@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, March 12, 2013

Judy Ann kabado sa pagbabalik sa teleserye


Malapit nang mapanood ang bagong teleserye ni Judy Ann Santos na Against All Odds. Kasama ng aktres sa nasabing proyekto sina KC Concepcion at Sam Milby. Masaya si Judy Ann dahil nakasama niya ang dalawa sa soap opera sa kauna-unahang pagkakataon.
“Masaya talaga. Blessed ako na lagi akong nakakahanap ng mga katrabahong very comfortable and very professional,” bungad ni Juday.
Kinakabahan daw ang aktres sa kanyang pagbabalik sa pag-arte dahil taong 2010 pa ang kanyang pinakahuling nagawang serye, ang Habang May Buhay.
“Oo naman, may kaba, lalo na ngayon, medyo may tatlong taon din na akong ’di nakita ng tao sa teleserye. Sana ’yung expectations hindi masyadong matindi,” pagtatapat ni Juday.
“Pero sa kabila ng lahat ng ‘yon dahil pinagkatiwalaan ako ng ABS-CBN at ni Sir Deo (Endrinal) ng isang magandang project, ang trabaho ko lang talaga ngayon is kaya kong maitawid itong teleseryeng ito,” giit ng aktres.
Samantala, isang kakaibang pelikula rin ang nakatakdang gawin ni Judy Ann bago magtapos ang taon.
“Surprise na muna. Actually, excited na nga akong sabihin pero ’di ba nga sabi nila huwag mo munang bilangin ang mga sisiw hangga’t ’di pa nagha-hatch? Pero for this year, ito ang pinaka-nakaka-excite na part ng career ko ng 2013. Sana matuloy,” makahulugang pahayag ng aktres.

No comments:

Post a Comment