@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Friday, March 12, 2010

Ryan Agoncillo confirms wife Judy Ann Santos is two months pregnant



FIRST READ ON PEP: Ryan Agoncillo confirms wife Judy Ann Santos is two months pregnant">



Ryan Agoncillo announced that his wife Judy Ann Santos is two months on the family way during the live presentation of
Eat Bulaga! today, March 12.

FIRST READ ON PEP:Ryan Agoncillo confirms wife Judy Ann Santos is two months pregnant

Erwin Santiago

Rating

  • Bookmark and Share











Kumpirmadong buntis na ang young superstar na si Judy Ann Santos.

Kinumpirma ito mismo ng mister ni Juday at ng mister niyang si Ryan Agoncillo saEat Bulaga! ngayong tanghali, March 12.

"Na-bullseye po! Gumagana si Manoy!" bulalas ni Ryan na hindi mapagsidlan ang katuwaan sa balitang magiging tatay na siya.

Ikinuwento ni Ryan na kaninang umaga lang nila nakumpirma na two months and four days pregnant na si Juday. Pagkatapos nilang magpa-checkup ay dumiretso si Ryan sa Eat Bulaga! at si Juday ay dumiretso naman sa kanilang bahay.

Bago pa man ang announcement na ito ni Ryan ay nakarating na sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa posibleng pagdadalang-tao ni Juday noong huling linggo ng Pebrero. Pero ayon kay Ryan, hindi pa nila ito agad mai-announce dahil wala pa ngang kumpirmasyon mula sa obstetrician nila.

"Medyo natagalan lang po ng pag a-announce dahil hinintay namin yung totoong confirmation dahil nung unang mga lumabas yung mga bali-balita, pregnancy test pa lang po. So, naghintay kami ng talagang...litrato. Di ba, yung naririnig namin yung tibok ng puso nung bata? Ayan, two months and four days," halatang excited na sabi ni Ryan.

Hindi naman daw makapaniwala si Juday na may baby na sa kanyang sinapupunan. "Tao pala ako, akala ko robot ako!" natatawang sabi niya sa kanyang sariling biro.

Nakausap ni Ryan at ng ibang hosts ng Eat Bulaga! si Juday via phone patch.

Nang tanungin naman si Ryan kung ano ang pakiramdam niya, ito ang kanyang sinabi: "Dyusko, tingin ko lang baka bukas ng umaga, hindi ako makabangon. Lasing ako mamayang gabi! Nakakatuwa, nakakatuwa..."

Kuwento naman ng co-host ng Eat Bulaga! na si Allan K, "Juday, para lang malaman mo kung gaano ka-excited si Ryan nung dumating siya, ako ang una niyang nakasalubong sa hagdan. Sabi niya sa akin, 'Pare, tatay na ako! Buntis si Juday!'"

Excited ding ipinakita rin ni Ryan sa publiko ang unang ultrasound image ng kanilang baby sa sinapupunan ni Juday.

Tinanong naman ni Pai Guanio si Juday kung ano ang gusto nilang maging anak—kung babae o lalake?

"Kahit ano, e, basta... Kasi siyempre, ang tagal naman din namin hinintay to, di ba? Masyado naman yatang selfish kung mamimili pa kami ng kasarian. So, kahit ano, basta healthy siya," sagot ng aktres.

Dagdag naman ni Ryan, "Basta ang importante magiging ate na si Yohan. Yun yung importante dun." Si Yohan ang adopted daughter nina Juday at Ryan.

Tinanong din ni Pia si Juday kung ano ang ibinilin sa kanya ng kanyang doktor.

"Umiwas daw sa akin, e," nagbibirong singit ni Ryan.

"Umiwas daw ako sa tsismis," sakay naman ni Juday. Pero aniya, "Hindi, extra careful lang sa work. Medyo magbabawas lang ng konti sa trabaho, pero tatapusin ko lahat ng mga nasimulan bago magbakasyon ng dire-diretso para maging safe yung baby, maging safe din ako."

Sa kasalukuyan ay napapanood si Juday sa ABS-CBN primetime series na Habang May Buhay.

Ano naman daw ang bilin ni Juday sa magiging tatay ng kanyang anak?

