@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Thursday, April 28, 2011

Royal Wedding, ginaya kina Juday & Ryan

ALFIE LORENZO

April 29, 2011

ABA! Gaya-gaya pala ang Prince William at Kate Middleton sa wedding date nila na Abril 28 kina Judy Ann Santos & Ryan Agon*cillo, Sharon Cuneta & Kiko Pangilinan, at Richard Gomez & Lucy Torres.

Ano kaya ang meron sa petsang iyan at pati royalty ay iyun ang choice?

Mamayang gabi (Manila time) ang Royal Wedding na pinag-aagawan ng tatlong naglalabang network sa Pilipinas.

Sey n’yo, Biyernes ngayon at Abril 29 na, samantalang ang kasal nina Juday & Ryan, Sharon & Kiko at Goma & Lucy ay Abril 28 ! Eh ‘di ba nga, advanced tayo nang one day kesa ibang panig ng mundo?

Asahang like the couples Juday & Ryan, Sharon & Kiko, Goma & Lucy ay magiging sweet and lasting din ang pagsasama nina Prince William & Kate!

Happy wedding, my dear William! Parang kelan lang na kasinlaki ka pa lang ng apo kong si John-john nu’ng mamatay ang mommy mong si Princess Dia*na, pero heto at ikaw na ang ikakasal!

***

Ang ganda ng nagdaang Holy Week namin dahil pare-pareho kami nina Mama Daisy at Annabelle na nagkamit ng papremyo.

Si Mama Daisy ay nag-uwi ng more than P100,000, ako naman ay nagkaroon ng dalawan*g maliit na laptops at isang Bvlgari na kuwintas.

Ang bongga ay itong si ‘Just Call Me Joy!’ na more than P600,000 ang magkasunod na nakuha sa iisang slot machine.

Ito na lang ang liba*ngan ng kaibigan naming dati ay sa New York ang residence, but now that her daughter stays in Singapore ay dito na sa isang exclusive village nakatira si ‘Joy’ na may hearing aid na at ‘kalimot’.

Hindi niya maalala kung saan siya nakatira. Paano kung makidnap siya at ma-ice pick din?

“May driver naman ako at maid na kasama,” aniya.

Hindi nakalimutan ni Joy na kumustahin si Juday.

“You’ve done a good job with Judy Ann,” ani*ya.

Natuwa ako sa sinabi ni Joy kaya hindi ko na tinanggap ang balato niya.
  ---------
Sa linggo ay may wedding anniversary party ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Inimbita nila ang ilang mga kaibigan para roon at gaganapin ‘yon somewhere in Alabang.

May pamisa pa ang mag-asawa.

Si Charlene Gonzalez ay may pa-dinner din sa gabing ‘yon.

Kasabay ng advance birthday celebration ko ang dalawang selebrasyon na ‘yon, kaya karamihan sa mga bisita namin ay maglalagare sa tatlong party.

Si Ogie Alcasid ay nagsabi na sa akin na pupunta muna siya sa party nina Juday at Ryan at saka pupunta sa party ko.





Jun Lalin

Abante Tonite

April 29, 2011
Reply With Quote

No comments:

Post a Comment