wala man lang imbitasyon, as if naman interesado akong masuri ang mga clones nina Juday at Gladys Reyes.


Ngayon pa lang alam ko ng hindi na naman magkiklik ‘yan, tulad ng ginawa nilang kapalpakan kay Sarah Geronimo na binigyan ng maling project at inilagay sa isang oras na wala ng interesadong manood!


Kung kina Juday at Gladys ay “Mara Clara”, itong bago ay magi ging “Marasin Calawang” ‘yan ng mga soap operas! Serves them right!