"Basta pondohan niya lang yung magiging bank account nung bata!" natatawang sabi ni Juday.



Sagot naman ni Ryan: "Eto na nga, kaya nga nandito na agad, e [sa Eat Bulaga!], kumander, o! Sige, sweetheart."

Marami na rin kasi ang excited sa pagbubuntis ni Juday kaya sa tuwing ini-interview sila ng media ay yun ang palaging kinukumusta sa kanila. At sa wakas nga ay nagkaroon na ng katuparan ang hiling at dasal ng mga nagmamahal kina Juday at Ryan na mabiyayaan na sila ng kanilang sariling supling.

Napag-alaman naman ng PEP mula sa isang source na ang isa sa pinaglilihian ni Juday ay ang mangosteen. Ayon sa aming source, habang nagsu-shooting daw si Ryan para sa isang ad commercial ay nagpapahanap daw si Juday sa kanya ng mangosteen, kaya namroblema ang TV host kung saan siya kukuha ng naturang prutas.

Ikinasal sina Juday at Ryan noong April 28, 2009 sa San Juan de Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas.


Glitter Text Generator

CONGRATULATIONS!!!!!!





Judy Ann Santos confirms pregnancy on Eat Bulaga
CARMELA G. LAPEÑA, GMANews.TV
03/12/2010 | 02:33 PM



Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo are indeed expecting a baby. This was confirmed on Friday on Eat Bulaga television show.

"Hindi ako makapaniwalang may baby, akala ko robot ako (I can't believe I will have a baby. I thought I was a robot)," Juday laughed over the phone.

Ryan then held up an ultrasound print-out, pointing to their soon-to-be baby's head, arms, and feet.


Ryan holds up an ultrasound print-out that shows his unborn child on Eat Bulaga
"Two months and four days na po nagdadalang tao ang aking misis, medyo natagalan lang po nag-antay kami na talagang litrato...naririnig namin yung tibok ng puso ng bata," Ryan said, adding that although Juday has been pregnant for more than a couple of months, they wanted to be absolutely sure before sharing the news.

"Kahit ano, basta healthy siya," said Juday when asked if the couple had any preference for their baby's gender.

Only three days ago, Agoncillo had asked the press to remain patient, saying they were still verifying initial tests.
"As with anything in our life, hindi naman namin ipagdadamot, but at this point kasi hangga't hindi pa namin lubusang naku-confirm, di ba? We need some more confirmation. When the time comes, we will share it. We will share it with you guys once we have that solid confirmation kasi ayaw naman naming maudlot," the television host-actor explained in an earlier report.

"Bye, Sweetheart," Ryan told Juday, as the Eat Bulaga dabarkads erupted in jubilation.

The couple, given their high-profile status, is unusually private, having been wed in a private ceremony at San Juan Nepomuceno Church in Batangas, with a modest guest list of 80. - RJAB Jr./LBG, GMANews.TV











Glitter Text Generator

Thursday, March 11, 2010

Judai shoot for ABS-CBN summer station ID

Judai shoot for ABS-CBN summer station ID from Mader Biboy....




Glitter Text Generator

News on Talentadong Pinoy


(Pilipino Star Ngayon) Updated March 12, 2010 12:00 AM

Photo is loading...

Simula ng third season ng Talentadong Pinoy ngTV5 sa Sabado at mapapanood na rin ang talent show every Sunday. Tinapatan na nito ang Pinoy Got Talent ng ABS-CBN, kaya matira ang matibay na lang sa dalawang shows.

Two sets na ang talent scout ng Talentadong Pinoy at P100,000 ang weekend cash prize. Sa comment na mas malaki pa rin ang audience share ng kalaban, sabi ni Ryan Agoncillo, humble sila at ’di nakikipag-yabangan. Nag-react din ito sa sinasabi na hindi original ang show niya.

“Nobody is original, but in this generation, kami ang trail brazer and that is a fact. Happy na rin kami na tumagal ang show at naabot namin ang second digit ng ratings,” sagot ng host.

Threatened ba sila sa Pinoy Got Talent?

