@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Showing posts with label anessa. Show all posts
Showing posts with label anessa. Show all posts

Sunday, July 21, 2013

Juday at Sam, tumitindi ang salpukan sa serye!

Patindi nang pa­tindi ang galit ng karakter ng Pinoy Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos na si Anessa sa role ni Sam Milby na si Eros sa tele­serye ng ABS-CBN na Huwag Ka Lang Mawawala.
Matapos tuluyang mapawalang-sala sa kasong smuggling, naging desidido na si Eros na bawiin ang kanyang anak mula kay Anessa. Humantong pa sa sukdulan ang lahat dahil sa labis na galit sa pang-aabandonang ginawa sa kanya ng asawa ay mababaril ni Eros si Anessa.
Malampasan pa kaya ni Anessa ang panibagong banta na ito sa kanyang buhay o ang karahasang ito ang magiging susi sa muli niyang pagbangon? Huwag palampasin ang mas palaban na kuwento ng Huwag Ka Lang Mawawala, gabi-gabi, sa ABS-CBN Primetime Bida.
Para sa iba pang updates kaugnay ng programa, mag-log on lang sa www.facebook.com/HKLM.TV at sundan ang @HKLM_TV sa Twitter.

Tuesday, June 25, 2013

JUDY ANN’S TV SERIES DEALS WITH MARITAL RAPE, DOMESTIC VIOLENCE

http://abscbnpr.com/?p=13413


Judy Ann's breakdown scene in 'Huwag Ka Lang Mawawala'ABS-CBN’s top-rating primetime series “Huwag Ka Lang Mawawala,” topbilled by Teleserye Queen Judy Ann Santos, keeps on surprising viewers in a different way through its unconventional, fiercer scenes, which include one of its latest episodes where Judy Ann’s role, Anessa, was raped by her husband Eros, played by Sam Milby. After experiencing violence once again in the hands of Eros, Anessa finally found the courage to take a stand, confront her husband, and leave the Diomedes mansion to go back to her family and start a new life. How will Anessa give ‘justice’ to herself? Will Eros still fight for their marriage? Or will the break-up of Anessa and Eros give Alexis (KC Concepcion) hope to rekindle the flame between her and her childhood sweetheart? Don’t miss the fast-paced story of “Huwag Ka Lang Mawawala,” weeknights, after “Juan Dela Cruz” on ABS-CBN Primetime Bida. For more updates about the show, log on to www.facebook.com/HKLM.TV and follow @HKLM_TV on Twitter.
JUDAY NILAYASAN SI SAM! Gigil ang TV viewers sa mga pinaggagagawa ni Sam Milby kay Teleserye Queen Judy Ann Santos sa mga latest episode ng fast-paced na kuwento ng top-rating ABS-CBN primetime series na “Huwag Ka Lang Mawawala.” Nag-alsa balutan na ang role ni Juday na si Anessa mula sa mansyon ng mga Diomedes dahil sa pagiging marahas sa kanya ng asawang si Eros (Sam). Ito ay matapos muling dinanas ni Anessa ang pananakit ni Eros na umabot pa sa sukdulang ginahasa siya nito. Paano bibigyang ‘hustisya’ ni Anessa ang impyernong pinadanas sa kanya ni Eros? Tuluyan na nga bang mawawasak ang relasyon ng mag-asawa? Ang paghihiwalay ba nina Anessa at Eros ang hudyat para muling angkinin ni Alexis (KC Concepcion) ang puso ng kababata? Huwag palampasin ang mas kapanapanabik na takbo ng kuwento ng “Huwag Ka Lang Mawawala,” gabi-gabi, pagkatapos ng “Juan Dela Cruz” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa iba pang updates kaugnay ng programa, mag-log on lang sa www.facebook.com/HKLM.TV at sundan ang @HKLM_TV sa Twitter.
Judy Ann and Sam Milby's intense scenes in 'Huwag Ka Lang Mawawala'Judy Ann's breakdown scenes in 'Huwag Ka Lang Mawawala'

Thursday, May 30, 2013

Judy Ann, personal na pinili ang cast ng kanyang upcoming teleserye

  • image
    "Ipinagmamalaki ng aktres na si Judy Ann Santos na tama ang kanyang naging desisyon sa pagpili ng mga makakasama niya sa pagbabalik-teleserye na "Huwag Ka Lang Mawawala" matapos ang tatlong taon."
    Ipinagmamalaki ng aktres na si Judy Ann Santos na tama ang kanyang naging desisyon sa pagpili ng mga makakasama niya sa pagbabalik-teleserye na "Huwag Ka Lang Mawawala" matapos ang tatlong taon.

    Sa muling pagsabak sa drama ng tinaguriang reyna ng soap opera, sinabi ni Judai na naaangkop kay Sam Milby ang gagampanan nitong role sa nalalapit na teleserye.

    "Kasi nung binasa ko 'yung script, ang una talagang aktor na pumasok sa isip ko, si Sam. Kasi ang ganda ng mukha at nakikitaan ko pa siya ng mas malalim pang acting sa mga past na mga trabaho na niya."

    Nakumbinsi niya si Sam na tanggapin ang role na magbubukas aniya sa aktor ng mas maraming oportunidad para gumanap sa mga mas mature na karakter.

    Kasama ring bibida sa "Huwag Ka Lang Mawawala" si KC Concepcion at ang beteranang aktres na si Amalia Fuentes.

    "Abangan po ninyo. Isang napakaimportanteng karakter ang gagampanan ni Ms. Amalia Fuentes, and with KC Concepcion, isa siyang revelation dito. Pareho sila ni Sam. I'm proud to say na hindi ako nagkamali sa mga choices ko sa series na ito dahil talagang revelation lahat ng tao dito." 

    Dalawang dekadang Kapamilya

    Inamin naman ni Judy Ann na nagpapasalamat siya sa patuloy na tiwalang ibinibigay sa kaniya ng ABS-CBN sa loob ng dalawang dekada niyang pagiging Kapamilya.

    "Very thankful din naman ako talaga sa ABS-CBN dahil sa lahat lahat ng magagandang proyektong ibinigay nila sa akin, ipinagkatiwala pa rin nilang ibigay sa akin itong 'Huwag Ka Lang Mawawala.' Ang tensyon ko abot langit."

    Iikot aniya ang istorya ng kanyang teleserye sa pagpapalakas at pagpapatatag ng kalooban ng mga kababaihan.

    "Very heavy drama ito. May martial arts kasi iso-showcase namin dito ang self-defense ng isang babae laban sa isang asawa na binubugbog siya -- woman empowerment. May advocacy din na pampagising sa mga tao at mga kababaihan na kailangan tayong lumaban sa mga pagkakataong kailangan tayong lumaban." 

    Gaganap ang aktres bilang si "Anessa" na isang battered wife at gagawin ang lahat upang maipagtanggol ang anak.

    Magsisimulang mapanood ang "Huwag Ka Lang Mawawala" sa Hunyo 17 sa ABS-CBN Primetime Bida. Report from ABS-CBNnews.com