@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Showing posts with label regine velasquez. Show all posts
Showing posts with label regine velasquez. Show all posts

Tuesday, March 27, 2012

Juday backs Sharon vs haters


By NITZ MIRALLES

Manila, Philippines – ANG kaseksihan ang unang pinuna ng press kay Judy Ann Santos nang dumating ito sa presscon niya bilang first celebrity mom endorser ng Eden Cheese kasama ang anak na si Yohan. Inalam namin ang kanyang vital statistics, pero hindi niya alam.
“Hindi ko talaga alam, di ako nagmi-measure ng alindog ng katawan. Si Paul Cabral lang ang nakakaalam ng exact measurement ko,” sagot ni Judy Ann.
Ang ganda-ganda naman talaga ni Judy Ann sa blue Herve Leger dress at ibinagay niya yata sa kulay ng damit sa publicity photo ng Eden Cheese. Nagpasalamat ito sa maker ng Eden Cheese sa pagkuha sa kanila ni Yohan bilang mother-daughter endorsers.
Samantala, hiningi namin ang reaction ni Judy Ann sa tweet ni Sharon Cuneta na “JUDAI MY SISTER I THINK YOU ARE RIGHT TO NOT JOIN TWITTER” dahil sa naranasang cyber bullying nito sa Twitter.
Sabi ni Judy Ann: “Napagkuwentuhan namin ang tungkol d’yan at nabanggit ko sa kanya ang opinion kong ayokong mag-Twitter dahil magulo. Ang daming issue sa mga artista ang lumalabas dahil sa Twitter. May kani-kanyang opinion at hindi nasasala. Nangyari na nga kay ate at nalulungkot ako dahil ang daming umaaway sa kanya at nahusgahan agad siya at kung anu-ano ang sinasabi sa kanya at kay KC (Concepcion).”
“Nabasa ko ang mga tweet sa kanya, anak niya ‘yun at kahit naman ako magagalit at hahanapin ko ang naninira sa anak ko. Nine months mong dinala ang anak mo, tapos sisiraan lang ng ‘di naman kayo kilala. Naiintindihan ko si ate at walang sinumang tao ang may karapatang humusga sa pagde-defend niya sa kanyang anak. Hindi nila alam ang saloobin niya, nanay ‘yun at nasasaktan sa mga paninira sa kanyang anak.”
Ganu’n din ang reaction ni Judy Ann sa naging kaso ni Regine Velasquez-Alcasid na ipinagtanggol ang anak na si Baby Nate sa mga basher.
“Kung mangyari ‘yun kay Lucho, hahanapin ko siya. Okey lang ako ang kinanti dahil sanay na ako, pero ‘pag anak mo na kahit naman sinong santa, lalabas ang sungay.”
Natatawang binanggit ni Judy Ann na tiyak siyang paglabas ng interview sa kanya tungkol sa Twitter issue, mamasamain siya.
“Sana isipin lang nila na hindi mga robot ang mga artista at nasasaktan din kami at walang may karapatang pagsalitaan kami ng masasama,” dagdag na pahayag ni Judy Ann.
Samantala, third wedding anniversary nina Judy Ann at Ryan Agoncillo sa April 28, pero wala pa silang plano kung paano isi-celebrate ang special occasion sa buhay nila. Last year, nag-ihaw-ihaw lang sila kasama ang mga kaibigan at pamilya at one week lang silang naghanda.
“Mahilig kami sa last minute preparation at napapansin namin, habang patagal nang patagal, wala ka nang maisip kung paano magsi-celebrate,” pagtatapos ni Judy Ann.



 source here

Thursday, March 22, 2012

Judy Ann a perfect role model for Regine

Written by :



What’s next for her after her successful hosting stint in “Junior Master Chef”? “They’re now preparing the adult version of ‘Master Chef’,” she says. “After that, I’ll do a movie with Coco Martin, then with John Lloyd Cruz. They also want me to do a teleserye but I said dahan-dahan lang kasi my priority now is really my family. I’m also doing the indie film of Direk Joey Reyes, ‘Mga Mumunting Lihim’.”

How does she feel working with younger actors like Coco and John Lloyd? “I’m definitely excited to have new leading men like them na sikat na sikat ngayon and both considered very good actors,” she says. “Talagang hits ang teleseryes ni Coco at blockbusters naman ang movies ni John Lloyd, so I look forward to working with both of them. You can see kung gaano ka-intense si Coco when he acts so I’d like to find out what motivates him. Si John Lloyd naman, I got to work na with him when he was just starting. Baby boy pa nga tawag ko diyan. I’m so happy sa nakita kong success na narating niya.”

Did it take her long to decide that she’d endorse Eden Cheese? “No, go agad kasi I’ve been really using it for the longest time for spaghetti and for my snacks when I was dieting.”

An Eden Cheese exec says Juday is their perfect choice as endorser as she personifies their brand since people relate to her easily and, as a mom, she’s considered “maalaga” or very caring in making the right choices for her family. Her daughter Yohan appears with Juday in Eden’s “agahan ang sustansiya” TV commercial that emphasizes the importance of having the ideal food with the best “lusog lakas” nutrients for breakfast to start your day right.



source here

Monday, February 13, 2012

Regine and Judai movie!

Ang magkasama sina ni Judy Ann Santos sa comedy movie ang isa sa mga pangarap ni Regine.
Nang magkausap sila ni Alfie Lorenzo (Judy Ann’s ma­nager), naglambing si Regine na mabigyan sila ni Judy Ann ng pagkakataon na makagawa ng pelikula, habang mataba pa siya dahil sa kanyang palagay, ‘yon ang bagay sa kanya.

Sa lahat ng mga tumaba, isa si Regine sa mga nakita namin na confident at komportable sa kanyang current size dahil may valid reason ang paglobo ng katawan niya, ang pagsisilang sa anak nila ni Ogie. Besides, hindi naman mortal sin ang ma­ging mataba.


http://www.abante.com.ph/issue/feb1412/ent_jg.htm