“No! Pero ’di kami magiging kampante. The show has its own following at ’di namin sila dadayain. May three-letter word din kaming panlaban—MVP —o Manny V. Pangilinan who hates to lose and likes to win,” sagot ni Ryan.

Pumirma ng non-exclusive contract si Ryan sa TV5 at may clause sa kontrata na puwede siyang lumabas sa Eat…Bulaga at TV project with Judy Ann Santos.Madadagdagan din ang show ni Ryan sa TV5 dahil bibigyan siya ng sitcom, may drama special at pinangakuang ’pag nabili ang rights ng X Factor ni Simon Cowell,siya ang kukuning host.


Glitter Text Generator

LARAWAN SA CANVAS: TALENTADONG PINOY, UMAARANGKADA SA ERE!

LARAWAN SA CANVAS: TALENTADONG PINOY, UMAARANGKADA SA ERE!



ANG ISANG NETWORK na tila humahabol sa ratings ng dalawang higanteng network ay ang TV 5 na may bagong anyo ng konsepto at artistikong pamamaraan sa pag-eere ng mga programang pang-telebisyon. Isa na rito ang Talentadong Pinoy na nag-iisang talent show na no.1 pagdating sa ratings ayon sa mga surveys.

Ayon pa sa TV5, hindi na mabibitin ang milyun- milyong mga manonood sa mga pinaghahandaan pang malulupit na talento ng mga sumasali rito, sa lalo pang pinalaking production set nito. More than 7,700 hopefuls na ang sumali sa show na ito sa loob lamang ng anim na seasons simula 2008. Walo ang Hall of Famers na nagpakita ng kakaibang gilas at katatawanan. Grabe, huh!

Tila malaki ang tiwala ng TV5 kay Ryan Agoncillo- maging si Percy Intalan, inamin niya sa press people. Mga ka-tsokaran, watch na lang ninyo ang mas bongga pang salang nito sa darating na March13. Mas pinalaki ang set ng Talentadong Pinoy at mas malalaki ang premyong mapapanalunan. Naks! P11 million lang naman ang ipamimigay sa mga contestant gayon din sa mga studio audience. Grabe na, ‘to! Mapapanood ito tuwing Sabado at Linggo ng gabi. Kuwidaw, huh! Sa mga contestant na mananalo, doble halos – tumataginting na P500,000 pesos kapag nakaabot ng Hall of Fame. At P10,000 din naman sa mapipiling studio audience sa mananalong ‘Reaction Shot of the Day’ sa bawat episode nito. Wow, makasali nga, sayang ang premyo. Ha-ha-ha!

RUFFA, HAHALO NA SA CHANNEL 5

At ito ang bago. Ang kumakailan lang na aking na-interview, ang kontrobersiyal na si Ruffa Gutierrez, para sa kolum ding ito, ay isa sa magiging judge nitong Talentadong Pinoy. Wow, huh! Heavy-gats na ito. Siyempre, hindi mawawala rito ang mga resident talent scouts na sina Audi Gemora at Direk Joey Reyes.

Oh, ano? Tara na! Mag- auditon na sa Talentadong Pinoy at maghakot ng limpak-limpak na pera. Wow, huh! Gisingin na ninyo ang natatagong talent o kawirduhan man at nakatatawang acts, basta masubok ninyo ang galing sa Talentadong Pinoy. Sa mga taga-probinsiya, punta lang kayo sa designated SM Malls. May audition sa SM Cebu sa April 14-15, SM Iloilo sa Abril 22-23 at sa SM Cagayan de Oro on April 29-30.

PASADAHAN NATIN SI RYAN

Maestro: After every show, isa ka ba sa mga nag-iisip din kung papano magiging artistic ‘yung ng Talentadong Pinoy? Ryan: Ah, ‘yung creative concept, hindi po ako masyadong nakikialam. Mas malaki ang tiwala ko sa kanila. (Kunsabagay, mahusay na host itong si Ryan.)

Maestro: Uhm… sa mga network na pinagtatrabahuhan mo, aling network ang pinakamalapit sa puso mo?

Ryan: Ngayon, ang Mother station ko ay TV5, ‘yon ang malapit sa ‘kin. Pero ano ‘yan eh… given na mahal mo at nirerespeto mo ang mga katrabaho mo, it will turn out na the best for everyone.

ITANONG MO KAY JUDAI

Maestro: Totally parehas kayong professional ni Judai… sino ang kumander sa bahay?

Ryan: Ah… ‘yan? Masuwerte na maging husband ni Judai. Ako ‘yung kumander ‘pag payag siya. (Ha-ha-ha… under de pantalon. Meaning mapagmahal si Ryan.)

Maestro: Sabi niya sa ‘kin (Judai) sa interview ko sa kanya, nakangiti lang siya lagi sa ‘yo. Ha-ha-ha!

Ryan: Ah, si Judai, babaeng-babae ‘yan, eh. Mabait na mabait. Ako ang nagsusuot ng pantalon ‘pag hindi n’ya suot. Ha-ha-ha!

Naks! Komikero rin itong si Ryan. Siyempre ‘di mawawala ang mga tigasin ng TV5 na si Chairman Manny Pangilinan, at EVP & COO Roberto V. Barreiro, at Ray C. Espinosa, VP & Head of Network, Dennis Carandang ng Engineering.



Glitter Text Generator

Judai in Talentadong Pinoy finals...
























Judai is one of the special jury in the Battle of the Champions of Talentadong Pinoy hosted by her hubby, Ryan Agoncillo.




Glitter Text Generator

Judy Ann Santos talks about love, motherhood, and keeping fit




"Kapag may taong dumating sa buhay mo at tawa lang kayo nang tawa most of the time, na wala kang pretensions kapag kaharap mo siya, na wala kang tinatagong kahit ano, kusang lalabas ang nasa loob mo. Kasi ang happiness mo, hindi mo ma-contain! Kusa lang—pop!—lumalabas sa 'yo!" Juday tells Women's Health in its March 2010 issue.

Courtesy of Women's Health
Judy Ann Santos talks about love, motherhood, and keeping fit

Ingrid Villafuerte





Things have been relatively quiet on the homefront for Judy Ann Santos. Save from starring in a teleserye, Juday has been busy living a blissfully wedded life, concentrating on her family and settling into her life's biggest role as Mrs. Ryan Agoncillo.

A month shy of marking their first wedding anniversary, Juday speaks with the glow of a woman who truly married the love of her life. She tells Women's Health in their March issue, "Kapag may taong dumating sa buhay mo at tawa lang kayo nang tawa most of the time, na wala kang pretensions kapag kaharap mo siya, na wala kang tinatagong kahit ano, kusang lalabas ang nasa loob mo. Kasi ang happiness mo, hindi mo ma-contain! Kusa lang—pop!—lumalabas sa 'yo!"

The couple keeps their relationship fun and exciting by being spontaneous, as Juday says, "Kahit sa bahay lang, parang nagde-date na kami. Twice nakapagluto ako ng formal dinner for two. Nag-set up kami sa garden ng bahay at ang waiter namin, si Yohan!"

At the mention of her adopted daughter, Juday turns pensive as she tells Women's Health, "Ngayon ko na-experience na hindi pala biro [maging] nanay. Parang may sense of achievement ka 'pag may nagagawa ka para sa pamilya mo. At the same time, hindi mo akalain na magagawa mo pala 'yun sa isang araw." She notes that balancing a career with taking care of your husband and child can be fulfilling, but quite tiring as well. "Bilib ako sa mga nanay! Wala pang lumalabas sa akin pero pagod na ako. Eh sila pa kaya? I applaud them!"

One of the things Juday likes to do with Yohan is jog around the subdivision, something she really prefers over going to the gym. "It's bonding time for us... Gusto ko talaga 'yung exposed ako sa araw, sa hangin, sa environment," she tells Women's Health. "Gusto ko nakikita ko ang mga aso, ang mga tao, ang anak ko. Hindi ako puwedeng mag-jog in place. Gusto ko may nararating ako pag tumatakbo ako."

Read more about how Judy Ann turned into a fitness buff and find out how you, too, can start leading a healthy lifestyle by grabbing your copy of the March issue of Women's Health, available in newsstands and bookstores nationwide.

Glitter Text Generator

Tuesday, March 9, 2010

Hating Magakapatid....


Latest photo from Judai herself taken from the filming of Hating Kapatid with Sarah G.





Glitter Text Generator



Workshop with Direk Marilou Diaz-Abaya












































































































Taken during the workshop of her upcoming dramatic film under the helm of no less than Marilou diaz-Abaya.










































































Glitter Text Generator

STYLE SENSE

For a larger image_____click on here--->


Judy Ann Santos - Agoncillo

STYLE SENSE

1) How would you describe your fashion style?

Naku, wala ‘ata nun. Very casual ako. Jeans person talaga ako. Jeans, shirt and flats. Pag sinipag ako, mag dre-dress ako.

2) What piece of clothing and/or accessory is indispensable to you?

My wedding ring, of course. My engagement ring and my watch. Kami ni Ry kasi we love wearing “his and hers” watches. Yun first watch na reglao nya sa akin Oris na silver, and another na yellow and another na black. Mahilig talaga ako sa mga malaking men’s watch. “His and his” pala ang suot namin ni Ry. [laughs]

3) What would you wear to a casual lunch? To a formal gala event?

casual lunch: shorts na hanggang dito (points to mid-thigh area) para hindi masyadong maikli, flats and a big bag. I always bring a big bag kasi I want to bring everything all the time.

formal gala event: I would always go to Paul Cabral kasi kahit biglaan I could always call him to make a gown for me na I don’t need to fit. Sobrang kasibo na nya yung body ko, tanongin lang nya ako kung tumaba ako o hindi.

FACE VALUE

1) What’s your most “sacred” or favorite beauty routine?

I used to splurge on expensive moisturizers like La Prairie and Lamer. Kahit mahal, feeling ko, I deserve it naman. Then na-discover ko na hindi pala bagay yun sa lahat ng skin types. Di pala pang mamahalin ang mukha ko. So I just stick to what my derma prescribes. Mas mura pa. [laughs]

2) What beauty product (generic or with a brand) do you swear by?

Yung undereye treatment na galing sa derma ko.

3) Any favorite makeup product you recommend?

RMK na foundation! Kasi gusto ko yung liquid sya ko sya pero hindi nag cra-crack sa weather dito sa Pilipinas. Pang Asian skin sya talaga.

4) How many times are you in the salon in a week?

Once a month lang. Pag mag papa clean ako ng nails or wax, may pupunta sa set na tiga-Flawless.

FIT AND FAB

1) How do you stay in shape?

I go biking around the village hangga’t maari, every other day. Pero minsan, pagod pagod ka sa taping. Actually, taking care of a four year old child and carrying her around the house is enough exercise.

2) Any diet do’s or dont’s?

Before I loved drinking diet soda. Ngayon tinanggal ko sa systema ko yun. I took out beef and pork in my meals, so chicken, fish and veggies na lang. Brown rice. Wheat bread.

But I splurge din. Every Sunday, splurge day namin ni Ry — mula breakfast, lunch, dinner, hanggang midnight snack.

3) Any workout/exercise you swear by? How often do you do it? And why do you like it?

Cooking. I feel like when you cook, most of your muscles are working naman.

It’s [cooking] my passion. I thought my passion was really acting and then I realized that you have to do something for yourself. Sometimes you get burned out kasi from acting. Unlike sa cooking, pwede ka mag-experiment. And, it satisfies my husband and my family. Happyng -happy ako na mag may nanasarapan sa cooking ko.

MIND OVER MATTER

1) What traits do you admire in a woman?

Pag malakas ang sense of humor. Kapag tomboy-ish ang attacke nya sa buhay. Not “tomboy” ha, pero yun kaya nyang dalhin yun buhay. Yung tulad ni Mylene Dizon, Beth Tamayo and Gladys Reyes. Basically my best friends are like that.

2) What’s your definition of beauty?

When a person is smart enough to face life and its everyday challenges, I think that’s very, very beautiful. A strong personality and confidence.

3) What’s your definition of happiness?

Happiness is when you wake up in the morning and you can not explain why you’re smiling already. Doing something you really love and pleasing everyone else around you and not just yourself.

Doing charity work. I’ve been doing that for the past 15 years and nagtataka sila kung bakit hindi ko pina-pa cover, e kasi hindi naman sya work.

4) When are you most at peace?

When I’m in the kitchen, in the bathroom and when I’m in my bed with my daughter and my husband.

5) What was the last book you read?

Tuesdays with Morrie and Veronica Decides to Die.

Yung Veronica Decides to Die, parang depressed na babae. It’s a self-help book na din, tungkol sa anger and heartbreak. Syempre nung binasa ko yun mga 4 or 6 years ago, heartbroken ako so okay na okay yun. I’m starting a new book now by Mitch Albom, “For One More Day”.

6) What is your favorite role in life and why?

Being a wife a mother and a daughter and a sister. Kung baga, yun real life roles ko yung gusto gusting ko. I can not say I love being a chef kasi I cam not a “chef-chef” yet. I love seeing myself na nagaalaga ng mga tao. I love pampering my mom. I love seeing her smile.



Glitter Text Generator

BOY ABUNDA'S interview w/ JUDAY sa INSIDE CINEMA



This is part of BOY ABUNDA'S interview w/ JUDAY sa INSIDE CINEMA

How hard was it doing that scene (nahulog si Leandro sa Kahit Isang Saglit)?
Ginawa namin iyon for three whole days, iyong isang scene lang na iyon. Looking back, iyon iyong scene na luhaan kaming umuuwi dahil sa pagod.

How was Piolo?
Gentleman, malambing, napakagwapo. Kaya siguro maraming nahuhulog sa kanya.

Did you?
Papunta na doon. Wahhhhhh!!! Tito Boy wag mo akong binibigla.

Again, tanggap ito ng sambayanan.
Oo, dahil siguro gwapo siya at ako Judy Ann Santos, parang rich guy na poor girl. Kaya may mga fans na bumuo na ng sarili nilang mundo... surreal na surreal ako. It came to a point na natatakot na ako dahil hindi po totoo ang mga kaganapan dahil very vocal lang kami ni Piolo at that time pero klaro naman sa amin dalawa na hindi kami pwede bumongga ng tawid sa pagiging romantic.
Why?
I just can't see it.

Tinanong mo rin siya kung meron siya?
Yes, at no ang sinabi niya. Iyang mga lalake talaga! Mahilig umechos.

Who was he going out at that time?
Pops. Ayyy! Tito Boy talaga!

What made you do Kahit isang saglit?
I needed to do it. To get away from the Rico-Wowie thing. You know for a fact that you need to grow as a person, as an actress. Para maiba naman!

Sa lahat na nagawa mo pelikula with Piolo, what is it?
Till there was you. Kasi nag comedy ako. Joyce Bernal-Ga-Juday in one ang character. Kasi nung Dont Give Up, may tension na kami ni Piolo, simula ko na siyang di na like, kasi nga di siya umaamin. First love scene ko rin ang Till There Was You.

How did you prepare for the love scene?
Naglasing ako. Bahala ka na ha? Master ka naman nito eh? Sabi ko kay Piolo. Sabi ko kay Piolo, aminin mo na, kasi gusto ko after nitong love scene, simula na tayo ulit.

Did he tell you everything?
Yes, I suppose so. Sakit ako ng ulo sa kanya nun. Kasi alam kong may tinatago siya sa akin. So late ako, make up for two hours, pinapahirapan ko siya.

Niligawan ka niya?
No.

Nagpakita siya ng interes?
Kung si Piolo ang partner mo, iisipin mo meron, kahit wala. Nung time na iyon, ang daming nangyayari sa kanya, na nalalaman ko sa ibang tao, sabihin mo sa akin para lam ko pano ka proteksyonan.

Today, how are you guys?
We are okay, we are friends, we are civil.

Nakapagusap na ba kayo ulit?
Nung nagusap sila ni Ryan. Un ang pinaka-kabadong gabi na siguro.

San sila nagusap?
Sa van.

What happened? How long ago?
2-3 years ago? Nung kinwento, maayos naman, walang sigawan nangyari. Nagsorry siya sa akin. The last words I told him was, "It was nice working with you." I think we had to go through it.


Glitter Text Generator